CHAPTER 23

3.7K 69 1
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Walang imik si Kian at nakatulala nalang sa harap ni Kath.

"Pansamantala muna tayong maghiwalay Kian, palayain muna natin ang isat-isa." wika ni Kath.

"But, Kath" pagtutol ng binata.

"Our situation now is a challenge for us. You say you love me and I feel it."

"Pero bakit kailangan pa nating maghiwalay kung naniniwala kang mahal kita."

"Nagbabago ang lahat Kian."

"You dont trust me?"

"I gave you all the trust at may natutunan ako. Hindi pala sapat yung ipinapakita nating pagmamahal sa isa't-isa. We need more deeper than that Kian."

Hindi nakapagsalita si Kian. Tinamaan siya sa sinabi ng nobya. Oo mahal niya ito pero hanggang saan nga ba iyon. Kahit pa nagmahalan sila ng matagal na walang namuong relasyon sa pagitan nila, lahat naman ng pangyayaring dumating sa kanilang buhay ay may nag-iiba, may nagbabago, may naidadagdag, at may nawawala. Marami pa siyang dapat patunayan sa kasintahan.

Ganon din sa kaniyang sarili si Kath. Nadala siya sa damdamin niya ng sabihin ni Kian na mahal din siya nito kung kaya agaran din na naging sila. Ni wala man lang nangyaring ligawan kay hindi na rin sila nagkaroon ng pagkakataon na muling kilalanin ang isa't-isa.

"Dont think that I retreat yo Kian, I love you and you'll still in my heart." muli niyang tugon at tinuro ang puso niya.

"Gusto ko lang munang mapag-isa. Hindi ko alam kung saan ang hangganan ng pagmamahal na ito pero gusto ring subukan ang sarili ko, at sana ganon ka din."

Hindi lang umiimik si Kian habang nakayuko. Pagkuway tinitigan niya ang dalaga. Hinddi niya namalayan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi na dapat sana ay malungkot siya sa hinihiniling nito sa kaniyang kalayaan. Pero naiintindihan niya ibig ipahiwatig ng dalaga. At hindi siya natatakot na magpalaya dahil alam niyang mahal na mahal siya nito.

Lalo siyang dumikit sa dalaga at hinaplos ang buhok nito. Nakatitig lang naman ang dalaga sa kaniya.

"I accept it baby, I know there is a reason for all this matter. And now, I will not say I love you hence, I will do my best for you to feel it deepest, baby."

Ramdam ni Kath ang sinseridad ni Kian. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Tumugon siya ng ngiti sa binata. Ngayon ay magiging normal na naman ang buhay niya ngunit pansamantala lang naman ang pagkawala ni Kian sa buhay niya. Ngon masusukat kung talagang sila ang para sa isa't-isa.

"Good luck!" ang tanging sagot niya.

"Ibabalik na kita sa bahay niyo."

"Iwan mo nalang ako dito Kian, gusto ko pang pagmasdan ang tubig sa lawa. Basta wag na sanang malaman ito nila mommy at daddy, baka kasi magalit pa sa iyo yung mga yon." ang habilin niya sa binata.

"I will" tanging sagot naman nito.

Hanggang doon na nga ang kanilang usapan at yun na rin ang huli nilang pag-uusap. Namaalam ang binata sa kaniya na dala ang kanilang kasunduang pansamantlang kalayaan.

Naiwan si Kath sa lugar na iyon. Naupo siya sa mga barikada ng manila bay. Tinatanaw ang paalon-alon na tubig doon. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang bukas na wala na si Kian sa buhay niya at kung hanggang kailan sila magkakahiwalay. Ipinangako rin niya na hindi na siya luluha sa ngalan ng pag-ibig. Siguro ay nadala lang siya sa kaniyang emosyon dahil ngayon palang siya nagkaroon ng kasintahan kung kaya't naging marupok siya na ipaglaban ito.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon