HP 2

440 35 0
                                    

2. Elevator

Matagumpay akong nakaalis sa bahay nina Daddy at ng pamilya niya. Hindi niya man lang ako pinigilan pa when he saw me confidently holding my suitcase. Naging tahimik lang siya at paniguradong nawalan ng pakialam sa akin. Bago ako tuluyang makaalis, nakita ko pa ang takot sa mga mata ni Jane.

"May available na condo pa ba?" tanong ko sa babaeng attendant na nagsusulat sa counter.

Sandali siyang nagulat sa akin at lumipat-lipat ang tingin between me and my stuffs. I waited patiently until she finally told me na mayroon pang available condo room for me.

I grabbed the keys she gave me and listened to the things she said about rights and payments and stuff.

Pagkatapos ng agreement at sandaling pagpirma ng documents, tumungo na ako sa elevator at tahimik na naghihintay habang nakikinig ng musika sa earphone. Dinala rin ng isang bellboy ang mga gamit ko at doon sa employees elevator sumakay.

Naramdaman kong may tumabi sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Tahimik lang kami hanggang sa bumukas ang elevator at sabay kaming pumasok. Pipindutin ko na sana ang floor level ko, kaso naunahan niya ako at napagtanto kong magkapareho pala kami ng floor level.

Tahimik pa rin kami ngayon at hindi nagpapansinan. I mean, why bother? Napatingin na lang ako sa makintab na door ng elevator. Sa sobrang kintab, nakikita ko na ang sarili ko. Hindi ko namang sinasadyang mapatingin din sa reflection ng katabi kong lalaki.

Hindi ko mapigilan ang sarili na pansinin ang manly niyang appearance. Tall, messy hair, tired and lazy eyes, matangos ang ilong, maganda ang kakisigisan ng katawan at braso. Hindi siya maputi ngunit aminado akong attractive siya at may dating. Hindi nga lang ako tinatablan.

Bigla siyang napatingin sa reflection namin kaya sandaling nagtagpo ang aming mga mata. Umiwas agad ako ng tingin sabay bumuntong-hininga dahil sa nangyari. Iniisip niya siguro na I was checking him out. Napangiwi ako sa naisip na posibilidad.

I shrugged it off.

Huminto na ang elevator, at muli itong bumukas. Sinadya kong magpahuli sa paglabas ng elevator dahil ayokong isipin niyang naiilang o nahihiya ako.

I still needed my dignity.

Subalit halos matigilan naman ako nang ma-realize na pareho kami ng daan na nilalakaran. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit ako nagpahuli. Baka iniisip niyang sinusundan ko siya. Wait. Bakit ba ako nababahala? Bakit ako may nararamdamang emosyon?

"Sinusundan mo ba ako?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako gamit ang pagod niyang mga mata.

I knew it.

"Look, maybe you're one of my fans, pero hindi mo naman ako kailangang sundan pa sa condo ko, okay?"

What did he say? Fan? Ni hindi ko nga siya kilala.

"Can you hear what I'm saying? Hindi sa masama ang ugali ko but this is basically called stalking! No, a very creepy stalking rather!"

Did he just point out that I was a creepy stalker?

"Excuse me, who are you?" I asked, losing my patience.

I hated that I was feeling something.

Agad siyang natigilan at natahimik. "W-who am I---Wait, hindi mo ako kilala?"

Umiling ako.

"E bakit mo ako tinitignan kanina sa elevator?"

"Napansin lang kita," sagot ko matapos bumuntong-hininga.

"Then why are you here?!" tila naiirita pa niyang dagdag.

Why was he yelling?

"Excuse me, Ma'am." Fortunately, biglang sumingit ang inosenteng bellboy sa amin, dala-dala ang maleta ko at isang malaking bag. "Ipapasok ko na po ba ito sa kwarto mo?"

Her PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon