twenty-one

4.9K 261 62
                                    

A/N: Hello! FYI, ON HOLD pa rin po ang kuwento na 'to. I just wanted to update kasi birthday ni Lex kahapon. Happy Birthday, bub ni Erica!

This is still NOT the Catskill chapter kasi kasama 'to dapat d'un sa last chapter. Hindi ko lang siya natapos kaya po hindi ko na-post noon. Again ON HOLD pa rin po ang kuwento na ito. I don't have concrete plans to update more or finish it soon. Sorry po. Kailangan ko po muna kasi magtrabaho. Pasensya na po.

And as always, allow me to promote my Ko-fi (where I post one shots and longer works, from Ashmere to the Sentinels). And I've also released self-published books. They're stand alone stories but the characters are related to my previously published books.

Links to my Ko-fi and the order form of my books are in my bio. Maraming salamat po.

Happy birthday, Lex!

Thank you for reading! ✨

---

LUNES ng umaga, itinuloy ko lang ‘yung routine ko sa New York. Maagang gigising para mag-jog, ‘tapos dadaan ng bakery para bumili ng bagels. Pagbangon ni Erica, handa na ‘yung kape niya. Busog na rin si Theo at pupuwesto na sa tabi ng laptop ko sa mesa sa may bintana para magpa-araw.

Magkukuwentuhan kami habang nag-a-almusal, ‘tapos ako na ang magliligpit habang naliligo at nagbibihis siya. ‘Tapos lalabas na kami para ihatid ko siya sa opisina.

Routine talaga ng matagal nang mag-asawa.

Routine na hindi ko na magagawa sa isang linggo.

Ash, sige na. Ikaw na d’yan sa Pilipinas. Dito na lang ako!

Pagbalik ko ng apartment paghatid kay Erica, tumungo ako para haplusin sa pagitan ng mga tainga niya si Theo na sumalubong sa ‘kin, saka ako tumuwid.

Eh wala naman akong magagawa. Kailangan kong umuwi kahit ayaw ko. Hindi ako puwedeng maging undocumented immigrant sa America, at may mga responsibilidad ako sa Pilipinas. Pinakamalaki eh ‘yung twenty-five year old na baby na tumatayong acting CEO ng AMC na ayaw maniwalang he was doing a phenomenal job running the company without me.

‘Yung twenty-five year old na baby na napansin kong papasalubungan ko ng halos isang buong balikbayan box n’ung makita ko na ulit ‘yung mga binili namin ni Erica na pasalubong na kasalukuyang nakalatag sa kama ko.

Might as well start packing them up.

Medyo challenging pala ang pag-e-empake kapag may pusa ka ano?

“Anak, kahit gusto kitang iuwi sa Pilipinas, hindi puwedeng d’yan ka sasakay,” sabi ko kay Theo na nakatingala sa ‘kin habang kampanteng nakadapa sa mga lata ng SPAM. Sinubukan ko siyang bigyan ng “strict papa” look, pero parang sanay siya sa strict papa looks kasi gumulong lang siya at itinaas ‘yung mga paa niya at kinurba ‘yung katawan niya para ma-achieve ang maximum cuteness para mawala ang galit ni Papa.

“Aww, walangya ka,” sabi ko sabay abot sa phone ko para kuhanan siya ng picture. “Kay Mama mo ba ‘yan natutunan?”

Kumuha rin ako ng maiksing video saka ‘yun ipinadala sa nanay niya, bago ko siya binuhat para ibalik sa kama. Hindi pa ako nakakakuha ng SPAM na ilalagay ulit sa kahon, tumalon na ulit si Theo papasok sa balikbayan box.

“Theodore Montesines!”

Kumurap lang siya sa ‘kin at napa-iling na lang ako. Ang cute kasi eh.

Nag-beep ang telepono ko kaya inabot ko ‘yun at sinagot ang tawag.

“Hey!” masayang bati ni Erica. “Ang cute naman n’ung pinadala mo!”

Never Stop FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon