Kabanata 1

21 1 0
                                    

Third Person's POV:

Sa ilalim ng tirik na tirik na sinag ng haring araw, sa bandang masukal at makipot na eskinita ay pumanig ang isang lalaki na tila'y nagmamadali at may tinatakasan ngunit sa pag panig nya dito ay tanging mataas na pader ang bumungad sa kanya.

"Tatakas ka na nga lang hindi mo pa ginalingan"

Agad itong napalingon sa kanyang likod ng marinig ang isang boses na may tono ng pang iinsulto. Agad nyang nakita ang taong tinatakasan nya. Isang lalaki na simple lang ang kasuotan, itim na pantalon at hoody. Hindi masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil bukod sa hoody na suot nito ay may suot pa itong isang bull cap.

"Alam mo bang ang init-init? Bat ba kasi pang-umaga ka ha? At bakit sakin ka pa binigay? Alam mo bang nangitim ako dahil sayo?"

Dagdag pa nito na hindi mawari kung nagbibiro ba ito o talagang galit lang siya.

Agad namang napaatras ang lalaki nang bigla nalang may binunot ang humahabol sakanya na isang baril na tanso at gayon na lamang ang kanyang pagkasindak nang makita nya ang nakaukit dito na rosas.

"I-isa kang..." Nabalot ng takot ang lalaki tila naubusan ito ng dugo sa katawan at nag simulang manginig sa takot.

Dumoble ang takot na naramdaman nya ng makita nya ang nakakakilabot na ngiti sa bibig nito.

"H-hindi nyo kami mapapatumba! Mahihina pa rin kayo! Bakit kaming mahihina at walang laban ang pinupuntirya nyo ha?! Kalabanin nyo ang mga  'Lapsus' sila! Mga du--"

*BANG!*

Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa madilim at makipot na eskinita na syang nagpatahimik sa lalaki. Ngunit hindi nakalabas ang ingay ng putok sa eskinita tanging ang dalawa lamang na ito ang nakarinig ng putok.

"Ang dami mong satsat! Kumakalaban naman ako sakanila sadyang naparusahan lang ako kaya sainyong mahihina ako nagtitiis. Tsk" sagot nito matapos magpaputok.

Lumupasay sa sahig ang katawan ng lalaki, nakamulat ang mata, may butas ang ulo na siyang dinaanan ng bala ngunit walang dugo ang dumanak.

May kinuha ang lalaking nakahoody sa kanyang bulsa, isang maliit na kahoy na kahon na parang sisidlan ng wedding ring ang laki nito  at binuksan nya ito tyaka itinapat sa bangkay ng kanyang binaril.

Maya-maya pa ay tila unti-unting naglalaho ang bangkay ng lalaki at animo'y hinihigop ito ng kanyang maliit na kahon.

Nang lubusan nang nahigop ng kahon ang buong katawan ng lalaki at sinarado nya ito at ibinalik sa kanyang bulsa.

"Rest in peace" banggit nito.

Nagpakawala siya ng malakas na hinga at biglang ngumiti ng napakalaki.

"Huling araw na to ng parusa ko at ito na din ang huling misyon! Sa wakas! Hello life na ulit ako!"

Nagdiriwang na saad ng lalaki at sinimulan ng tunguhin ang labasan ng eskinita. Ramdam ang kasiyahan nito, tila ay walang nangyari na pagpatay.

Pagkalabas nito sa eskinita ay agad syang naglakad kasabay ng mga taong walang kamalay-malay sa pagpatay na kanyang ginawa.

=====

Ynah's POV:

"May maingay nanaman tayong makakasama sa quarter. Tsk"

Napangiti nalang ako ng tipid ng madinig ang komento ni Gina.

"Asus. Na-miss mo lang si Kyle eh, kunwari ka pa" kantyaw naman sakanya ni Vince dito.

Kahit nakapikit ang mga mata ko alam kong namumula ngayon ang mukha ni Gina, alam naman kasi namin na may gusto si Gina kay Kyle.

Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon