Luke's POV
Argh!! Nakakabwiset yung babae na yun. Nagsigawan pa kami ni Ash nang dahil sa kanya. Wow ahh! Pa-spesyal pa siya. May iyak iyak pa siyang nalalaman. Tss...
Actually di naman talaga ako pumuntang bar. Sinong siraulong pupunta ng bar sa gantong oras na 10:00 am? Abnormal lang gumagawa nun.
Pumunta lang ako sa kotse ko para magpalamig ng ulo.
"Lecheng Tippy yun. Pasalamat siya babae siya kung hindi nasapak ko siya!"
Nagpadagundong lang ako ng kotse.
Tumingin ako sa relos para tignan kung anong oras na. Sabi kasi ni Ash 12:00 daw ang simula ng klase.
"11:30 na agad? Wow ang bilis naman!" Sabi ko hinanda ko na ang gamit ko at lumabas ng kotse.
Pumasok ako sa loob para puntahan yung bulletin board para malaman kung ano ang aking section
"Class 1 Section B pala ako" sabi ko at pumunta na sa classroom pero sa kasamaan palad, dinumog ako.
"Luke!!! I love you!"
"Luke papicture!!"
"Luke pa-autograph!"
"Babe!!! Pa kiss!"
Sabi nung mga babae.
Shit. Late nanaman ako nito...
Agad agad akong tumakbo papunta sa classroom at buti naman nakarating ako ng buhay dahil may teacher na nakahuli sa kanila.
"GIRLS, ANO BA? GO TO YOUR RESPECTIVE CLASSROOM! NOW!"
sabi nung teacher at pumasok na sa Classroom.
Pagpasok ko maraming babae ang tumili nanaman. At biglang nagsalita yung prof.
"And you Mr. Introduce yourself ."
Tss. Ano bang kalokohan to? Kailangan pa ba non?
(A/N: Aba syempre!!! Kailangan.)
"I'm Luke Robert Hemmings" sabi ko sa Prof na walang halong emosyon.
"Ok, since you are late, sit beside Ms. Roberts" sabi nung prof saakin.
Kapag nga naman minamalas ka oh. Tsk. Pagka upo ko pinausog ko siya.
"Tss." Napa tss na lang ako habang papunta sa tabi niya.
"Usog nga freak!"
"Tss...Laki ng Space Gago!"
Inirapan ko na lang siya.
Nakakaturn off tong babae na to! Ang lutong kung magmura. -____-
"Ok class, get a piece of paper amd answer this questions. This is a quiz." Isa pa tong prof na to. Nakakabanas. Unang araw may quiz!!
Nagsimula na kami mag-write down ng questions and Wtf? Ang hirap ng mga tanong ah -________-"
Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Tumingin ako kay Michael at Ashton sa likod seryoso nila sinasagutan yung quiz. Tumingin naman ako kay Calum at yung itsura niya parang natatae sa sobrang hirap ng mga questions na binigay. At Tinignan ko naman yung katabi kong brutal. Seryosong seryoso at isang numero na lang tapos na siya.
"Hayys! Thanks I'm done." Sabi niya.
Sh*t! Ang hirap kahit isang numero wala pa akong nasasagutan.
"Sir! May I go out?" Sabi nung katabi kong brutal.
"Yes you may!" Sabi naman nung panot namin na prof at lumabas si Tippy.
Alam ko na kung ano gagawin ko!
Dali-dali kong kinuha yung papel ni Tippy at sinulatan ko ng pangalan dahil wala pa niya itong pangalan at ipinalit yung papel ko at pinalitan ng pangalan niya. Di lang pala brutal tong babae na ito tanga din pala.
"Ok class, Finish or not, pass your paper" sabi nung prof kaya pinasa ko na yung papel ko at nung kay Tippy.
Pagbalik nung babae na yun nagtanong pa kung asan yung papel niya
"Pinasa ko na yung papel mo. Ang tagal mo bumalik freak eh" sabi ko
"Tss. Thanks ah. Nag-abala ka pa sana hindi mo na lang pinasa monggie"
Sabi niya at di ko narinig yung dulo.
"Ok class. I will announce your scores now." Sabi nung prof kaya nakinig ako.
"First we have Ashton Irwin. You got 17/20!" Sabi nung panot na prof at maraming nagpalakpakan
"Second, Michael Clifford, 15/20!" At may nagpalakpakan din
"Calum Hood, 3/20!"
"Ang talino mo pala Calum!! Hahaha" sabi ni Michael sa kanya
"Eff you! Di porket naka 15 ka ahh" sabi ni Calum sabay taas ng middle finger.
"Ok that's enough. Luke Hemmings, you got a perfect score" sabi nung Prof kaya maraming nagpalakpakan at tilian
"Shet! Ang talino pala ni Luke!"
"Oo nga! Magpapaturo nga ako"
At nakita ko yung katabi kong brutal kunot ang noo. Hahaha it's Payback time loser.
"And Tiffany Roberts, 0/20. Ok class you may take your break now"
"Sir, wait! Paano po ako 0/20?" Tanong ni Tippy.
"Blanko ang papel mo Ms. Roberts" sabi nung prof sa kanya
"Sir hindi po blanko ang papel ko, may sagot po lahat yun!" Pangangatwiran pa ni Tippy.
"I'm sorry Ms. Roberts, but I don't have time to argue with you. I need to go." At lumabas na yung prof.
Haha. Kawawang Tippy tsk.