Chapter 3

15 1 0
                                    

Sky POV

Tignan mo yong babaeng to basta basta nalang umalis. Tss. Pasalamat sya nasalo ko sya kung hindi Naku-naku talaga, pabalik na sana ako sa motor ko dahil may idedeliver pa ako pero napansin kong may wallet sa lapag kaya kinuha ko agad yun, pagbukas ko nakita ko yung picture ng babae na may kasamang lalaki

Nakangiti sila halatang masaya talaga. Nakita ko rin yung lisensya nya at tinignan yung name at address para masauli ko bukas. "Alexis Aphrodite Lorenzo Huh?" Ang haba naman ng pangalan ng babaeng yun. Ang sungit pa siguro may buwanang dalaw yun. Tss. Pagsakay ko ng motor pinaharurot ko yun dahil malapit na akong malate, dahil ang sabe ko makakarating na ako sa pag dedeliveran ko in 30 mins pero 15 mins nalang natira sa oras ko ng dahil dun sa babaeng yun. Pero may humarang na naman na kotse sa daan ko lintek naman oh! Late na ako eh! at may bumabang lalaki atsaka ako nilapitan, nagulat ako ng bigla nyang kinatok yung helmet ko, tinanggal ko iyon at tinignan sya ng patanong "ingatan mo sya" maikling sabi nya sabay balik sa kotse, hmm? Adik bayon? Pero sya yung lalaking kasama ni Alexis sa Picture ah? Sino bayun? Aishh, hayaan mo na Kai adik lang yon, pero sino daw yung iingatan ko? Hayss, ang drugs talaga iba na ang nagagawa sa tao Tss.

Dite POV

Nagising ako sa isang Doorbell. Yup doorbell nandito kasi ako sa Condo ko. Hays I did'nt expect any visitors. Sino kaya to "beep" doorbell ulet "oo nandyan na!" Sigaw ko,

Pagbukas ko ng pinto nakita ko yung lalaki kahapon, oo ung nasa parking lot ung delivery boy na nakahelmet yung sumalo sa akin, anong dahilan at nandito yan? "Hi Alexis!" Masayang bati nya na ikinagulat at ikinainis ko! Nagulat ako dahil bakit alam nya yung pangalan ko, at nainis ako dahil Alexis yung tawag nya sa akin "paano mo nalaman pangalan ko?!" Takang tanong ko "eto naman, kanina pa ako doorbell ng doorbell dito, masakit na paa ko hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong nya habang nag popout pa Tss. Akala mo Cute eh. "Okayy. Fine come in".

I Hate Love,Tss.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon