Naglalakad lang ako sa may kanto. Kahit naulan hindi ko na pinapansin, ang boring na kasi sa bahay eh. Bigla akong napahinto nang masilayan ko ang isang babae, kahit malayo ako alam kong maganda sya. Basang basa na sya sa ulan.
Namalayan ko nalang na naglalakad na ako papunta sa kanya.
Nang malapit na ako bigla syang tumakbo. Hinabol ko sya pero nawala na sya sa paningin ko. Tinignan ko ang lahat ng lugar malapit sa tinakbuhan nya pero kahit anino nya wala akong nakita.
Nagdesisyon na lang ako na umuwi ng bahay. Naligo muna ako at pagkatapos ay nahiga nalang sa kama. Iniisip ko parin yung babae. Bakit kaya sya nagpaulan kanina? Sinisigurado ko na pagnagkita uli kami hindi ko na sya pakakawalan. May iba din kasi akong nararamdaman eh. Yung mga mata nyang malamlam nag uurge sakin na alagaan ko sya kasi parang ang fragile na. Sa thought na yun, nakatulog na ako ﹋o﹋
"Same road, nakita ko na naman yung babae. Umiiyak sya nilapitan ko sya pero lumalayo sya. Tumakbo na ako pero nakita ko na kinukuha na sya ng liwanag. SAndali lang.........!"
Ahhhh! Nagising ako ng may luha sa mata ko. Gusto ko na talagang makita yung babae na yun.
*Lumipas ang halos isang linggo na pabalik balik ako sa lugar kung saan ko sya nakita. Pero sa isang linggong ito, wala akong napala. Halos mabaliw na ako kasi kahit sa klase lutang na lutang yung isip ko. Tama nga siguro yung sabi ng tropa ko. Inlabo na nga ako at ang malala pa sa taong hindi ko naman kilala.
Pero that day come, Umuulan na naman. Sabado ngayon. Naisipan kong lumabas ng bahay nagbabakasakaling makita ko ulit yung babae. Ito na talaga yung last na pagpunta ko sa kanto. Pag hindi ko pa ulit nakita yung babae na yun. Kakalimutan ko nalang sya.
Nang malapit na ako sa kanto, naaninag ko na may babaeng nakahandusay doon. Nanginginig ako habang natakbo kasi sya yung babaeng nakita ko noon. Ang babaeng minahal ko sa hindi ko alam na rason. Paglapit ko agad ko syang binuhat at itinakbo ko na sya sa malapit na ospital. Naghintay nalang ako sa may labas ng ER
Lumabas yung nurse at tinanong nya ako kung kaano ano ko daw yung pasyente. Ang sabi ko nalang kaibigan nya ako.
Nagtagal ng halos dalawang oras ang paghihintay ko sa may ER. At sa wakas lumabas na yung doctor. "Ikaw ba ang kamag-anak?"
"Kaibigan po."
"Ok, siguro naman alam mo ang kalagayan nya?" Tumango na lang ako para malaman ko kung ano ba talaga ang kalagayan niya.
"Sorry to say pero malala na yung lung cancer nya. Nagkalat na ito sa buo nyang katawan. Wala na kaming magagawa kasi sobrang hina na din ng katawan nya. Lets just pray and hindi naman impossible ang miracle,sige maiwan na kita." Umalis na yung doctor. Ako? Ito tulala at mangiyak ngiyak. Parang bigla akong binagsakan ng langit at lupa. Pumasok nalang ako sa loob at tinignan ko sya ng mabuti. Ang payat nya, pero makikita mo parin sa kanya ang maganda nyang mukha.
Nakita kong gumalaw yung kamay nya at unti unti ay nagmulat ang kanyang mga mata. Tumingin sya sa akin at ngumiti kahit hirap na talaga sya.
Binuka nya yung bibig nya. So ibig sabihin may sasabihin sya sa akin. Tinapat ko sa kanyang bibig yung tenga ko. At unti unti syang nagsalita.
"Hi. Bu-ti ikaw y-ung naka-kita sa a-kin." Ang hina na nang boses nya pero nakikinig parin ako.
"Alam mo, si-mu-la pa lang gus-to na ki-ta! Kaya lang nung nakita kita doon sa may kanto, tapos lu-mapit ka sa akin natakot ako kaya tumakbo nalang ako." NAbibigla ako sa sinasabi nya. Umiiyak na nga ako eh. Ang sakit malaman na mahal nyo pala yung isat isa pero huli na ang lahat.
"Wala na akong kamag-anak. Ako na lang mag-isa sa buhay." Nakikinig lang ako sa kanya. Alam kong nahihirapan na sya.
"Matagal na kitang gusto, simula palang nung bago akong lipat tas nakita kita na nagpapaulan sa may park. Alam mo ang gwapo mo nga eh." Nangiti ako sa sinabi nya.
"Kaya nga lumaban ako sa sakit kong ito. Pero nalaman ko nung isang linggo na malapit na pala akong mamatay. Ito na nga ang araw ng due date ko eh. Nabigla ako sa sinabi nya. Kaya napatayo ako ng bigla. Patuloy lang ang pag iyak ko.
"Mahal kita, sana wag mo akong kalimutan."
"Simula nung nakita kita sa may kanto na nagpapaulan minahal na din kita." Yun nalang yung nasabi ko tapos nagpahid nako ng luha. Ayaw kong maging mahina sa harap nya.
"So ano hahayaan mo na ba akong matulog?" Nabigla ako sa sinabi nya. Ayaw ko sana pero alam kong nahihirapan na sya.
"Sige matulog kana. Dito lang ako babantayan kita. Basta ba mamaya gigising ka tapos magpapalakas kana." Ngumiti ako at ganun din sya. Alam kong kahit ano pang sabihin ko hindi na sya babalik pa. Alam kong matutulog na sya panghabangbuhay. Nakita kong unti unti nang pumikit yung mata nya. Tas maya maya nagflat na yung line........
After 4 years
Hellow baby. Happy 4th anniversary sa atin. Nandito ako sa sementeryo at dinadalaw ko ang babaeng mahal ko. Oh yeah tama kayo. Naging kami bago sya mawalan ng hininga. Wala na akong pakealam kung ano ang sasabihin ng iba basta ang alam ko mahal na mahal ko sya.
"Baby miss na kita. Mahal na mahal kita, wag kang mag alala magkikita din tayo sa tamang lugar at panahon."
Tas naramdaman ko ang patak ng ulan. Eh? Ang init kaya kanina tas ngayon uulan?.
Tama. Si baby nagpaparamdam, sya nga pala si "GIRL IN THE RAIN"
-----The end ♥
Hope you like it po. SALAMAT sa pagbasa. At saka nga pala alam ko na nalulungkot kayo sa ending kahit naman ako eh. Pero minsan kelangan nating tanggapin na hindi lahat may happy ending. Kaya Wag tayong masyadong maniwala sa Fairy tales ok? Ahaha. Sya sige na. Ipangalat nyo tong Short story ko ahaha. #^_^#