CHAPTER 4

11 2 0
                                    

"TITA MAMA, gusto ko po nung laruan na yun please po?" Kinalabit ako ni Freya at tinuro saakin ang Laruang nagustuhan nya. Nag-pacute pa ito sakin kaya naman natawa nalang ako ng mahina bago ko pisilin ng mahina ang pisngi nya.

Nandito nga pala kami sa SM taytay at gumagala. Dito kase kami dinala ni Ethan dahil nagyayang magmall si Freya at dahil mabait na ama si Ethan sinunod nya ang gusto ng kanyang anak.

"Wala akong pera baby eh." Sabi ko dito kaya naman nalungkot ito at ngumuso. "Kay daddy ka magpabili madami pera yan." Sabi ko dito at bigla namang lumiwanag ang mukha nito at nagtatakbong pumunta sa tatay nyang may kausap sa phone.

Natawa ako ng hinila-hila nito ang laylayan ng damit ni Ethan habang tinuturo ang laruan na gusto nya.

Pagkatapos naming bumili nang laruan ni Freya nag-ikot-ikot kami sa mall at naglaro sa arcade at nang mapagod ay dumiretso kami upang maghanap ng makakainan tanghali narin naman kaya kailangan na naming mag lunch.

"Where do you wan't to eat baby?" Malambing na tanong ni Ethan kay Freya.

Nilagay naman ni Freya ang daliri sa baba na aktong nagiisip kaya naman sabay kaming napatawa ng mahina ni Ethan.

Binaba nito ang daliri at makikita ang kislap ng mata ng makaisip kung saan nito gustong kumain. " I wan't to eat jabiiee!" Bibong sabi nito habang nakaturo sa statue ni Jollibee na nasa loob ng mall. Nabulol pa ito sa pag banggit ng Jollibee. 'Ang kyuut'

Tumango naman si Ethan. "Okay! Here we go jabiiee!" Sabi ni Ethen at tumakbo patungo sa loob ng fast food habang buhat si Freya at itinaas pa ang isang kamay ng bata na animo'y lumilipad.

Napailing at mahina nalang akong natawa sa inakto ni Ethan.

Alam kong bumabawi lang ito sa anak nya. At kitang kita ko iyon kase halos lahat ng itinuturo ni Freya ay bibilhin nya.

Sumunod ako sa kanila papasok at nakita ko silang nakapila kaya naman lumapit ako sa kanila. "Ako na dito maghanap nalang kayo ng upuan." Sabi ko dito ng makalapit ako. Tumango naman ito bago sabihin saakin ang gusto nilang orderin.

Pagkatapos kong umorder ay nagpatulong ako sa crew sa pagdala ng mga inorder ko sa mesa.

Agad na nilantakan ni freya ang spaghetti nya kaya naman natawa ako ng makitang kalat-kalat ang sauce sa pisngi nito.

Natawa rin si Ethan at kinuhanan ito ng picture bago nito punasan ang kalat na sauce sa pisngi ni Freya.

Pagkatapos naming kumain ay nagikot-ikot pa uli kami don bago sumakay uli sa kotse at pumunta sa MOA.

Nang makarating kami don ay naglaro na agad ang mag-ama.

Nagbike ito paikot-ikot sa may fountain na pabilog at pagkatapos ay sumakay pa sila sa carousell kaya naman natawa ako ng sumakay sa katabing kabayo si Ethan.

Ang laki nito at ang liit ng kabayong sinasakyan nya. Ang sinasakyan naman ni Freya ay malaking kabayo. Kaya lalo akong natawa ng pilit na pinagkakasya ni Ethan ang sarili sa kabayo.

Nag-ikot-ikot pa kami don at bumili ng kung ano-ano at ng mapagod ay umupo kami sa bench sa may food court.

Pinupunasan ko ang pawis ni freya at bumibili naman ng pagkain at maiinom si Ethan.

Pagkadatin nito ay agad kong binigay ang extra towel na dala ko dito. Agad naman itong nagpunas ng pawis bago uminom ng tubig.

Ako naman ay pinakain si Freya. Nang matapos kumain ay pinunasan ko ang mukha ni Freya ng wipes ng may biglang humablot sa braso ko.

Hindi ako nakapagsalita ng agad ako nito kaladkarin.

"Tita mama!"

"Helga!"

100 Days In A Hellish Life (On-going)Where stories live. Discover now