"Break nalang tayo!" Sigaw ko ni Tryke, boyfriend ko...ay este, ex boyfriend pala.
"Mabuti na lang yan! Kesa magloloko ka pa sa akin!!" Ako.
Hindi ako makahinga sa sakit na binigay niya sa akin. Lolokohin ka lang pala ng taong akala mong tatanggapin ka niya buong puso.
Nagmamakawa pa si Tryke sa akin na huwag daw akong bumitaw sa relasyong to. Hindi ba siya nabwebwesit sa sarili niya?! Anong akala niya, mamahalin ko siya at lolokohin na naman niya ako?! Well, yes, nerd ako, pero my brains din ako no! Bahala na kung masakit, basta hindi na ako babalik sa kanya.Umuwi nalang ako sa bahay kesa aatakehin pa ako dun sa bahay ng bwesit na ex ko. Pasalamat siya, may sakit ako sa puso, di ko kayang patayin siya.
Naligo nalang ako para mabawasan ang galit ko. Salamat nga, effective. Pero hindi nawawala ang kaka-miss ko sa kanya. Sakit dito. Ang sakit talaga sa dibdib.
"Anak, bakit? Anong nangyari sayo? Sinaktan ka ba ni Tryke?" Tanong ni mama.
"Ma, tama ka. Hindi ko dapat siya minahal ng sobra. Yun tuloy, ako na ang nasasaktan." Ako.
"Bakit anak? Anong ginawa sayo ni Tryke?" Mama. Sweet talaga ng boses ng mader dear ko. Makaka-iyak naman tayo ng sobra nito.
"Nakita kong naghalikan sila ng babae. Nag walk-out ako pero nahabol niya ako. Sabi niya pinsan lang daw niya. Ma, may magpinsan ba na ganun ang pagtrato sa isa't isa?" Sabi ko. Meron kaya? Baliw ko. Minsan may brains, pero minsan din naman wala!
"Ano ka ba anak. Walang wala. Bastos naman yan pag maghalikan ang magpinsan. Bakit, ganun din ba kayo ng kuya Ryan mo? Diba hindi. Sila lang ni ate Sweet mo ang maghalikan kasi mag-jowa sila" paliwanag ni mama. Aba, sinali rin yung pinsan ko? Haha, mama talaga.
~~~~~
Nakatulog nalang ako. Napanaginipan ko si Tryke. Pinatay ko raw siya pati yung babae. Kilala ko raw yung babae na kasama niya. Magkai.....
*kriiiing!!!*
"Aaahhh! Bwesit naman tong alarm ko! Walang pasok po. Isi-net ko na to kagabi, ah. Walang hiya" kinausap ko sarili ko.
Naligo muna ako. Pagkatapos, kinuha ko yung black na skirt ko at blouse. Pinarisan ko nalang ng blaser. Pupunta sana ako ng mall. Baka sakaling mawala ko yung memories ko kay Tryke.
-sumakay ng jeep-
Buti nalang, naka-abot na din ako dito sa mall. Pumasok ako. Shit! Ang rami naman nitong couples! Teka, valentines pala ngayon. Psssh. Mag-dadate na nga lang sa sarili.
Sa loob, gininaw talaga ako. Hindi ko kasi naranasan na papasok sa mall mag-isa. Noon, kasama ko yung ka-barkada ko. Maingay kami kaya hindi ko ma-feel na gininaw na pala ako.
~~~~~
Pumasok ako sa isang dress department ng men at women. Ganda naman nito. Silipin na nga lang ang price. Wooahh! 2,000 agad?! Ito ba yung pinakamura?! Putcha naman! Hindi ako nakahingi kay mama ng pera.
"Excuse me, miss? How can I help you find your dress?" Sabi ng sales lady.
"2,000 ba ang pinakamura na price??" Ako. "Yes, po. Ito kasi yung pinkamahal na department sa loob ng mall nato" sales lady.
Nag-pretend nalang ako na masaya ako kasi 2,000 ang price. Tumingin pa nga ako sa mga shoes at sinuot ito. Pero pagkatapos, lumabas nalang ako. Naglakad nalang ako ng lakad. Hanggang sa may nakabangga sa akin.
"Aray! Eyeglasses ko!" Nahulog yung salamin ko. Ano ba tong taong to. Wala ba tong mga mata?
"Miss sorry talaga. Hindi ko sinadya. Okay ka lang ba" wow, magaling. Gwapo at hindi masungit. Hahaha, very good!
"Salamin ko. Basag na basag na basag na basag na basa-" ako. "Gets ko. Babayaran nalang kita. Halika." Hinila niya yung kamay ko para sumama sa kanya patungo ng eyeglasses shop.
Pinapili niya ako kung anong gusto ko. Pinili ko nalang yung mura, yung malaki na parang circle. Cute kasi.
~~~~~
Umuwi na ako ng bahay. Nakalimutan kong tanungin yung lalaki kung anong pangalan niya. Bahala nalang, ngayon lang naman kami magkikita, eh. Ngayon lang.
Hi readers! Thanks for reading!! Please drop me some votes and comments if you like. Sana masaya kayo sa part nato. Salamat uli kapamilya!! ;) (;