Bus
Kabanata 12
ni Panulat ni Piang
Sigurado ako. Siya ang nakita ko. Kahit ilang alak na ang nilaklak ko. Kahit hilong-hilo na ako. Sigurado ako, siya ang nakita ko. Sa gitna ng kumukutikutitap at pabago-bagong kulay na ilaw. Nabuhayan ako. Alam ko na siya iyon. Yung mga mata niya. Siya yun. Kahit na malabo ang aking paningin lalo na sa madilim. Alam ko, ramdam ko... Siya iyon.
Napatigil ako sa kakasayaw. Kahit pa ilang ulit gumiling ang mga tao sa paligid ko, tumigil ako. Muli akong kumurap at sumulyap kung saan ko siya nakita. Pero wala na siya. Parang panaginip ... parang imahinasyon. Pero kahit na alam kong lasing ako, imposible naman ata na imahinasyon ko lamang iyon. Wala ako sa isip kaya... bakit naman siya ang biglang gagawin ng imagination ko? Jergen... Ano ka nga ba talaga para sa akin Totoo na nakta ko siya. Pero... Parang yan lang ata ang ipinipilit ko sa aking sarili. Gusto ko ng patunay na andito nga siya. Hinanap ko siya. Nagpaikot-ikto ang mata ko sa paligid. Nahihilo ako pero bahala na. Pag nakita ko siya, alam kong siya yun. Ilang ikot na ba ang ginawa ko sa pwesto ko pero wala. Nasaan ka na ba? Alam kong andiyan ka lang.
Nanghihina na ang loob ko pati ang tuhod ko. Hindi ko na siya nakita. Siguro ngam guni-guni ko lang. Bwisit! Nawalan na ako ng gana. Bumalik ako sa mesa namin saka nalang tumingin sa mga nagsasaywan sa gitna. Masaya naan ako kanina, nakita ko lan siya, pumintig ako sa excitement. Pero nanghina yun nung mareliaze ko na hindi iyon totoo. Oo nga, napaka imposible. Sh*t lang! Ano bang nangyayari sa akin?
Sinubukan ko namang maging maayos na tao. Pero bakit ganito? Bakit ba? Nababaliw na ako nang dahil lang sa kaniya.
Dahil nga nawalan na ako ng gana, umuwi na ako. Hindi na ako nagpaalam sa mga nakasama ko dahil hindi ko naman sila kilala ng personal. Nakilala ko lamang sila dito sa club. Ni hindi ko nga maalala ang mga pangalan nila e. Hindi ko na din maalala kung paano ako napunta dito sa kalsada patungo sa bahay. Para atang nagtaxi ako? Tss... Kahit pa may malay ako, alam kong pagewang gewang na akong naglalakad. Yung parang nakikita niyo sa zombie apocalypse na pelikula. Ganun din siguro ako maglakad ngayon. Bawat nakakasalubong kong tao ay nilalayuan ako. Bahala na sila. Bahala na din ako...
Pagdating ko sa bahay, bukas pa din ang ilaw. Lagi ko na din namang ineexpect ito kahit pa dis oras na ng hating gabi ako umuwi.
"Lasing ka na naman," salubong sa akin ni Shin.
Hindi ko siya sinagot imbes nahiga na ako sa sopa. Tinanggal ko ang polo saka ko itinakip ang braso sa mata.
"Marlon!" tawag niya muli sa akin na bahagya na siyang sumigaw.
Tinitigan ko siya nang hindi bumabangon sa paghiga. Naroroon siya sa tabi ko nakatayo. Galit... Sakit... Pag-aalala... Naguguluhan... Yan ang nkikita ko sa kaniyang mga mata. Kulang pa iyan sa lahat ng pagdurusa kong kasama ka at sa lahat ng pagkakasakit na binigay niyo akin ng ama mo. Pumikit muli ako nang hindi nagsasalita. Naramdaman ko siyang lumapit pa sa akin. Huminga siya nang malalim.
"Marlon, ano bang dapat kong gawin? Nasasaktan na ako ng sobra sa ginagawa mo. Tama na please..." umiiyak na siya.
"Nasasaktan?" napintig ang tenga ko sa narinig ko. Sa sinabi niyang iyon ay napabangon ako. Nawala ang pagkahilo. "Nasasaktan ka, Shin?" tinitigan ko siya ng mas maraming galit sa puso ko. "Nasasaktan ka na ba?"
Sinagot niya ako ng iyak.
"Noon, bago mo ako pinasok sa impyernong ito, inisip mo ba ako kung masasaktan ako? Kulang pa lahat ng 'to kaya wag mong sasabihing nasasaktan ka."
"Sabihin mo, may bago ka naman bang kinalolokohan ngayong babae? Sino yan? Sino siya?!" sumigaw na siya. Ngayon, napuno ng galit ang hikbi niya.
Napaisip ako. Oo, siguro nga. Saka ko naalala ang nangyari noon.
"Ano?! Hindi ka makasagot! HA! Sabi na nga ba. kaya ka nagkakaganito diba? Sino yang walang hiyang babaeng yan? Sino yan at---"
"At ano!!!" hindi ko na siya pinatapos. "Papatayin mo rin siya? ah, hindi pala. Ipapapatay mo siya sa g*go mong ama? Ano?! Gusto mong malaman Shin? Oo! May gusto ako. Ah, hindi pala. May mahal ako ngayon. At ang pinaka masakit, alam mo ba? Ni hindi ko nga siya makausap. Hindi ko kaya. Akala ko kasi, natotorpe ako. Pero hindi iyon. Kasi dahil dito," itinuro ko ang wedding ring na suot ko. "Dahil sa pesteng ito! Dahil dito, natatakot ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya. Hindi ko siya kayang mawala katulad nang nangyari noon. HIndi ko kaya kasi mahal na mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang ipasokk siya sa isang komplikadong sitwasyon na ito. Kaya nagtyatyaga lang ako sa tingin sa malayo. Masakit, alam mo ba iyon? Yung ang lapit lapit niya pero pakiramdam ko ang layo niya. Ni hindi ko nga alam kung nag-eexist ako sa mundo niya. Yun ang totoong masakit Shin!"
Palabas na ako ng pinto, saka ko narinig ang iyak ng isang bata. Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya. Naroon si Nick, umiiyak, nakasilip sa bahagyang bukas na pinto ng kaniyang kwarto. Dun ako naiyak. Hindi ko kaya. Pinilt kong bigyan siya ng maayos na pamilya. Pero pareho sa nangyari kina papa at mama. Katulad ako ni mama, hndi ko kayang magtiis. siguro nga, susuko na ako. Hindi ko na matiis. Tama na.
"Pero, Marlon, ganun din ako. Ang lapit lapit mo pero ang layo ng loob mo. Mahal na mahal kita. Mahal kita kaya hindi ko kayang malayo ka sa akin. Please..." sabi niya bago ako nakalabas ng bahay.
"Hindi iyan pagmamahal. Dahil kung totoo iyan, hindi mo dapat iniisip ang sarili mo. Hindi ka dapat selfish, Shin. Hindi mo dapat pinipilit. Tama na. Ayoko na..." Natahimik ako sandali. "Gusto ko na ng annulment, please."
Saka na tuluyang lumayo. Tinatawag ako ni Shin at ni Nick. Masakit pero tama. Siguro... Sana nga... Sa unang pagkakataon, nakahinga ako nang malalim. Dahil ba sa lasing ako? Siguro. Pero matapos ang ilang taon, nakahinga ako nang malalim. Sa unang pagkakataon, inisip ko naman ang sarili ko.
A/N: Sorry kung medyo magulo ang kabanatang ito. Honestly, lasing ako nung sinulat ko and hindi intended para sa kwentong ito. Pero ako mismo, nashock kasi pwede palang ipasok sa story na ito kaya dinagdagan ko. Kindly bear with me.
BINABASA MO ANG
Bus
RomanceNung una ko siyang makita, akala ko wala lang. Pero nung natitigan ko yung mga mata niya, hindi ko alam. Habang tumatagal, sa t'wing mkikita ko yung mga mata na iyon, malalim na ang ibig sabihin. Akala ko sa kwento lang yung sinasabi nilang "butter...