CHAPTER 3

5K 93 1
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Pag-uwi ni Kathleen sa kanilang tahanan ay dumiretso siya agad sakanyang kwarto. Hindi kasi maalis sa isipan niya ang naging usapan nila ni Mya. Ramdam niya ang pangungulila kay Kian. Ngunit hindi rin niya maintidihan ang sarili kung bakit samantalang hindi naman sila nagkaroon ng relasyon. Kahit pala minsan na niya itong kinalimutan ay naroon parin ito sa puso niya. Naalala tuloy niya ang nakaraan, naiinis siya sa sarili kapag naaalala niya ang simula ng pag-iwas nito sakanya. Ang pagtatapat niya ng pag-ibig na dapat ay si Kian ang gumawa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata sandali pay nakatulog na siya.

"Advise Ms. Franz to get ready for the pictorial of KLA with Mya nextweek and set a perfect schedule." ani Kian sa secretarya niya. Tumango naman ito saka lumabas ng opisina niya.

Naupo siya sa kanyang office chair. Dinukot ang wallet niya at kinuha ang isang wallet size na larawan.

Titig na titig siya sa hawak na larawan hanggang sa mapagtanto niya ang kaniyang naging dahilan ng pagpayag niyang mag-aral sa ibang bansa. Masaya siya sa kaniyang buhay ngayon dahil nagtagumpay siya sa layunin niya at ng kaniyang ama na nagkayod ng husto upang mapaginhawa ang kanilang pamumuhay. Ngunit sa loob niya ay ramdam niyang may kulang pa upang maging ganap na siya masaya.

Ibinalik niya ang larawan na iyon sa pinagkuhanan. Naisip niyang tawagan ang isang kliyente niya. Pagkatawag ay umalis na siya sa kanyang opisina.

Nagmamaneho si Kathleen ng kanyang sasakyan. Hindi maintindihan ang sarili kung bakit bigla nalang niyang naisipan ang lumabas samantalang wsla naman siyang balak maglakwatsa.

Walang gaanong nagdaraan na sasakyan ng oras na iyon kaya may kabilisan ang takbo niya. Akmang liliko siya ng biglang may makasalubong na nissan navara. Nanlaki ang mga mata niya at agad na lumihis dahilan upang bumanga sa puno ang kanang bumper ng sasakyan niya. Maging ang sasakyan na kamuntik niyang makabangga ay napatigil din. Shock siya sa pangyayaring iyon. Sapo ng dalawa niyang kamay ang ulo pagbaba niya ng sasakyan upang tignan ang harap ng sasakyan niya.

"Oh my god, my car" bulalas niya na labis ang panghihinayang ng makitang umangat ang hood nito. Hinahaplos pa niya ito na parang batang nadapa.

"Hey bitch! Are you crazy or you wanna die?" pasigaw ng lalaking nagmaneho ng sasakyan na kamuntik niyang makabangga. At ang gago tinawag na nga siyang bitch, tinawag pa siyang crazy. Parang umusok ang tenga niya sa mga narinig buhat sa lalaki na iyon.

"Hey mister of whoever you are. Can't you see what happened on my car? And that because of you." wika niya na nag-uumpisa ng magpuyos sa galit. Lalong nainis siya ng ngumisi ang lalaki sakanya.

"You deserve it, baby!" ani nito nakakainsulto.

"Hoy, akala mo kung sino ka ha. Nakaabala ka na nga, hindi ka pa marunong magpakumbaba."

"Ako,magpakumbaba? Dapat ikaw ang humingi ng paumanhin dahil mabilis ang takbo mo. Akala mo yata sayo ang daan eh." tugon ng lalaki habang papalapit sa kanya.

"Be ready Kath." wika niya sa sarili ng makitang lalapit ito sa kanya. May takot din siya sa lalaki ng makita ang itsura nito. Nagmumuka kasi itong adik at sanay sa gulo.

"I'm on my line. Ikaw ang dapat umayos sa pagdadrive mo." bulyaw niya sa lalaki. Kinilabutan siya ng titigan siya nito na parang hinuhubaran siya. Kinakabahan siya ng sandaling iyon. Wala pa kasing dumadaan na sasakyan buhat kanina kaya aminado siya na anumang oras na pagtangkahan siya ng masama ay wala siyang mahingian ng tulong. Napasandal siya sa hood ng sasakyan niya ng macorner siya ng lalaki. Hinawakan nito ang kanang braso niya.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon