IIWG: Chapter 3

6 0 0
                                    

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Pagsingit ng multo sa mga 'Kung sakali' na naiisip ko habang nilalaro ang ballpen ko.

Parang Familiar yung mukha niya pero di ko maalala kung saan ko nakita.

'Baka sa tarpaulin ng mga patay.'

"Wag mo nga akong titigan, baka matunaw ako" sabi sa akin ng multo habang nilalaro pa rin ang ballpen ko. Kahit kailan talaga ang yabang nitong multong 'to.

"Sino ka ba?" tanong ko sakanya at humarap dito habang nakaupo pa rin.

"You're my mission"

"Hindi. I mean, anong pangalan mo? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka namatay? Bakit may misyon ka?" mahinahon na tanong ko sakanya. Tumingin naman siya sa akin at napatil ang paglalaro sa ballpen ko.

"Well that's your mission. Kailangan mong malaman kung sino ako, what happened to me, why did I die and why I have this mission. Kahit ako walang maalala, ang naaalala ko lang is that you will also get benefits from this mission. So spend more time with me and you will know me" sabi sakin ng ghost.

Paano ko nga malalaman kung sino siya eh kung yung pangalan niya hindi man lang niya maalala bahala na nga. "Fine, 30 days. I'll spend more time with you in 30 days" pagtanggap ko sa misyon niya para sa akin.

"Deal!" masayang sabi niya at nakipagkamay sakanya

"The Day starts now and after 30 days, pwedeng mawala nalang ako nang parang bula. Hindi na ako magpapakita sa'yo, pwede ring magpaalam ako sa'yo" paliwanag niya sakin.

"I don't care. Gusto ko lang matapos ang 30 days para matapos na 'tong kalokohang 'to" sabi ko at muling humarap sa salamin.

"Okay fine, walang bawian ng salita" sabi niya sa akin.

'Akala naman niya maiinlove ako sakanya.'

"That's not what I mean" salita ng multo at nagtaka naman ako sa sinabi nito dahil hindi ko na naman siya sinagot sa huling sinabi niya.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko sakanya at napatawa pa ng bahagya.

"I can read your mind" preskong saad nito at humiga sa kama ko.

Ibig sabihin narinig niya yung mga punagsasabi ko sa kanya kagabi?

"Punta tayong mall, ang boring dito sa bahay niyo" pagyayaya niya at bumangon sa kama ko.

"Ayoko, hindi naman ako mahilig magmall-mall, wala akong pera, at ayokong mapagod." paliwanag ko sa kanya.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko "Please" pagmamakaawa niya sabay pa-cute.

'Yuck! Hindi bagay.'

"Sige na nga, sige na mags-shower lang ako. Huwag mo akong sisilipan!" paalala ko sa kanya. Aba kahit multo na siya, lalaki pa rin siya.

"Yes! Thank you!" sabi niya tapos ay niyakap pa ako.

"Hoy tama ka na. OA ka ah magsh-shower na ako saglit lang." grabe naman 'to, matagal na ba siyang hindi nakakapag-mall. Multo naman siya kaya anytime, anywhere makakapunta siya.

Nagsimula na akong maligo tapos ay nagbihis. Skinny jeans at printed white t-shirt lang ang sinuot ko tapos ay nag-clip ng buhok. White rubber shoes ang sinuot ko na sapin sa paa at naka-mini backpack lang ako.

Paglabas ko ng kwarto ay nagpunta ako ng sala para sunduin si ghost nang makasalubong ko si manang Annie "Oh ms. Karissa saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong sa akin ni manang Annie.

Nakalimutan ko pala sa inyong ipakilala si manang Annie. Si manang Annie nga pala ang nag-alaga sa akin mula pagkabata ko at siyang tagaluto namin dito sa bahay.

Im inlove with a GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon