HP 10

415 29 0
                                    

Play song: It will rain by Bruno Mars

***

10. Unfair

Naririto kami nina Daddy, Tita Lyka, Jane, Luca, at ako sa loob ng opisina sa resto ng pamilya namin. Walang may nagtangkang magsalita nang ilang minuto. Wala rin naman akong balak.

Kung ganito lang pala ang mangyayari, sana hindi na lang ako sumama pa. I needed to sleep.

Can I sleep forever?

"Jeanne, inaamin na namin ang lahat. Oo, pinagplanuhan namin ito. Desperado na kasi kami---ako. Miss na kita. Nagsisi ako kung bakit ka nawala sa piling ko. Anak---"

Fuck.

"PWEDE BANG TAMA NA?!"

Wala na. Tuluyan na nga akong sumabog. Lumabas na ang lahat-lahat ng nararamdaman ko.

"Jeanne . . ."

"Stop it! Mga manlokoko kayo! Kayong lahat! Pati ikaw!" Turo ko kay Luca. Akmang lalapitan na niya sana ako kaya mabilis akong umatras, hudyat na huwag na siyang lumapit pa.

"Anak, makinig ka---"

"Shut up! Shut up, Dad! Ikaw ang makinig, you fucking cheater!" galit kong sigaw sa kaniya.

"Jeanne!" Lahat sila sinuway ako.

Bakit? Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba?

"What? What?! Jeanne! Jeanne! Jeanne!Jeanne! Totoo naman, right?! Manloloko ka! All of you!" Lumabas na naman ang mga luhang matagal kong pinipigilan. Tuluyang nawasak ang puso ko, at nakaramdam pa ako ng panghihina dahil sa sakit. Hindi ko na lang muna ininda.

"Makinig ka muna, Jeanne---"

Hinarap ko gamit ang galit kong mga mata si Jane kaya mabilis siyang natahimik.

"Kayo ang makinig! Palagi na lang ako ang nakikinig! Pakinggan niyo rin ako!"

Agresibo kong tinuro si Jane kaya napaatras siya sa gulat at takot. Malakas at nasasaktan naman akong tumawa.

"Why, Jane? Natatakot ka? Akala mo ba sasaktan kita? Itutulak ulit sa hagdan? No, Jane. Noong tinulak kita dati, hindi ko 'yon sinasadya. I apologized repeatedly. But you still managed to ruin my life!"

"I'm sorry for making you a monster, okay?! Kaya tinanggap ko lahat, Jane! Hinayaan kong makuha mo ang lahat! Si Daddy, Tracy, Jason, and even the top of class! Nanahimik ako noong nagkaroon kayo ng relasyon ni Jason! Pinabayaan kong gamitin nila ako dahil iyon ang inutos mo sa kanila!"

"Nagbingi-bingihan ako sa mga masasakit na salita na naririnig ko tungkol sa'kin! Malandi! Bobo! Pera lang ang meron! Tanga! Kawawa! Nanahimik lang ako at ininda ang sakit! Because I thought to myself that I deserved it!"

"Sa tuwing iniiwan ninyo ako para bantayan ang bahay, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa kwarto!"

"Alam mo ba Daddy kung bakit galit na galit ako ngayon? Kasi ang unfair ninyo! Simula noon hanggang ngayon!"

"Bakit, Dad? Bakit tinatawag mo lang akong 'anak' sa tuwing may hinihingi kang pabor para sa kapatid ko? Ako? Paano ako? Ang future ko?"

"Bakit mo niloko si Mom? Bakit mo kami niloko? Hindi ba kami sapat?"

"Bakit nakalimutan mong anak mo rin ko?"

"Bakit ang unfair mo!"

Inikot ko ang katawan ko paharap kay Luca. Pati siya, naiiyak na rin sa nangyayari.

Her PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon