HAPPY READING MY LOVES~
---------------------------
Chapter 5
Ilang araw nadin since naka-uwi kami from Laguna. Whew! Nakakamiss sila Aling Madeng tapos yung scenery at yung pag-kain. Errr. Nagugutom nanaman ako.
"Bhext, kain tayo!" aya ko kay Pia. Ohyeah, kasama ko nga pala siya. Nagsho-shopping kami dito ngayon sa mall. Lagasan lang naman ng pera.
"Ano ba yan. kakakain lang natin ng lunch ah, ang dami mo pa ngang kinaing sushi. Teh, awat naman!"
"*pout* nagugutom nanaman ako eh."
"Anla. Baka mawala na ang shape mo niyan at maghanap si Vince ng iba, bahala ka."
"Ehhhhh. Bhext namaaaaaan."
"Tss. Sige, gamitan mo pa ko niyang pacute powers mo. (-____-) pasalamat ka effective. Tara na nga!"
"Yey! Tara Mang Inasal!"
"WTF? Kanin nanaman kakainin mo? Bhext naman! I need to maintain my shape!"
"Psh. Minsan lang naman tayo lalamon ng matindi eh! Halika na! Libre ko na. :D"
At ayun nga, pumunta kaming mang inasal at umorder, take note, Rice-all-you-can pa. Mouwhahaha!
**
"Sakit ng tyan ko bhext! Walanjo ka! Naka-ilang kanin ka?!" angal ni Pia nang matapos kaming kumain.
"anim"
"Grabe! Lugi sila sa'yo!"
"HAHAHA! Ganon talaga, kelangan sulitin. XD"
"Ewan! Grabe kang kumain, pang dalawang tao."
"eeeeh. Alam mo, lately kamo ang lakas lakas kong kumain."
"Anong bago dun?"
"(T^T bhext naman eh!"
"Totoo naman talaga! Anong bago sa malakas kang kumain? Lagi ka naman halimaw kung kumain eh."
Hapyan. Pano ko naging bestfriend ang isang to? Psh! Lagi nalang akong inaasar! Lesheng yen!
"Di ko nga kasama si Vince ikaw naman pumalit. Tss."
"Ewan! Tara nga! Bili tayo ng shoes! May kelangan nga pala akong attend-an na show." tapos hinila na niya ko kung saan man. Psh. Siya naman ang may madaming alam dito eh.
**
"Hayy! Nakakapagod!" yan nalang ang nasabi ko ng makarating ako ng bahay at humilata sa sofa. Grabeeee, nakakapagod mag-shopping! >.<
"oh, ang aga mo naman ata umuwi?"
"Dad..."
Umayos naman ako ng upo dahil tumabi sakin sa sofa si Dad.
"4 pm pa lang ah. Bakit ang aga nyo ata matapos ni Pia?"
"Ayaw mo Dad? (-______-) mas gusto mo pang gabi ako umuwi, ganon?"
He chuckled. " Hayy nako itong batang ito, hindi lang ako sanay. Malimit kasi pag nag-shopping kayo ni Pia inaabot kayo ng hating gabi."
"eeeeeeeeh. Napagod na ko eh."
"Tamad ka lang."
"DAD! Sige umpisahan mong mang-asar!"
"Naku, lakad na at magpahinga ka na. Teka, nagkikita pa ba kayo ni Vince?"
"Oo naman, dad! Bakit?"
"Ahh.. Ganun ba. Sige na, magpahinga ka na." then umalis na siya. Hmm? Bakit kaya biglang natanong ni Dad yun? Err. Oh well, pahinga nalang nga ako.
Teka, buong araw akong hindi tinatawagan ni Vince ah? Bakit kaya? Hmm... Matawagan nga.
*Riiiiing Riiiiiing*
Humiga muna ako sa kama habang inaantay kong sagutin niya. Ang bagal ah! Dati After 2 rings sinasagot na niya. Errr.
*Riiiiing Riiiiiing*
Naka-ilang rings pa bago niya sinagot..
"Aba! Hoy Angeles! Bakit ang tagal mong sagutin yung tawag ko?!"
"Ano? What?"
"Hoy! Bakit ang ingay diyan?!"
"Wait, I can't hear you, I'll call you later nalang!"
*tooooot tooooot*
ABA! WALANGYA! BINABAAN NIYA AKO! HAYOP YANG ANGELES NA YAN AH!
Dialing...
Angelesboyfie<3
*Riiiiiiiiiing Riiiiiiiing*
*Riiiiiiiing Riiiiiiiiiiiiiiing*
*Riiiiiiiiiiing Riiiiiiiiing*
"Hello?!"
Ang ingay naman! Mukhang nasa club to ah. Bakit hindi nagpapa alam to sakin?!
"Hoy! Angeles! Asan ka?!"
"Vince! Ayan na! WHAHAHAHA!" smay sumigaw na lalaki sa kabilang linya.
"Vince, nasa bar ka ba?!"
"Gago ka Ray! HAHAHA!" narinig kong tawa ni Vince.
"Sino ba yang kausap mo?" Teka, boses babae?!
"Hoy! Vince! Sagutin mo nga mga ta-- *toooooot toooooo*"
ASDFGHJKLASDFGHJKLASDFGHJK! PUNYETANG LALAKI YAN! NANG BABABAE ANG HAYUP!
Sa sobrang inis ko, naibato ko yung cellphone ko. Hindi ko namalayang naiyak na pala ako. How dare he! Ang kapal ng mukha niya!
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tanong ng isang maid na pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Sabihin mo ihanda yung kotse."
**
Isa lang naman ang pinupuntahang club ni Vince eh. Yung club ni Ray. Hayup yang lalaking yan. Kaya pala hindi nagpaparamdam kasi nambababae!
Pagkapasok ko sa loob, tumambad sakin ang napakaingay na tugtugan at nagsasayawang mga tao. Argh! Ang crowded naman!
Hinanap ko si Vince at ayun nakita ko siya....
may kahalikan....
"VENUS?!"
___________________
Hala! Hala! Anong nangyari?! May kahalikan daw si Vince oh! At sino si Venus? FUDGEEEEEE! PATAAAAAAY!
Another UD. 8D Ewan ko ba kung bakit sinipag ako. Bakit kayaaaaa? hmmmm? Haahaha! Secret na yon. =P
Hanggang sa muliiiiiiiiiiiiiiiiii~
-fefeyy. *u*