CHAPTER 2

16 1 0
                                    

Mag-tatatlong linggo na ako dito sa bahay ni Justin at ganun padin ang pakikitungo nito saakin.

Pag-lasing itong umuuwi ay hinahanap ako nito para lang masaktan ako. Buti nalang at andito si manang sita upang patigilin si Justin.

Minsan pang ako ang nagluto ng almusal nya at naalatan ko ang timpla ng ginawa kong soup ay tinapon nito saakin ang mainit na sabaw. At hindi pa ito nasiyahan dahil sinampal din ako nito nang dalawang beses.

Ngayon ay pagaling na ang paso ko sa braso dahil nilalagyan ko ito ng oitment.

Katulad nalang ngayon.

"Ano ba namang luto yan Helga ha!? Pagkain pa ba yan!? Bat ang asim-asim ha!?" Sigaw nito at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

Linggo ngayon at walang syang pasok ng may dumating na babae dito sa bahay. Napag-alaman ko na girlfriend ito ni Justin.

Tanghali ng pumunta dito ang babae nya. Nanonood non ng basketball si Justin ng dumating si Haisley Jimenez.

Napag-alaman ko ring anak ito ng senator Jimenez. Mayaman ang angkan nila at kilala rin sa mundo ng politika.

Minsan na ring nasangkot ang pangalan ng senator sa isang kaso. Pinagbibintangan itong nagbebenta ng droga at pumapatay ng mga taong tumatalikod sakanya o kung sino mang kumakanti sa pamilya nya.

Pero dahil kilala ang pamilyang Jimenez ay nabasura ang kasong yun sapagkat marami itong kilala sa politika may binabayaran itong mga pulis at Heneral para lamang malinis ang pangalan ng kanyang pamilya.

Napakasakim ng pamilyang Jimenez kaya alam ko nang unang kita ko palang kay Haisley ramdam kong pinaplastik nito ang mga ngiti nya sakin dahil narin sa minsang pagtalim ng mata nito habang nakatingin sakin.

Parang pinaparating nito na huwag ko syang subukan at alam nya ang mangyayari saakin at sa pamilya ko.

Kaya natakot ako dahil si inay at Freya nalang ang pamilya ko---.

Natigil ang pag-iisip kong nag maramdaman ko ang pagmanhid ng kaliwang pisngi ko. 'Sinampal ako ni.... Justin'.

"Ano!? Bingi ka bang babae ka ha!? Gusto mo talaga yung laging nasasaktan ka eh ano!?" Sigaw nito sakin habang mahigpit na hawak ang panga ko.

"S-sorry Justin h-hindi ko naman a-alam na n-napasobra yung s-sinigang mix na n-nilagay ko." Nanginginig na sabi ko dito at pilit na inaalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

Totoo yun hindi ko alam na napasobra ang lagay ko dahil na rin nadistract ako sa pagdating ng babae nya.

"Pati ba naman pagluluto hindi mo alam ha!? Magbubuhay princessa ka nanaman dito ha!? Tandaan mo hindi kana princessa dito!" Huling sabi nito bago yayain si Haisley. "Let's go. Let's just eat outside." Yaya nito sa kasintahan.

Tuluyan na silang umalis at napa-upo nalang ako sa upuan at hinayaan ang sarili kong lumuha ng lumuha.

Napahagulhol ako habang nakaupo sa silyang kanina ay inuupuan ni Justin.

Parang pinira-piraso ang puso ko dahil wala akong magawa para ipaglaban ito.

Ilang minuto akong nasa ganong pwesto pinapakalma ang sarili ng maramdaman kong tumutunog ang cellphone ko na nasa aking bulsa.

Kinuha ko ito at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Hello?". Sabi ko sa.

'Helga ang nanay mo sinugod sa ospital!'. Sabi ng nasa kabilang linya kaya dali-dali kong tinignan ang caller at ng makitang si Aling Linda ang natawag.

100 Days In A Hellish Life (On-going)Where stories live. Discover now