Tippy's POV
"Uy Tippy, ok ka lang?" Tanong saakin ni Calum
"Mukha ba akong okay Calum? Huwag lang magpapakita saakin yang Luke na Halimaw na Monggoloyd na yan Arrghh!"
Nandito kami ngayon nina Calum, Michael at Ashton sa canteen and pulang pula ako sa galit ngayon.
"Uy Kalma naman. Eto tubig baka mamaya bigla kang sumabog sa sobrang galit mo niyan" Sabi ni Michael habang bibibigay yung tubig saakin at ininom ko yun.
"Bakit ano ba nangyari bakit sobrang galit mo sa kanya?" Tanong naman ni Ashton
"Eh kasi guys, ganito yan. Diba kanina sabi nung prof wala daw akong sagot kahit isa sa quiz natin sa english then nagtaka ako kung bakit. Tapos naalala ko, si Luke nakita ko ang papel niya walang sagot then nag-go out ako siguro yung time na yun pinalitan niya yung papel niya! Punyeta siya wag talaga siya magpapakita saakin!" Sabi ko at halos sumisigaw na.
"Uy pinagtitinginan ka na ng mga teacher oh. Hinaan mo boses mo Tippy!" Sabi saakin ni Ashton.
"Wala ako pake. Puta!" Sabi ko
"Bunganga mo day. Panget sa babae magmura!" Sabi saakin ni Michael
Maya maya lang nakita ko ang Monggoloyd papalapit sa table namin
"Oi Luke may kasalanan ka dito!" Sabi ni Calum at tinuro ako. Tinignan ko naman ng masama si Luke.
"Anong kasalan ko diyan? Tss. Paupo nga!" Sabi niya. Angas talaga neto leche.
"FYI, painosente much ka pa huh? Pinalitan mo lang naman po ang papel ko nung nag- go out ako. Sino hindi magagalit sa ganon huh? Tell me!" Sabi ko sa kanya na pagalit
"So?" Sabi niya saakin. Sarap patayin toh piste!!!
Hindi na lang ako kumibo at umalis na lang sa table nila.
"Tippy saan ka pupunta?" Tanong saakin ni Calum
"Kung saan di ko makikita yang bwiset mong kaibigan!" Sabi ko at pumunta ako sa tahimik na lugar.
Napunta ako sa Garden. May konting estudyante na nakaupo sa ilalim ng puno. Naupo ako sa ilalim ng puno kung saan walang tao.
"Hi Miss! Transferee ka?" Tanong saakin ng babae. Ang ganda niya.
"Ahmm... Yes!" Sabi ko sa kanya
"Good! Parehas pala tayo! Btw, What is your name?" Tanong niya saakin
"I'm Tiffany Roberts. You can call me Tippy.How about you?" Tanong ko sa kanya
"I'm Georgina Madrid. You can call me George!" Sabi niya saakin with smile amd nagsmile din ako sa kanya then nagshakehands kami
"Btw, anong course mo?" Tanong saakin ni Georgina
"Engineering" sabi ko
"Parehas pala tayo. Class 1 Section A ako. How bout you?"
"Class 1 Section B"
"Really? Class 1 Section B ka? O to the M to the G!!! Kaklase mo yung 5 Seconds of Summer?" Tanong niya saakin na excited na malaman yung sagot ko. And ano daw? 5 Seconds of Summer? Never heard that word before. Pero medyo familiar saakin.
"Five Seconds of Summer? Huh? Ano yun? Di ko sila kilala." Sabi ko
"Five Seconds of Summer yung banda! Yung sina Calum Hood, Luke Hemmings, Michael Clifford and si Ashton Irwin my babes! Kyaaah!" Sigaw niya. Grabe sakit sa tenga. Pero teka, sina Calum, Michael, Ashton, and Luke? Sila yung 5 Seconds of Summer? And kasama si Luke? WTF!?! Member din pala siya nun.
"Ahh.. Oo kaklase ko sila. Medyo kaibigan ko sila. And ka roommate ko sila." Sabi ko at siya naman nagtatalon sa tili
"Kyaaahh!! OMG! OMG! Ang swerte mo girl! Kaklase mo sila, kaibigan mo sila and ka roommate mo pa! Kyaaahh!! Naiingit ako sayo!"
"Huh? Bakit ka naman maiinggit sakin? Tao lang naman sila"
"Oo nga tao lang sila. Pero Celebrity sila. Sikat sila! Ay di mo alam?"
"Hindi eh."
"Ay sayang! Crush ko dun si Ashton! OMFG!! Ang galing niya magdrums!! Nakakainlove siya. And yung dimples niya.... Asdfghjkl! Waaahh ang Cute niya sobra!" Sabi niya na parang nababaliw.
*Ring. Ring*
"Ay nag-bell na! Ano ba yan. Sige mauuna na ako ahh. Bye Tippy, see you later and nice meeting you!" Sabi niya saakin at pumunta na kami sa sarili naming classroom
Pagpasok ko ng classroom, yung mga kaklase ko parang nakawala sa Hawla. Ang gulo nila at ang kalat. Napakunot na lang ako ng noo at pumunta na sa upuan ko. Wala pa yung katabi kong ugok pero yung tropa niya nandito na. May sariling mundo talaga yung Hayuf na yun. Tapos katabi ko pa. Hayuf talaga! Juice colored.
May kumalabit saakin at agad ko itong nilingon na irita ang pagmumuhka ko.
"San ka galing?" Tanong saakin ni Ashton.
"Wala! Diyan lang sa tabi tabi. Nagpalamig ng ulo. Kasi mamaya iinit nanaman eh" sabi ko at may umupo na sa bakanteng upuan sa tabi ko. And simula nanaman ng pagiinit ng ulo ko.
Tinignan ko siya at siya nakatingin siya saakin. Nakangiti siya nung tumingin siya saakin at ako naman inikutan ko siya ng mata. Langya! Anong nakain nito at nakangiti?
Pero infairness, ang gwapo niya pala pag nakangiti. Ang puti ng ngipin, may dimples siya and naguumapaw yung blue eyes niya.
"Di mo pa kasi aminin na may gusto ka saakin. Hiya ka pa eh. Sabihin mo na hindi naman ako magagalit."
ABA! FOWTA. NARINIG NIYA! NASABI KO PALA NG MALAKAS! FEELER NAMAN ANG GAGO.
"Excuse me? Wala po ako gusto sayo. Wag kang feeler huh Mr. Hemmings baka painumin pa kita ng Milktea na may halong Ariel 7.50 lang. Kainis toh! CHE!"
Yung tatlo sa likod nag 'Oooohhhh' na lang sila.
Maya-maya lang dumating na yung panot namin na prof este si Mr. Sy dumating na at biglang natahimik yung klase. Terror ba naman kasi -_-"
"Ok class. Starting from today, mamemeet niyo ang sub teachers niyo" sabi ng prof
Ano toh? Pang Elementary and Highschool ata tong pinasukan ko eh.
Dahil sa sobrang ka-boringan na sinasabi ni sir nag doodle na lang ako.
Pero may Epal na nakakabwiset na tinatawag ako -___-
"Psst. Tippy, uy! Freak! Lumingon ka." Tawag niya saakin pero di ako lumilingon.
"Tiffany! Lingon! Psst. Tippy! Tae naman!" Irita niyang sabi. Hah! Bahala ka mairita diyan. Bwiset ka.
"TIFFANY ROBERTS, MAHAL KO! LUMINGON KA NA BABE!" Sigaw niya sa Classroom. Tang in a Milktea! Ano nanaman ba Problema nito at sumigaw ng ganun sa classroom. Nakita ko yung mga kaklase ko na nagbubulungan, at yung mga babae kong kaklase ang sama ng tingin saakin kulang na lang kainin ako.
Aargh!! Bwiset ka Luke Hemmings! You're such a Badboy and Idiot!