twenty

8K 381 78
                                    

twenty

NAGING routine ko na ‘yung maagang gumising para mag-jog d’un sa park saka bumili ng almusal d’un sa bakery bago ako uuwi para ipagtimpla ng kape si Erica. Mahilig ako sa routine, di ba? Or at least, mahilig akong laging may ginagawa.

Pero n’ung Sabado ng umaga, may malambot at sexy na octopus na bumalot sa ‘kin bago ako makabangon.

Tumawa ako pero nahiga naman ako ulit saka sumiksik si Erica sa likuran ko.

“Weekend,” she mumbled. “Don’t have to get up early.”

“Eh baby, wala namang pakialam ang taba kung weekend o weekday. Kung puwede silang mamuo sa ibabaw ng muscles ko, mamumuo sila kahit anong araw.”

Naramdaman kong nanigas lahat ng puwedeng manigas sa katawan ko n’ung humagod sa tiyan ko ‘yung isa niyang palad.

“Wala namang taba,” sabi niya na nakadikit pa rin sa likod ko ang mukha.

“Wala d’yan ‘yung taba ko.”

“Sa’n?”

“Ibaba mo pa ng konti ‘yung kamay mo.”

Kinagat niya ako sa balikat.

Nilingon ko siya. “Kung sa tingin mo eh matutulog ulit ng mushroom ko dahil d’yan—”

This time, she laughed and rolled to her back. Gumulong na rin ako para humarap sa kanya. Magulo ang buhok niya at may linya ng unan sa isang pisngi at nakapikit. I sighed at how beautiful she was. 

“Huwag ka na lumabas. Ma-e-exercise ka rin naman mamaya.”

Tumaas-baba ang mga kilay ko. “Paano?”

Napadilat siya sa tono ko saka niya ako hinampas ng unan. “Hindi gan’un, batos na ‘to! Kasi tutulungan mo akong maglinis!”

“Sige na, okay lang. Mag-jo-jog na lang ako.”

Lumabi siya. “Sige ah. D’un ka na sa park matulog mamayang gabi!”

Hinatak ko siya saka ko siya pinisil-pisil habang tumatawa at nanlalaban siya. “Ikaw talaga! Lagi mo na lang akong binabantaan ng eviction! Saka ba’t gising ka na? Kapag walang pasok, ang aga mong gumising!”

“Para mas maaga kita mapanood maglinis!”

“Hoy! Akala ko ba tutulong lang ako?”

“O, eh di tutulong ka nga!” bungisngis niya. Ngumisi siya sa ‘kin saka ako mabilis na hinalikan. “Good morning, bub!” bati niya sabay gulong pabangon. Maganda yata ang gising ngayon. Parang dapat eh araw-araw akong magpapayakap para masaya siyang gumigising.

Pinanood ko siyang mag-inat. Sinundan ng mga mata ko ‘yung kurba ng likod at mga balakang niya, ‘yung kurba ng dibdib niya at ‘yung manipis na linya ng balat sa pagitan ng suot niyang top at pajama bottoms na sumilip habang nakataas ang mga braso niya.

‘Tapos tumirik ‘yung mga mata ko n’ung tumungo siya at kurba naman ng pang-upo niya ‘yung natapat sa ‘kin.

“Hi, baby!”

“Hi, baby,” ungol ko rin na nakatingin pa rin sa puwet niya.

Tumuwid siya na buhat na si Theo na parang sanggol. ‘Tapos hinampas niya ako sa hita gamit ang isang kamay.

“Bangon na, Dada! Breakfast na tayo then cleaning day!”

Pabagsak akong nahiga ulit nang lumabas sila ni Theo ng kuwarto, saka ko tiningnan ‘yung masigasig na mushroom na kahit mula sa ilalim ng comforter eh kitang-kita kong naka-umbok.

Never Stop FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon