༻✦༺ ༻✦༺
Madilim ang mukha ni Nikkos. Nagtitimpi ng galit. Sa isip niya ay pinaplano na niya ang lahat ng sasabihin niya kay Zafiyah.
That woman just left him yesterday the moment he fell asleep! Matapos may mangyari sakanila, nakatulog siya at nagising mag-isa. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang kahungkagang naramdaman niya. Tila may malaking parte niya ang nawala at nagdulot iyon ng malaking butas sa kailaliman ng kaniyang dibdib. Natulala siya no'n, nasapo ang mukha at mariin na napapikit.
Zafiyah left.
She left without telling him where she would go.
Ni hindi man lang nag-abalang magpaalam.
Wala man lang iniwang note.
She left just like that.
Seriously, ano ba ang tingin sakaniya ni Zafiyah?
Matapos nitong makuha ang dalawang milyon, matapos nitong magpakasasa sa katawan niya, matapos umungol ng umungol, bigla na lang itong aalis?
Aba, masyado naman yata 'tong sinusuwerte.
Mainit ang ulo na bumangon siya sa kama at dumiretso sa banyo. Sinagad niya sa pinaka malamig na tubig ang shower upang mahimasmasan pero useless. Kunot na kunot ang noo niya habang mabilis na nagbibihis. Matapos maayos ang sarili ay pabalya niyang sinara ang main door ng penthouse niya.
Mabilis siyang nakarating sa unit na tinitirhan ni Zafiyah ngunit walang nagbubukas sakaniya. He stayed there for goddamn three hours. Oo, mukha siyang tanga na tatlong oras tumambay sa harap ng unit nito. Nang marealized ang katangahan, bumaba siya at nagtanong sa receptionist. Umuwi raw saglit do'n ang dalaga ngunit umalis rin at hindi pa bumabalik.
Tutal nagpakatanga na siya ng araw na 'yon, sinagad na niya. Nag-antay siya sa mismong lobby hanggang gabi. Inaantok na ang mga mata niya pero pilit niya 'yon na dinidilat at pinapalaki. Clock struck midnight and he couldn't stay awake any longer. Buti nga at nakauwi pa siya sa penthouse.
Morning came, first thing in the morning pa lang, umandar na naman ang pagiging stupid niya. Alas sais ng umaga at naroon na siya ulit sa unit ni Zafiyah. He should be at work. May tatlo siyang importanteng meetings pero tinawagan niya si Vaughn—ang secretary niya, upang kanselahin ang mga nasabing meetings.
Isang morena, matangkad at magandang babae ang nagbukas sakaniya ng pinto. Tinaasan siya nito ng kilay. "I don't know you, so, malamang hindi ako ang sadya mo rito. If you are looking for Sachi, she's in their house. If you are looking for Zafiyah, well, I have no idea where she is."
He curtly nodded. "Can I ask for Zafiyah's number instead?" May numero siya ng dalaga pero ano bang malay niya kung may iba pa itong number na ginagamit.
The woman eyed him. "Mabango ka. Hindi ka amoy sindikato." She came closer and inhaled his scent in the air. "What's this? Maison? Armani? Tom Ford? No." Umiling ito at muling umamoy sa hangin. "Penhaligon. Your perfume is Penhaligon. Damn, boy, mga guwapo lang ang may karapatan sa ganiyang pabango."
What the hell?
"Medyo guwapo ka naman kaya puwede na rin. Wait here."
![](https://img.wattpad.com/cover/265010710-288-k13029.jpg)
BINABASA MO ANG
DAUNTLESS SERIES: II (BAD AND MESSY)
Teen FictionNicholai Shawn Aboitiz had been struggling, resisting the temptation named Zafiyah Love Fuentes-an exotic dancer from a famous strip club in the Metro. She was one hell of a woman. Blonde, devastatingly beautiful, a living wet dream, and incredibly...