Chapter Two

125 6 1
                                    

   "Mina?" May narinig akong tumawag sa akin. Minarine Sheila Crusit pala pangalan ko. 

         "Sino yan?" Tiningnan ko yung bintana. Busy kasi ako para bukas. May pupuntahan daw kami sa campus. Ewan ko.

        "Mina, kuya Ryan mo to. Buksan mo naman tong gate. Ikaw talagang bata ka" si kuya Ryan pala yun. Ekk!

Binuksan ko yung gate at pinapasok ko si kuya. Nagmano din ako sa kanya. Kasama nga pala niya si ate Sweet.

      "Kuya, napadaan po kayo? Ano ho yung gusto niyo? Juice, tubig?" Ako.

"Huwag na hija. Okay lang kami ng kuya mo. May sasabihin lang kami sayo" sabi ni ate Sweet.

       "Tungkol saan po?" Ako. "Tungkol sa pag-kokolehiyo mo Mina. Kasi, favor to ng papa mo. Uncle ko naman siya, pinagbigyan ko nalang. Ngayon ay magsta-start na yung pagiging college mo next next week. Excited talaga ang papa mo. Doon ka raw mag-aaral sa UST. Pero, kung gusto mo" sabi ni kuya Ryan.

    "Talaga po????? Syempre naman!! Gustong gusto ko yan!! Archi naman talaga yung kukunin ko kuya. Woooaaahhh!" Sumigaw talaga ako sa kaka-excited ko. Niyakap kong mahigpit si kuya Ryan. Hindi ko inakalang ganun ang plano nila papa. Swerte ko talaga kasi mabait yung papa ko. Sana, makapiling ko na siya ngayon. Nasa barko kasi siya, eh. Hirap abutin, huhu.

~~~~~~

*weeks passed*

     "Ma, ang laki pala dito no. Bakit po na-isipan yun ni papa?" Tanong ko kay mama. Hindi ko mapigilan yung pagiging curiousity ko.

    "Nag-iisa ka lang kasi naming anak. Mabait ka rin. Hindi mo sinuway ang mga utos namin sayo. Sabi ng papa mo, dito ka na daw mag-aaral para makabawi kami sayo" paliwanag sa akin ni mama.

           "Ma, mahal ko kayo ni papa. Salamat po sa pagmahal din sa akin. Kung wala kayo, hindi sana ako makapag-aral sa ganitong paaralan. Pagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko ma" naka-iyak tuloy ako. Ang OA ko naman.

Tiningnan namin yung building ng archi. Parang mawawala na yata ako dito. Confusing kasi ang map. Dapat talagang magdala ako ng map, kesa pagurin ko yung sarili ko kakahanap sa room ko. Sana nga, may kakilala na ako dito sa UST at magkaparehas kami ng course, para naman sabay naming hahanapin yung room namin. Haaay!

   Pumunta muna si mama sa canteen para bumili ng pagkain. Ako naman, tiningnan ko muna yung building. Namasyal nalang ako mag-isa. May mga students din naman dito.
   Pumunta ako sa playground. Wala namang tao dun. I think I need to be alone for awhile. Namiss ko na naman si Tryke. Before kasi, everytime na lonely ako, he comforts me. He says good things to me, pero I get doubtful kung totoo ba yung mga sinasabi niya sa akin before, or it's just part of the lie para hindi ko mahalata na nangloloko pala siya sa akin.

   After while, may lalaking umupo katabi ko sa swing.

   "Bakit ka lonely? I thought I just paid you?" Sabi ng lalaki. Tiningnan ko siya. Wait, siya yung lalaking nakabangga sa akin sa mall before.

       "Ikaw?? B-bakit ka nandito?" Tanong ko. Ekk!

  "Masama bang mag-aral dito?" Pilosopo nito, ah.

       "Oo nga pala, Davien. Sorry kung hindi ko nasabi yung pangalan ko last time we met. Nagmadali kasi ako nun" Davien. Really nice name.

     "Okay" ako. What a plain answer.

      "What's your name?" Tanong niya.

       "Minarine. Pero, Mina nalang" ako. Tumawa lang siya. Freak!

     "What's so funny?" Ako.

     "Nothing. Kasi... ngayon lang ako nakakita ng magandang babaeng nakasuot ng eyeglasses tas ang bait bait" shit! Nag blush ako.

Tumayo nalang ako at pumunta ng canteen. Buti nandun pa si mama. Nagmadali akong lumakad patungo sa kanya.

    "Uwi na tayo ma" ako.

~~~~~~

Sa bahay, nag open ako ng facebook ko. Sinearch ko yung pangalang Davien.

Until......

Oh my gosh!!!

Hmmm, ano kayang meron well, let's see in the next chapter.

Thanks for reading wattpad users!! Drop me some votes and comments if you like!! :* *:

Complicated NerdWhere stories live. Discover now