Chapter 1: Time to be friends

52 2 0
                                    

‘ T u F A’

 

Chapter  1: Time to be friends

 

Kathryn’s  POV

I’m Kathryn Chandria Manuel Bernardo. . At ako’y nag-aaral sa River Dell University. Malapit na akong mag 18 years old! Actually, sa Sunday na nga eh. Plan nina Mommy Min na magkakaroon daw ako ng debut. At lahat na nag aaral sa RDU ay invited! Ganyan kami kayaman…. Yes! Invited si Daniel…..

Kung tinatanong niyo kung sino si Daniel… siya ang crush ko..si Daniel John Ford Padilla…Alam ko pati middle name? Stalker ako niyan eh. Ganyan ako ka obsessed sa kanya…hahaha..jk.

Di kami close… di nga ako pinapansin niyan eh. Ewan ko nga na sa dinami dami ng mga lalaking nagkakagusto at nanliligaw sa akin eh si Daniel pa rin ang gusto ko…

      Si Daniel na hindi ako pinapansin, sinusungitan, si Daniel pa na wala na ata pakialam sa mundo niyan eh…

Hindi na masyado nag aaral… eh panu ba naman madalas siyang absent. At walang nakakaalam kung bakit.

Kailan kaya niya ako mapapansin? Sana nga ay mapansin na niya ako! Kaya mas lalo akong nae excite sa debut ko dahil nandun siya! Sana nga pumunta siya… Sa totoo lang hindi ko na talaga gusto magdebut., gusto ko kasi kami lang sa bahay… ngunit nang sinabi ni Mommy na invited lahat ng schoolmates ko sa RDU, hindi na ako nagdalawang isip pa !

Papunta na ako sa RDU… nasa loob na ako ng car… hinatid na ako ni Manong Kyle. Ang driver namin. Pagkalabas ko pa lang ng kotse nang makarating kami sa RDU ay may sumalubong na agad sa aking lalaki. Pero kahit na ganun, nauna pa rin sa mga paningin ko si Dj. Nakita ko siyang papasok na rin ng school. Haay… thank you Lord! Hindi siya absent ngayon! Muli akong binati ng lalaking nasa harapan ko pala ngayon na hindi ko man lang napansin. Si Enrique nga pala.Nililigawan niya din ako. Actually mga ilang weeks na ang panliligaw niya sa akin. Pero di ko siya sinasasagot. Dahil wala naman talaga akong planong sagutin siya. Pinagsabihan ko na nga siya eh. Dahil wala talaga akong nararamdaman sa kanya. Pero eto pa rin siya ngayon. Hindi talaga sumusuko! Ang kulit nga eh.

As usual, may dala nanaman itong bulaklak at chocolates para sa akin.

“Ahh… Quen, hindi mo naman talaga kailangan ituloy ang panliligaw mo sa akin eh.” Ako. Pinagsasabihan ko nanaman ulit siya.

“Kath, kahit anong mangyari, hindi mawawala ang pag ibig ko para sa’yo.” Quen

“Quen, alam mo namang hindi kita gusto.Wala akong nararamdaman para sa’yo. Sorry, pero hindi kita talaga sasagutin.” Ako.Ang kulit eh. Si Dj lang mahal ko.

“Bakit ba Kath? Pagbigyan mo naman ang puso kong mahalin ka. Puwede pa naman magbago ang isip mo eh. Puwede ka pa namang madevelop sa akin. Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon. Magugustuhan mo din ako.” Si Quen.

“I’m sorry Quen, pero wala talaga.” Ako

“Bakit ba parang desididong desidido ka na? May mahal ka bang iba? Ha Kath?”Quen.

Hindi ko talaga alam ang sasagutin ko sa kanya..ang totoo kasi, si Dj ang dahilan.

“Kath! Sagutin mo naman tanong ko!” Quen. Nagulat ako sa sigaw niya… naaawa na ako sa kanya..lalo na’t nakita kong tumulo na ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ganyan niya ba talaga ako kamahal?At naiiyak talaga siya? Masakit din para sa akin to dahil hindi ko kayang nakikita ang mga taong kagaya ni Quen na nasasaktan na ako din naman ang dahilan.

"The unFail Adventurers"-KathNiel-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon