twenty-two

2.2K 159 44
                                    

A/N: Surprise! Requested po on my Ko-fi. This is for Max! Thank you for your help when I needed it. Super appreciated, and sorry na 'apakatagal ahahaha.

And as always, allow me to promote my Ko-fi (where I post one shots and longer works, from Ashmere to the Sentinels). And if you still didn't know, I've also released self-published books in PDF format. They're stand alone stories but the characters are related to my previously published books.

Links to my Ko-fi and the order form of my books are in my bio.

Also, pagpasensyahan n'yo na po ito kasi warm up pa lang ito para tingnan kung kaya na ng mental health ko ang bumalik sa pagsusulat ehehe. 

Maraming salamat po and happy reading!

---

"AYAN na si Mama!" sabi ko kay Theo na nasa passenger seat nang sunduin ko si Erica. Sumilip siya sa windshield 'tsaka excited na tumapak sa dashboard nang makita ang nanay niya na nakatayo sa sidewalk habang hinihintay kami. Masaya ang ngiyaw ni Theo, parang 'yung ngiyaw niya tuwing nakikita ako kapag may hawak akong isang lata ng favorite niyang cat food. Inihinto ko 'yung sasakyan sa harapan ni Erica. Inabot ko muna ang leash ni Theo bago ko binuksan ang pinto mula sa loob. Mahirap na eh. Baka matakasan ako. Hindi lang ako hindi sasagutin ng nanay niya kung bigla na lang magtatakbo ang baby namin sa kalsada ng Manhattan, malamang eh ipakapon pa ako n'un.

"Hi, babies!" bati ni Erica. Binuhat niya si Theo bago siya umakyat ng sasakyan 'tsaka pinaupo ang pusa sa kandungan niya. She leaned across the center console to give me a kiss on the cheek before she pulled on her seatbelt, then she bent down to kiss her cat between his ears. "Okay na? Ready na tayo?" tanong niya na may malaki at masayang ngiti habang nagsasayaw-sayaw pa sa upuan niya.

"Ready when you are!" sabi ko.

"Then let's go to the Catskill Mountains!" tawa niya na inaangat pa si Theo na parang si baby Simba sa simula ng The Lion King. Tumawa na rin ako. Naaaapaka-cute talaga nitong baby na 'to. Inabot ko siya at hinaplos ang buhok niya bago ko ibinalik ang kamay ko sa manibela.

"Then let's go!"

Kinumusta ko ang araw niya at nakangiti na nakinig habang nagkukuwento siya. Sa bilis ng salita niya at sa medyo mataas niyang boses, halatang-halata kung gaano siya ka-excited sa biyahe namin. Ako rin naman excited. Hindi ko maalis 'yung ngiti ko eh. 'Tsaka gusto ko ring magsayaw-sayaw habang nagmamaneho pero parang ang pangit tingnan kung ako 'yung gagawa.

Matapos ang basic Google search n'ung pinaplano namin ang bakasyon na 'to, napagkasunduan namin na mag-Hudson Valley route papunta, 'tapos 'yung mas mahabang Callicoon route pauwi. Naka-program na sa GPS 'yung hihintuan namin kaya sinundan ko lang kung saan ako sinabihang pumunta n'ung mechanical na boses. At nang makalabas na kami ng city, dino-double check n'ung maganda kong navigator (si Theo) sa online map kung hindi ba kami naliligaw.

A little over an hour later, nasa Peekskill (a city in Westchester County, na nasa tabi lang ng Hudson River) na kami. The view was beautiful. Di hamak naman na mas maganda na sa parte na 'to ang Hudson. Sa New York City kasi, gaya naman ng lahat ng ilog na nasa city, medyo (napaka) marumi at malabo (kulay putik) 'yung tubig.

Balak naming huminto doon para makakain at mamasyal.

"Takeout na lang tayo," suggestion ni Erica na nakasilip sa labas ng bintana, nag-aalala. Nasa mga hita niya 'yung hind legs ni Theo at nasa may bintana na naman 'yung front legs n'ung pusa habang nakatingin sa dinadaanan namin. Nasa kalsada kami na commercial spaces sa isang banda at ilog sa kabila.

My lips quirked as I found an available parking space. "Di na. Doon na tayo kumain 'tapos direcho pasyal na tayo sa park. Don't worry, ni-research ko 'yung restaurant. May outdoor seating sila 'tsaka pet friendly. May sarili pa nga silang menu para sa mga aso at pusa."

Never Stop FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon