Paghahanap

62 1 0
                                    

Madalas pag nakakakilala ako ng babae, may mangyayari, ilang minuto lang na magkasama kami, nakakalimutan ko na mismo ang pangalan niya, kung paano siya humalik, kung paano niya ako hawakan. Pero ang mga tingin ng babaeng yun, ang presensiya niya, minumulto pa din ako. Ilang araw na ba mula nang makita ko siya. Dalawa? Lima? Isang linggo? 3? Bwisit... Lagpas dalawang buwan na pala. Nakatulala ako sa cp ko habang nagbibilang sa kalendaryo. Napakamot ako ng ulo. Bakit pakiramdam ko, kanina lang yun nangyari? Ito ba yung sinasabi nilang love at first sight? Pag-ibig? Tsk... Asa men!

At first sex nga, wala akong maramdamang chills e. Ang gulo ko! Para akong sila ulo sa t'wing sasakay ng bus ay imbes na nagbibilang ng pasahero ay naghahanap ng wanted sa buhay ko. Minsan, sinubukan kong magtanong kay Bogs kung naalala pa niya yun pero wala naman siyang napansin o wala lang talaga sa kaniya.

Sa ilang araw na lumipas, unti unti na akong nawawalan ng pag-asa ngunit sa tuwing nakakakita ako ng nakasuot ng hoodie kahit hindi niya kahubog ng katawan ay sinisilip ko umaasa na siya yun.

Ilang minuto pa, dumating na ang bus pa-probinsiya. Mag-aalas tres ng hapon kaya medyo wala pang masyado pasahero. Sumakay na agad ako dahil alam kong si Allen, ang driver ng bus, hndi niya gustong tumatambay ng matagal. Ni hindi na nga niya ginawang bumaba man lang ng bus.

May iilan na pasahero kaya naupo ako sa tatluhan na bangko malapit lang sa pinto. May babaeng nakadungaw sa bintana. Doon ako tumabi dahil mukha naman siyang tulog. Kahit pa nakashades siya, alam kong tulog yan dahil gumegewang-gewang ulo niya. Hindi ko nalang pinansin at naupo ako aisle banda kaya may space sa pagitan namin.

Sinubukan kong hindi siya pansinin pero biglang, blag!

Nauntog ang noo niya sa bakal na handle.

"Aw! Shek!" Bulong niya pero sapat para marinig ko. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa boses niya. Napakalambing at napakalamig. Nagtayuan ang mga balahibo ko at hindi ko alam kung bakit.

Napatingin ako. Hinimas niya ang ulo niya saka tinanggal ang salamin. Saka ako natigilan. Nang oras na iyon, sabihin niyong jologs pero naniwala ako sa destiny. Nakita ko uli sya. Ang babaeng maganda ang labi at napakamysterious ng mata. Hindi ko siya agad nakilala dahil nakalugay ang buhok niya na hanggang balikat lang. Naka-tshirt siya ng Monster university, nakapantalon, at sneakers na black. Kumbaga simpleng suot lang.

"O-"gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba siya.

"Lon! Patulong dito," sigaw ni Jun, konduktor ng bus na iyon.

Hindi ako sumagot. Imbes, sumulyap uli ako sa babae, may hinahanap siya sa bag niya. Tumayo ako saka bumaba sa bus para tulungan si Jun na magbuhat ng bagahe ng isang matandang pasahero.

Pagbalik ko sa loob, hinanap ko uli siya. Ayun, nasa parehong upuan at natutulog uli. Wala pa din siyang katabi kaya naupo uli ako doon. Lihim akong napangiti. Destiny. Di ko akalain maniniwala ako sayo. Gusto ko siyang kausapin, malaman ang pangalan niya, saan siya bababa, ilang taon na siya, anong ginagawa niya sa buhay. Katulad ng madalas kong damoves sa mga babaeng type ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawa ngayon. Kumakabog ang dibdib ko. Naninikip ang aking paghinga. Parang naeexcite ako na kinakabahan. Tang*na lang, chong! First time tong nangyayari sa'kin. Ni hindi ako nagsalita sa buong byahe. Sa sumunod na terminal, marami ang sumakay. Ayoko man, tumayo ako at hinayaang may ibang tumabi sa kanya. Wala man lang siyang malay dahil tulog nga siya sa buong byahe. Nakatayo lang ako sa pinto nakatitig sa kaniya. Sinuot ko nalang din ang shades ko para di halata.

"Jun," bulong ko. "Yung babae, ung tulog sa panglima na bangko, san yan bababa?"

Sinubukan niyang maghagilap. "San diyan?"

"Yung nakawhite na tshirt, may shades na nasa bintana."

Ngumiti siya nang may asar.

"Type mo? Lagi ka nalang ah," kantyaw niya.

"Wag ka nang epal, san yan bababa?"

"Sa Baybay crossing," sagot niya.

"San pala galing?"

"Sa jdjdkdkdjd (city)."

Hindi na ako sumagot. Masaya ako. Kahit yun lang alam ko tungkol sa kaniya, kontento na ako. Basta alam kong hindi lang ito ang huling namin pagkikita ah este huling kita ko kaniya. Dahil ito lang kasi ang busline na bumabyahe sa ruta kung saan siya pumupunta. Kaya tiwala ako na matatanaw ko siyang muli. Tiwala lang. Destiny nga diba? Hindi ko maintindihan ang galak ko. P*ta lang talaga. Ang baliw ko na. Unang beses lang talaga ako nagkaganito.

Isang terminal bago siya bababa, kailangan ko nang bumaba dahil dun  kailangan kaming magreport sa opisina. Gustuhin ko mang hindi bumaba, kailangan lang talaga. Tsk. Sayang. Basta, sa susunod, kakausapin ko siya. Kailangan ko siyang makilala.

BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon