༻✦༺ ༻✦༺
Gustong tumili ni Zafiyah. She closed her eyes and took a deep breath. Sa tuwing pumapasok sa isip niya ang nangyari sakanila ni Nikkos ay parang gusto niyang maligo ng holy water. Isang halik lang, bumigay na siya agad. Saan na napunta ang sinasabi niyang hindi niya papatulan si Nikkos?
Girl, may tinatago ka palang kalandian.
Tuluyan siyang tumili at inis na sinabunutan ang sarili. My god, she couldn't move on.
Nagmukha siyang easy to get.
Ano na lang ang iniisip ngayon ni Nikkos sakaniya? Na puro lang pala siya arte. Magaling lang sa salita pero sablay sa gawa.
Bakit kasi ang sarap humalik ng lokong 'yon? Napaka perfect na nga ng buhay, napaka perfect rin ng hitsura. Pati ba dapat pag halik, perfect rin? Aba, masyado naman yatang malakas si Nikkos kay Lord. She knew that the Almighty had His favorites pero sobra naman yata nitong paborito ang binata. Super mega bless. Noong umulan ng pagpapala, buong araw sigurong nag abang ang gago.
Pero teka, talent na ba ngayon ang pagiging good kisser? Kasi for sure, 'yon ang magiging pinaka talent ni Nikkos. Ang suwerte ng girlfriend nito.
Punyeta ka, Zafiyah. Dancer ka lang. Hindi ka mang-aagaw. Get your shit together.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Sinuklay niya ang mga daliri sa mahaba at bagsak niyang buhok.
Think, think, Zafi girl.
Pinanindigan naman niya ang pagtanggi niya kay Nikkos 'di ba?
He said he wanted her and she rejected him.
Yes, she never had a boyfriend. Hundred percent siyang virgin pero nakakaramdam naman siya ng init ng katawan. Hello? Babae siya. Hindi niya idedeny na may needs siya. Sadyang inaral niya kung paano niya mape-pleasure ang sarili niya. And so far, she was satisfied with what she was doing whenever she felt hot and sexy.
And Nikkos had a girlfriend. He had been taken for God knows how long. Isa sa nabalitaan niya ay childhood sweetheart nito si Sofia Ysabel Gomez. Nagmula rin sa angkan ng mayayaman. Sopistikada. Elegante. Magandang-maganda. She was the woman behind the famous One Home Foundation. Heredera at kahit nag-aaral pa ay kasalukuyan na itong acting president ng Gomez Global Logistics. Perfect match ang dalawa.
Mapakla siyang ngumiti.
Hindi niya ma-gets kung bakit patuloy siyang ginugulo ni Nikkos. Hindi ba 'to kuntento sa girlfriend nito?
O, baka naman gusto lang talaga siyang matikman ni Nikkos?
Tough luck. She smirked to herself.
She worked in a strip club but she was never a stripper. Sumasayaw lang siya. Kakapiranggot ang suot, oo pero at least hindi pa rin hubo't hubad. Hindi niya pinapabango ang trabaho niya sa The Cage pero nasa mas maayos pa siyang level kompara sa ibang mga kasama niya ro'n.
Dancer ka pa rin, gaga.
So what? She didn't give a fuck if her friends would learn about it. She didn't give a fuck if they would judge her. She didn't owe an explanation to anyone. She gotta do what she gotta do to survive. Sa mundong kinabibilangan niya, hindi siya uubrang mabuhay kung hindi niya lulunukin ang pride niya. Hindi niya maaabot ang mga pangarap niya kung hindi niya huhubarin ang isang bahagi ng pagkatao niya. One way or another, kaylangan niya talagang magsakripisyo.
Her early orphanage shaped her character as an adult. Minulat siya sa kahirapan ng buhay. Hindi siya papayag na tatanda siyang mahirap. Aangat siya. Sisiguraduhin niya 'yon. At sisiguraduhin niyang mag-isa niyang iaangat ang sarili niya. Wala siyang kakapitang ibang tao. Mahirap magkaroon ng utang na loob. Malaking bagay 'yon para sakaniya dahil hindi 'yon nababayaran ng kahit ano. It was a heavy burden to carry.
BINABASA MO ANG
DAUNTLESS SERIES: II (BAD AND MESSY)
Novela JuvenilNicholai Shawn Aboitiz had been struggling, resisting the temptation named Zafiyah Love Fuentes-an exotic dancer from a famous strip club in the Metro. She was one hell of a woman. Blonde, devastatingly beautiful, a living wet dream, and incredibly...