Kabanata 2

16 1 0
                                    

Ynah's POV:

Nandito kami ngayon sa chapel, si Vince, Gina, Kyle at ako. Hinihintay namin dumating si Father para makapagsimula na sa meeting.

Ang chapel na ito ay hindi kaparehas ng normal na chapel ng simbahan. Sa apat na sulok ng silid na ito ay may lamesang mahaba sa gitna at may walong upuan, walang bintana, kulay kahoy ang mga pader at walang kahit ni anong disenyo maliban sa isang malaking rosas na painting sa likod na pader ng kabisera.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan at inuluwa nito si Father Ivon, napatuon ang atensyon namin sa kasama nya na isang estranghero sa amin.

Nakaitim ito ng kasuotan at natatakpan ang kanyang mukha ng isang balabal na tanging mga mata nalang nito ang nakikita. Mga matang mistulang maraming itinatago. Mga matang hindi ko alam kung dapat bang pagkatiwalaan.

Ano ang pakay nito at dinala siya dito ni Father?

Napatayo at yumukod kami upang mag bigay respeto kay Father.

"You may seat everyone"

Dahan dahan kaming bumalik sa aming pagkaka-upo habang nakasunod ang mga tingin kay Father at da estranghero na kasama nito.

Kitang-kuta ko ang malamlam na ngiti sa mga labi ni Father na tila ba ay may magandang balita na ipaparating sa amin. Pero bakit hindi ko maramdama ang saya na meron siya ngayon? Parang may mali.

Halos magkasabay na umupo si Father at ang estranghero. Sumulyap saglit si Father sa kasama nya at tyaka itinuon ang atensyon sa amin.

"Okay. So how can we start?" Panimula nito habang magkasiklop ang dalawang kamay nito sa isa't isa at nakatungtong sa mesa.

"Who is he?" Walang amor na tanong ni Vince kasabay ng pagtapon nito ng mapanghusga na tingin sa lalaki na kasalukuyan ay nakababa ang ulo at parang walang paki-alam sa paligid.

Mukhang hindi lang ako ang nakapansin na may kakaiba sa lalaking ito.

Napalingon kami kay Father ng tumawa ito na parang nasisiyahan. Maging ang estranghero ay napataas ang ulo at napatingin sa kanya ngunit blangko ang mga mata.

"Calm down everyone. I really can feel the intensity inside this chapel. This stranger with me is no enemy, okay?" Pag-papakalma sa amin ni Father. Walang duda na masyadong ramdam ang mabigat na aura sa loob ng chapel lalo na nang makita namin ang isang estranghero.

Ngayon palang kasi nagdala si Father ng labas sa mission na tao na hindi namin kilala. Lagi nya kaming sinasabihan na may makakasama siya bago magsimula ang meeting pero iba ngayon.

"Ha. I guess the mood in this room won't change ey? Hmm.. I'll introduce him later, but first we'll talk about what's this meeting is all about"

Nagbago ang maaliwalas na mukha ni Father at napalitan ito ng seryosong mukha, naging mas seryoso ang lahat at tila'y mas naging tahimik sa loob ng silid.

Hindi ko alam kung ako lang ba talaga, pero nakakaramdam talaga ako na hindi na magiging madali ang lahat.

"You know that I'd been in Vatican and I had made some research that can help us find the Demon's Lair but I didn't saw any clue even a little hunch. But on my way of searching I encountered a demon, it's not a Lapsus or a common one, but mostly not the Peccator, however it's strength is almost the same with a Lapsus, unlike one, lapsus are good at offenses but the one I fought is hard to defeat because of it's physical traits, it's in no human figure but with its real one. Its body is like a shield to that can protect it from attacks."

"Ha? Then you didn't defeated it Father?" Sabat ni Kyle

Agad na nakatanggap ng batok si Kyle kay Gina.

Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon