~¤Capítulo uno¤~

44 3 0
                                    


AmordeLuna POV

Napakagandang tanawin,
mga puno'y sumasayaw sa ihip ng hangin,
mga ibon'y lumilipad sa langit nang may kalayaan
mga tao'y naglalakbay kasama ng kanilang mga mahal sa buhay
at hindi rin mawawala ang kanilang mga ngiti

bakit hindi na lang ako katulad nang puno? na nagpapahinga at naeengganyo sa masarap ng ihip ng hangin at tumingin sa kalikasang ginawa ng Diyos
Bakit hindi na lang din ako katulad nang ibon? na lumilipad sa taas at ang kanilang paglalakbay ay may
kalayaan
Bakit hindi na lang din ako katulad nang ibang tao?
na kasama lagi ang kanilang mga mahal sa buhay at
ang buhay nila'y simple,
walang taong nangingialam sa kanila at masaya kahit hindi kalaki ang kanilang kayamanan.

Nabigla ako nang tinawag ako ng Guro

"AmordeLuna,explain to me what i have taught today" utos niya na may pataas ng kilay

Dahil sa napakalalim ng aking iniisip ay hindi ko alam ang mga itinuturo ng Guro

"I apologize, Professor but I don't know the answer" sagot ko

"Well, Ms. Realeza. Please listen carefully next time. We're here to learn and listen, This is not the time to Daydreaming about something" sermon ng Guro,

Pagkatapos iyon ay tumuloy siya sa kaniyang pagtuturo.


~■Avance Rápido■~

Natapos na rin ang klase at kaming lahat ay nagsipaguwian na.

Habang ang iba ay hinihintay ang kanilang mga kaibigan sa ibang klase ngunit hinihintay ko si Tito Carlos para ihatid ako pauwi .



Makalipas ng ilang minuto sa
paghihintay ay dumating na rin siya, ibinukas na nang pinto ng kasama ni Tito Carlos at dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse.

Nang ako'y pumasok sa loob ng sasakyan, huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili ngunit bigla kong naisip na ano na naman kaya ang mangyayari paguwi ko.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at umidlip.

Nang makarating kami sa bahay na sana'y hindi na ako muling bumalik pa rito ay agad akong lumabas ng sasakyan at dumeretso sa harap ng bahay.

Bago ko buksan ang pinto ay inayos ko muna ang sarili ko upang hindi mabigyan muli ng sermon ng aking ina. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong binati ng mga katulong sa bahay

"Bienvenida a casa señora Amordeluna" bati sa akin

Saglit na nginitian ko sila at patuloy ako sa pagakyat ng hagdan nang may konting pagdabog at reklamo

"Señora AmordelunaPabulong na sabi ko

Nang papasok sana ako ng kwarto ay napahinto ako nang bigla akong tawagin ng aking Ina

"Hola cariño~"
tawag niya na may pagkalambing sa kaniyang boses na hindi naman talaga

Lumingon ako at binati siya ng walang emosyon

~¤AKING ESPEJO¤~Where stories live. Discover now