Lumang Larawan

5 0 0
                                    

Umaga at napaka ganda ng araw ....

"Isabel"
      Ughhhh! Goodmorning world,
"Ina ni Isabel"
      Gising kana aking anak , kamusta ang iyong tulog mahimbing ba?
"Isabel" ( nag isip muna bago sumagot )
"POV Isabel"
     Huhuhuhu akala ko e tapos na ang panaginip ko pero naandito parin ako , nasaan ba ang aking pinsan anong gagawin ko ...
"Ina ni Isabel"
Iha maghanda kana at pupunta tayo sa kabilang bayan at naandoon  ang pamilya nina Angelo Dela Cruz.
"Isabel"
Ano hong gagawin natin doon ina?

Pumasok ang tagasilbi ni Isabel. At lumabas na ang kanyang ina

"Annie"
Binibini , sumunod ho kayo saakin.

"Isabel"
  Sino ho yung pamilya Dela Cruz?

"Annie"
Ang nag iisa nilang anak ang iyong makakasama sa buhay binibini , akoy natutuwa at bumalik na ka at masigla na muli.

"Isabel"
Mmmm... Mapagkakatiwalaan naman kita diba?

"Annie"
Oo naman binibini, iniisip mo parin ba  si Fidel?

"Isabel"
  Mmm anong nangyari nung gabi sa kamalig?

"Annie"
  Binibini , iyan ho ay hindi pinahihintulutan ikwento sa inyo.

"Isabel"
Bakit annie?

"Annie"
Makakasama ho sa inyo mag bihis kana binibini at inaantay kana ng iyong ina sa baba.

ISABEL POV

Hays!!! Ano ba ito ano bang gagawin ko wala akong kakilala dito at isa pa baka mapag kamalan pakong may sayad sa utak pag sinabi kong galing ako sa kasalukuyan . hays !!! Kaylangan malaman ko kung paano makikita muli yunh fidel na iyon.

Pag katapos ng pag aayos ni Isabel suot nya ang kulay dilaw  na damit na may mga detalyeng burda at kitang kita sa kanyang suot ang kanyang kagandahan na kahit sinong tao ay mapapatingin sa kanya .

- Bahay ng mga Dela Cruz-

" Mrs. Dela Cruz"
Magandang araw sa inyo halikat pumasok kayo.

"Isabel"
   Magandang araw din ho .

"Mrs. Dela Cruz"
Napaka gandang dilag mo talaga si angelo ay nasa hardin maari mo syang puntahan doon.

"Isabel"
Salamat po.

At nag tungo na nga si Isabel sa  hardin , doon nya nakita si angelo na gumuguhit ng larawan at bigla syang nakapag isip.

ISABEL POV
teka ayan ba yung angelo? Bakit parang pamilyar ang kanyang mga ginuguhit . mmm teka nga ... Teka teka , ganyan ang mga larawan doon sa mansion.

"Angelo"
Aking binibini kinagagalak ko ang pag bisita mo  sa aming bayan.

"Isabel"
Pamilyar ang mga  larawan na iginuhit mo ,  parang nakita ko na iyan noon.

"Angelo"
Napaka tagal nating hindi nagkita simula ng iniwan mo ko sa gabi ng pag diriwang sa inyong mansyon at natagpuan ka namin sa kamalig ng walang malay , isang taon kang walang malay binibini natatandaan mo ba iyon?

"Isabel"
Isang taon? ( gulat na gulat na sagot ni isabel )

"Angelo"
Oo , pamilyar siguro sa iyo ang mga larawan dahil palagi tayong magkasama sa skwelahan pag akoy gumuguhit hindi mo ba naaalala?

"Isabel"
( Isang larawan ang nakatawag pansin sa kanyang mga mata , ito ay ang babaeng pumunta sa ibang dimensyon )

"Angelo"
Pamilyar ba iyan sayo binibini ko?

"Isabel"
Paulit ulit mong sinasabi  na binibini mo ko , anong ibig mong sabihin doon?

" Angelo"
Nung gabing nawala ka ayun ang araw kung kaylan iaanunsyo ang ating kasal , ang kaso ay nawala ka at isang taon ang aking hinintay para sa iyong pag babalik.

Libro ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon