Migz POV:
"Tama na. Ayoko na." Sabi sa akin ni Ellaine na may malungkot na boses.
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Para akong rebultong naninigas sa kinalalagyan ko ngayon.
Nandito kami sa park kung saan kami unang nagkakilala. Mukhang dito na din sa park na ito mag tatapos ang relasyon namin."Seryoso ka? Ano gano'n na lang? Pagkatapos nang lahat itatapon mo na lang ang lahat ng mga memories natin?" Sagot ko sa kanya.
"Hindi ko na kasi talaga kaya Migz. Nahihirapan na ako. Sobrang pinaghihigpitan na ako sa bahay nila Tita. I'm so sorry Migz pero hanggang dito na lang. Goodbye." pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Ellaine ay tumayo na siya sa bench na amin inuupuan dito sa park. Pagkatapos ay nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan ng bus.
Tumayo ako sa bench at hinabol siya. Nang naabutan ko na siya ay bigla kong hinila ang kanyang kamay.
"Let me go Migz!" aniya sa akin na may mataas na boses.
"No, I won't let you go Ellaine. Nakalimutan mo na ba ang pangako natin sa isa't isa? Walang susuko. Walang bibitaw? There will be no end or even epilogue to our love story." Sabi ko sa kanya na medyo naluluha na ang mga mata ko.
Lumapit siya sa akin bigla. Niyakap niya ako at hinalikan sa kaliwang pisngi. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita.
"I'm sorry Migz." pagkatapos niya sabihin iyon ay bigla na lang niya ako itinulak papalayo sa kanya at tumakbo na siya nang mabilis.
Hindi ko na hinabol pa si Ellaine. Napatanga na lamang ako sa aking kinatatayuan. Hanggang sa naramdaman kong may tumutulo na pa lang luha sa aking kanang mata.
Tutol kasi ang pamilya ni Ellaine sa relasyon namin. Sa totoo lang bawal talaga makipag boyfriend si Ellaine sinabihan kasi siya ng parents niya na study first before relationship. Until one day nakita kami pareho ng tita ni Ellaine sa park na magkasama at magka-holding hands. Isinumbong kami ng tita ni Ellaine sa mga magulang niya na nasa ibang bansa. At ayun gusto na kami paghiwalayin.
Niyaya ko siya na makipag tanan na sa akin pero ayaw niya. Naduduwag siya. Siguro kasi wala din siyang tiwala sa akin. Minamaliit niya ang kakayahan ko na buhayin siya. Nakakainis lang kasi kung kailan okay na ang lahat. Napapayag ko na ang parents ko na tumira siya sa bahay namin siya naman ang umaayaw ngayon. Hindi ko na din talaga siya maintindihan.
Ayaw niya din siguro makaranas ng hirap sa buhay. Lumaki kasi siya sa marangyang buhay. Ako naman lumaki lamang sa middle class na uri ng pamilya. Hindi man ako mayaman na kagaya niya, pinangako ko naman sa kanya na pipilitin kong ibigay ang lahat ng gusto niya sa maabot ng makakaya ko. Pero wala eh. Siya mismo sumuko na talaga sa relasyon namin. Ang dali niya bitawan ang lahat sa amin. Akala ko mahal niya talaga ako. Nagkakamali lang pala ako.
Ang sakit lang isipin na all this time akala ko pareho kami na lumalaban para sa relasyon namin, yun pala ako lang talaga ang lumalaban na mag isa. Para akong tanga na lumalaban at umaasa sa wala.
Putang inang pagmamahal iyan! Hinayaan kong umikot ang buong buhay ko sa isang taong hindi naman ako kayang ipaglaban hanggang sa huli. Ang sakit-sakit. Sana pinatay mo na lang ako Ellaine kaysa yung ganitong iiwanan mo lang din ako.
***
Pag uwi ko ng bahay ay naabutan ko sila mom at dad na nanonood ng telebisyon sa may salas."Migz nandiyan ka na pala. Kumaen ka muna ng hapunan." Sabi ni dad pero hindi ko siya pinansin. Wala akong gana makipag usap kahit kanino sa mga oras na ito. Ang tanging gusto ko lang ay mapag isa sa aking kuwarto. Kaya pagkatapos ay dirediretso lang ako sa aking kuwarto sa pangalawang palapag.
Pagpasok ko sa kuwarto nakita ko agad ang isang picture frame na nakapatong sa isang lamesitas na may larawan namin ni Ellaine.
Lumapit agad ako sa lamesitas at itinaob ang picture frame. Ayoko ng makita pa ang larawan na magkasama kami ni Ellaine. Nadudurog lang ang puso ko.
Binuksan ko ang cassette player sa aking kuwarto. Naghanap ako ng tape na puwedeng patugtugin. Hanggang sa may nakita akong isang tape na kulay pula.
"Gloomy Sunday?" basa ko sa nakasulat na title song do'n sa tape. Parang ngayon ko lang nakita ang tape na ito. Hanggang sa naisipan ko ng isalang ang tape sa cassette player.
" Sunday is gloomy,
My hours are slumberless.
Dearest, the shadows
I live with are numberless..."Habang pinapakinggan ang kanta ay naisipan ko muna maupo sa isang silya sa aking kuwarto.
Naiiyak na naman ulit ako. Ang sakit kasi talaga ng hiwalayan namin ni Ellaine. Ang hirap tanggapin. Parang ayoko na din tuloy mabuhay pa. Sana mamatay na lang ako.
" Little white flowers
Will never awaken you.
Not where the black coach
Of sorrow has taken you..."Nang biglang napabalikwas ako. Parang may narinig kasi akong boses na bumulong sa aking kanang tainga.
Napatayo na ako sa silya. Hanggang sa parang may malamig na hangin na dumampi sa batok ko."Migz... Migz... Tapusin mo na ang buhay mo. Mas masarap ang mamatay. Walang lungkot. Walang kasawian. Tanging katahimikan lamang ng kalooban ang iyong malalasap..." Muli ko na naman ulit narinig ang misteryosong boses. Parang dinidiktihan ako nito sa isang bagay na hindi ako sigurado kung dapat bang gawin. Pero parang may punto din ang boses na bumulong sa akin. Kung magpapakamatay ako matatapos na din ang kalungkutan na sumasaklob sa buong buhay ko ngayon.
Ang weirdo ng pakiramdam ko ngayon. Parang lumulutang ang diwa ko sa ere. Nang bigla akong napatingin sa bintana ng aking kuwarto na nakabukas.
Lumapit ako sa bintana. Pinagmasdan ko ang labas. Medyo nalula ako sa ibaba kung kaya ay napaatras ako bigla. Nasa third floor nga pala ng bahay ang aking kuwarto.
Dahan-dahan na lumapit muli ako sa nakabukas na bintana. Nang nasa tapat na muli ako ng bintana ay huminga ako nang malalim habang nakapikit ang aking dalawang mata.
Hindi ko pa din iminumulat ang aking mga mata. Naririnig ko naman na patuloy pa din ang cassette player na tumutunog.
" Gloomy is Sunday,
With shadows I spend it all.
My heart and I, have
Decided to end it all...."Marahan na tumuntong ako sa gilid ng bintana habang nakapikit pa din ang aking mga mata. Ayoko nang imulat pa ang mga mata ko. Mas mabuti ng ganito. Tanging mga tunog na lamang sa aking paligid ang naririnig ko. Tutal parang nabulag na din ako nang iwan ako ni Ellaine. Dumilim na bigla ang lahat sa aking buhay.
Ayoko nang patagalin pa kung kaya ay tumalon na ako sa bintana ng aking kuwarto. Dama ko ang malamig na hangin habang papalapit na ako sa baba na aking babagsakan.
Nararamdaman ko ng malapit na. Babagsak na ako sa lupa.
Paalam Ellaine...
Mahal na mahal kita...
BINABASA MO ANG
Gloomy Sunday (Short Story Completed)
HorrorBASED ON TRUE STORY: Gloomy Sunday is an urban legend about an old song written by Hungarian composer, Rezso Seress. They say that many people have committed suicide after listening to this song and it is often called "The Hungarian Suicide Song". A...