Chapter 2

4 0 0
                                        

Napadpad Kame sa cafeteria ng University at namangha Kung gaano kalinis, kalaki at kaganda ng itsura nito. Nagmukha itong mamahalin na restaurant. Halos kalahating oras palang Kame nakakapag libot at Ang napuntahan palang namin ay Ang garden at mga pwedeng tambayan namin pag break time.

"Wow.."

"Bongga Naman pala dito.. Hindi Tayo mabobored" Sabi ni Chelsea.

"Nice" Sabi ni Dustin. Magkahawak kamay kaming nag lalakad habang nasa unahan namin si Chelsea.

Napatingin ako sa orasan ko ng mapagtantong dumadami na Ang mga estudyanteng naglalakad.

7:40am na pala kailangan na naming pumasok sa mga klase namin.

"Wooi malelate na Tayo, mamaya nalang natin libutin ang iba pa." Sabi ko sa dalawa

"Yeah. I think we should go now. I'll see you later love" Sabi sakin ni Dustin sabay halik ng mabilis sa Labi ko.

Alam niyang ayaw Kong nag papahatid sa classroom ko kase una sa lahat agaw atensyon Yun at talagang Hindi ko Lang gusto haha

At malayo Ang department nila sa department ko dahil nasa engineering department siya, si Chelsea ay tourism Ang kinuhang kurso at ako Naman ay Business Ad.

Binulungan pa ako ni Chelsea "bwisit kayong kasama lam niyo yown?" She rolled her eyes

Natatawa Naman akong tinignan siya " eh Sino ba kasing nambasted sa limang manliligaw Niya? Yan tuloy Wala Kang owa hahaha" maganda si Chelsea. Kung tutuusin , mas maganda siya sa aming dalawa mismong kahit anong reaksyon ng mukha niya Hindi mo mapipintasan dahil sa perpektong mukha nito isabay mo pa Ang maganda niyang kutis na nag patingkad sa kagandahan Niya.. masiyado Lang siyang nasaktan sa last relationship niya Kaya nahihirapan pa siyang magsimula ulit at Hindi ko siya masisisi dun dahil saksi ako sa mga pinagdaanan  Niya sa lalakeng Yun.

"Tss. Geh ingat! Kita nalng Tayo mamaya mwah" sambit ni Chelsea with flying kiss pa.

Napailing nalang ako. Hinintay ko pa muna siya mawala sa paningin ko bago ako nagsimulang mag tungo sa classroom ko..

Habang naglalakad, di ko mapigilan Ang mapalingon sa paligid dahil sobrang ganda at relaxing Ang bawat lugar na madapuan ng mata ko.. iniisip ko na Ang galing ng naisip ng may Ari ng University nato dahil siguradong makatutulong Ang tanawin na ito sa mga estudyante Lalo na tuwing stress sila sa exams.

Nakarating na ako sa hallway ng building namin at tinitignan Ang bawat number ng classroom para sa una Kong klase.

"Shit nakita niyo Yung anak ng may Ari ng school na to? Shems gwapoo!! Kyaaaaah!!"

"Oo ghorl! Parang foreigner Ang itsuraa syet"

"Huy Gwapo Naman masyado nun! Ano Kaya name nun tae naiihi ako sa panty weyt!"

" jaze ata name Niya, Isa din Yan siya sa mga nag oobserve dito hihihihi"

Bulungan Yan dito sa mga babaeng nadadaanan ko. Diko Naman na pinansin at pumasok nalang agad sa room ng Makita ko Ang classroom ko para sa 1st subj.

Haay. 1st day ko to ng pagiging college pero dahil sa antukin talaga ako, ayun diko na napigilan na umidlip muna konti habang wala pang Prof sa harap.
.
.
.
.

Strange FeelingsWhere stories live. Discover now