Kabanata 3

10 1 0
                                    

Ynah's POV:

Limang araw na ang lumipas simula nang nagkaroon kami ng meeting sa chapel kasama ang lalaking nag-ngangalang James at sa loob ng limang araw na yun pinagbawalan kaming makipagsalamuha sa mga demonyo at pati pagdala ng mga armas namin ay ipinagnawal. Tsk.

Ipinaliwanag samin ni Father na ito daw ay utos ni James, kailangan daw namin pababain ang pagkatao namin sa mga demonyo, kailangan naming umakto na parang karaniwang tao lang kami na walang kaalam alam sa mga kademonyohan na nangyayari sa paligid.

Sa madaling salita, magbubulagbulagan kami sa kasamaan na umaaligid sa mundo.

Ang sabi rin ni Father ay isa itong paghahanda sa misyon na gagawin namin. Kailangan namin magmukha na hindi kaduda-duda. Mahirap pero sinusubukan namin at yuon lamang ang tanging ginagawa namin sa limang araw na ito.

Umaakto kaming na parang mga normal, halimbawa nalang ngayon. Nandito kami sa Mall, mamasyal lang dapat kami, kailangan naming masanay sa mga kinakagawian ng tao na pamamasyal lang talaga ang nais sa pagpunta sa Mall at hindi ang pag hahanap ng demonyo. Para narin itong bakasyon samin pero nakakayamot.

Kakasabi ko nga na pala na dapat mamasyal lang kami pero isa-isang tumunog ang cellphone namin. Pare-parehas na mensahe ang natanggap namin.

"Go to LCfer Shop, buy your school supplies there and put it in the name of Mr.Judeo Herlem, introduce yourself as new students and just act accordingly, don't say anything that is not being ask. The possibility of our mission depends in this. I hope you all understand. -James"

So ayun nga, hindi nalang kami basta na mamamasyal. Dahil kailangan na namin bumili ng kakailanganin sa school.

At mukhang sa mensahe na natanggap namin ay mukhang naiintindihan na namin ang papalapit na misyon.

Kung anuman ang pakay namin ay naroon yun sa loob ng skwelahan na papasukan namin.

Ang buong akala ko ay magsasayang kami ng oras sa isang eskwelahan pero ngayon naiintindihan ko na, naiintindihan na namin.

Ngunit mayroon pa kaming problema na haharapin ngayon.

"Nahihilo na ako kakaikot ha? Nasan ba kasi yung shop na yun?" Pagrereklamo ni Gina

Ito ang sinasabi kong kinakaharap naming problema ngayon. Hindi namin mahanap ang store na sinasabi ni James. Kanina pa kami pa ikot-ikot, sa third floor hanggang first na yung binalik-balikan namin pero wala talaga.

"Baka sa ibang mall?" Inosenteng tanong ni Kyle.

Napatingin naman kami sa kanya, hindi malabo na tama ang hinala ni Kyle pero may bahagi sakin na nagsasabi na nandito lang ang store na pinapahanap ni James. Hindi ko kasi makikita yung logic kung nasa ibang mall ang store na yun, dahil timing talaga ang pag text samin ni James, ibig sabihin lang din noon ay alam nya kung nasaan sa kasalukuyan.

"Maaaring nandito lang ang store na yon at hindi lang kapansin-pansin mabuti pa siguro ay umuwi muna tayo at ipagpabukas nalang ang paghahanap natin" suhestyon ni Vince.

Mukhang parehas kami ng hinala ni Vince.

Kaya napag-desisyonan nalang namin na umuwi nalang muna at ipagpabukas ang paghahanap.

Bago kami tuluyang umalis sa mall ay minabuti nalang muna naming kumain nalang ng hapunan tutal ay inabot na kami ng dilim kaka-ikot sa mall.

Sa isang sikat na fast food kami kumain at aaminin ko na ito ang unang beses na kakain ako sa ganitong lugar, madalas kasing sa bahay o kaya ay sa restaurant talaga ako kumakain. Never ko pa tong nasubukan at gayun din angga kasama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon