CHAPTER 5

11 2 0
                                    

*Flashback*

'NAK. Kailan ka ba bibisita dito sa bahay? Malapit ng mag-isang taon si Freya. Miss ka na din namin ng tatay mo.' Sabi ni nanay mula sa kabilang linya.

"Nay. Malapit na po ako umuwi jan. Hindi pa po kase dumadating si Justin galing sa bussiness trip nya eh kaya hindi po ako makapagpaalam. Gusto ko naman pong makapagpaalam sakanya ng personal baka gusto din po nyang sumama." Mahabang paliwanag ko kay inay. Naririnig ko ang impit na hikbi ni inay sa kabilang linya kaya naman napabuntong hininga nalang ako.

'Tatlong buwan ka nang hindi nadalaw dito anak. Miss na miss ka na namin. Wala na nga ang ate mo tapos ikaw hindi pa namin makikita.' Pagpapa-awa pa nito sakin. Kaya naman alam kong pag nag gaganito ang inay ay wala na akong laban.

Napabuntong hininga nalang ako. "O sya sige na nga po nay itetext ko nalang si Justin na bibisita ako sainyo. Sa isang araw nalang ho ako uuwi." Napapabuntong hiningang sambit ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni inay saakin.

Marahil ay pinagtatawanan na naman ako nito dahil talo nanaman ako sa pag-mamaka-awa nya.

"Huwag mo akong tawanan inay." Nakasimangot na sambit ko. Lumakas ang pag-tawa ni inay mula sa kabilang linya kaya naman napabuntong hininga nanaman ako sa ikatlong beses.

'Sabi na't hindi mo ako matitiis anak.' Natatawa paring sambit nya. Narinig ko din ang tawa ni itay sa kabilang linya.

"Alam mo ang kahinaan ko nay." Sabi ko sakanya kaya naman mas lalo pang lumakas ang tawa nito.

'Kahinaan mo ako anak. Kami ng tatay mo.' Sambit nito at alam kong nakangiti ito ngayon kahit hindi ko ito kaharap.

"Sige na po inay, itay. Mamaya na ho uli tayo magusap at aayusin ko pa ang mga gamit ko." Paalam ko sakanila. Nagpaalam din sila sakin bago patayin ang tawag.

**********

"HAPPY birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday Freya. HAPPY 1ST BIRTHDAY BABY FREYA." Kanta namin kay Freya bago ko hipan ang candle na nasa cake nito dahil hindi pa nito alam iyon.

Tatlong araw bago ang birthday ni Freya ay nandito na ako.

Tinext ko nalamang si Justin para mag-paalam dahil hindi nito sinasagot ang tawag ko.

Isang linggo na itong hindi tumatawag sakin. Ni ang mag-text manlang ay hindi nito magawa. Nag-aalala na ako sakanya.

KINABUKASAN ay pinagtulungan namin ni nanay na buksan ang mga regalong natanggap ni Freya bago ito maayos na inilagay sa kwarto ni ate.

Wala si itay kaya't kaming tatlo lamang ni nanay at Freya sa bahay. Maaga itong pumasok dahi umabsent ito kahapon para lang sa birthday ni Freya.

Hapon na at nasa sala kami ni inay at nilalaro si Freya ng humahangos na pumasok sa loob si Manong Dante.

"A-anong nangyari Dante at tila'y nagmamadali ka?" Tanong ni nanay kay Manong Dante.

Humugot ng malalim na hininga si Manong Dante bago magsalita. " N-naaksidente si pareng Roel!" Hiningingal na sambit nito at para akong namingi pag-katapos sabihin ni manong Dante ang katagang iyon.

Para akong bunuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni mang dante. Tulala ako at tuloy-tuloy na nagsibagsakan ang aking mga luha.

Parang hindi ma-absorb ng utak ko ang sinabi ni mang dante.

Ilang minuto akong nakatulala at natinag lang ng biglang sumigaw si mang dante.

Nang tumingin ako sa gawi nila ay nakita kong naka-alalay na sya kay inay.

"Nahimatay ang inay mo hija!" Sigaw ni mang dante kaya dali dali akong lumapit sa kanila at inalalayan syang buhatin si inay at inihiga sa kahoy na upuan namin.

Pinaypayan ko si inay pagka higa namin sakanya sa upuan at ilang minuto lang ay nagising na ito.

"Nasan si Roel, Dante!?" Sabi ni inay pag-kabangon nya sa pag-kakahiga.

"Nasa ospital sya dead on arival. Nasagasaan sya ng sasakyan habang tumatawid sya. Naka-stop ang stop light ng tumawid sya pero ang sasakyan na bumangga sakanya ay dere-deretso lang kaya sya nasagasaan. Sa ngayon ay iniimbistigahan pa ng mga pulis ang nangyaring aksidente. Wala paring nakukuhang ibendensya ang kapulisan." Mahabang paliwanag ni mang dante samin ni inay.

Ibinilin namin si Freya sa kapit bahay at dali-dali kaming pumunta ni inay sa ospital.

Pagkarating namin don ay naabutan namin ang mga pulis na nasa harap ng morge.

"Kayo po ba si mrs. Delviña?" Tanong ng pulis pagkalapit namin sa kinaroroonan nila. Tango lamang ang isinagot ng aking ina sakanila.

"Pumasok na po kayo sa loob hihintayin po namin kayo para makuha ang statement nyo." Ani ng pulis saamin.

Pumasok kami ni inay sa loob at halos manghina ang mga tuhod ko ng makita ko ang labi ni itay na may takip ng puting kumot pero pinigilan ko dahil kailangan ako ni inay.

Inalalayan ko sya dahil muntikan na syang matumba. Lumapit kami kay itay at napahagulhol kaming sabay ni inay ng tanggalin ko ang kumot na tumatakip sa mukha ni itay.

Kitang kita ko ang maputla nyang mukha. Hinaplos ko ang mukha nyang malamig at humagulhol ng todo.

Pati ang inay ay halos mahimatay uli dahil sa nakita.

Tumalikod ako dahil hindi ko kinaya ang makitang walang buhay ang itay.

Makalipas ang ilang minuto ay may pumasok na pulis sa loob sinabi saamin na kakausapin na kami ni inay. Tango lang ang isinagot ko kaya naman lumabas na ang pulis.

Pinunasan ko ang luha ko bago ako bumuntong hininga ng paulit-ulit bago pumihit paharap kay inay at alalayan sya palabas.

Pagkalabas namin ay agad kaming sinalubong ng pulis na nag-papasok samin kanina.

"Mrs. Delviña". Sambit ng pulis pag-kalabas namin ng kwarto.

"M-may nakuha n-na po ba k-kayong ibidensya?" Sambit ko dahil hindi na maka-pag-salita ang inay dahil sa sobrang pag-iyak.

"As of now, wala pa kaming nakukuhang ibidensya. Hindi pa namin mahuli ang may ari ng sasakyang bumangga sa itay mo. Nakita namin ang cctv footage pero hindi namin makita ng maayos dahil malabo ang kuha at malayo ang cctv sa pinangyarihang kaso. Hindi namin matukoy kung sino ba ang may gawa ng to dahil walang sapat na ibidensya." Mahabang paliwanag ng pulis. Huminga sya ng malalim at."May nakaaway ba ang itay mo o kaya ang pamilya mo?" Tanong nito.

Umiling ako. "Wala pong kaaway ang itay. At lalong wla po kaming naka-away." Sambit ko.

Tumango ito. "Parang sinadya ang pang-yayari dahil nakita namin di kalayuan doon ang sasakyan na sumagasa sa itay mo at walang nakasakay doon. Chineck namin ang loob ng kotse at wla kaming makitang ibedensya kung kaninong sasakyan iyon." Sambit ng pulis na nag-paisip sakin.

Wlang kaaway ang itay at wla kaming naka-away. Wala rin namang may galit saakin.

"Ang sasakyan na nakita namin ay chinecheck pa namin. Magpapa-alam muna kami sainyo at tatawagan nalang namin kayo pag-nalaman na namin kung kaninong sasakyan ang ginamit." Paalam nito samin. Tumango lang ako dahil hindi mawala sa isip ko na sinadya ang pag-bangga kay itay kahit wala pang nakukuhang ibidensya.

Malakas ang kutob kong hindi aksidente ang nangyari kundi sinadya iyon. Ngunit hindi ko maisip na may galit sa pamilya namin at ang itay ko ang binagbuntunan niyon.

Hanggang pag-uwi ay iyon parin ang nasa isip ko.

**********

To be continue....


-Liana_nepo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 Days In A Hellish Life (On-going)Where stories live. Discover now