Loving Him

21 2 1
                                    

Ang susunod na babasahin ay naglalaman ng maseselang pangyayari. 

 Isang kwento nagpapakita ng kakaibang pag-iibigan. Dalawang magkaibang mundo ang kanilang ginagalawan. Isang nakakulong sa kanyang nakaraan na nagmamahal parin hanggang sa kasalukuyan.

A one person Point of View Story. 

Sana ay inyong magustuhan. Salamat po.

_____________________________________________________________________________

Nakakabagot naman oh. Kahit na palagi akong mag-isa ay hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng pagkabagot.  Ano ba kasing klaseng buhay meron ako?

Ako nga pala si Derby. Pero ang tawag sa akin ay Bengbeng. Ewan ko ba kung sino ang nagpauso ng palayaw na yan. Sabagay tanging ang mga magulang ko lang ang tumatawag sa akin ng bengbeng. Wala ng iba pa. Simple lang ang buhay na aking kinalakihan. Hindi kami mahirap, at hindi rin naman kayamanan. Ayos lang. yung parents ko lagi silang wala dahil abala sila sa pag-aasikaso ng aming family business. Naiintindihan ko naman dahil Para naman daw sa akin iyon. Kaya ayos lang. Nag-iisang anak lang ako.

Ang kwarto ko ang aking paboritong lugar. Kung may kailangan kayo sa akin ay doon nyo ako matatagpuan. Kahit na mukhang bodega ang aking kwarto ay gusto kong tumatambay dito. Sa school, wala namang problema. Lagi lang akong mag-isa. walng may gustong kumausap sa akin. Okay lang. basta’t pumapasok ako at nakakapasa, Solve na. Masaya na ako.

Ngunit nagbago ang lahat ng isang araw ay may naglakas ng loob na ako ay kausapin. Naging first friend ko sya at hindi nagtagal ay nahulog ang loob ko sa kanya.

Naging Masaya kaming dalawa hanggang sa dumating ang araw na nalaman kong matagal na pala syang wala sa mundong aking ginagalawan.

Masakit pero kailangan kong tanggapin. Sa sandaling panahon na kami ay nagkasama nalaman ko ang pakiramdam kung paano mating Masaya.

“Derby, aalis na kami ng daddy mo.”

 

“sige po Ma, ingat.”

 

At yon na nga. Iniwan na nila ako. mag-isa na naman ako. Hello Boredom- My friend. Nakakaboring talaga. Sawa na akong magtumbling sa kisame. Hayy. Ano naman kaya ang gagawin ko? Napagdesisyunan kong lumabas nalang. Nagtungo ako sa garden ng aming bahay. Wow, o diba ang yaman namen? Hahaha. Joke lang. maghahanap ako ng makakausap. As if naman na meron.

Okay, nandito ka  lang pala.

“Hi, bulaklak. Bakit bulaklak ang tawag sayo? Siguro gawa ka sa bulak no? Tama gawa ka sa bulak.”

 

Ayun, may isa pa.

“Hello damo, kamusta. Bakit damo ang tawag sayo? Siguro madamot ka no? Tama maDAMOt ka nga. Ayoko sayo!”

 

Ayun, siguro ito masarap kausapin.

My Bf is a Gf (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon