Story #2 The Suicide Story of Michael Joe

2.7K 114 25
                                    

July 2, 1933 a famous writer found dead inside his own bedroom...

"Please don't break up with me Lily." Nagmamakaawang sabi ni Michael Joe sa three years girlfriend na niyang si Lily.

"I'm so sorry Michael pero kahit saan anggulo pa natin tingnan, ang relasyon natin ay hindi na nag w-worked out. Don't fool yourself. I know you feel the same way. Just like what I am feeling at this very moment while talking with you." Nagagalit na saad ni Lily kay Michael Joe.

"No! You're not breaking up with me Lily!" Biglang hinawakan nang mahigpit ni Michael Joe si Lily sa balikat sabay yakap dito.

"No... no... no... Lily!" Protesta pa lalo ni Michael Joe sa kanyang girlfriend. Pilit naman na nagpupumiglas sa mahigpit na yakap ni Michael Joe si Lily.

"Let me go... let me go Michael Joe!" Nang puwersahang itinulak palayo ni Lily si Michael Joe sa kanya. Natumba naman si Michael Joe sa sahig ng restaurant kung nasaan sila ngayon ng girlfriend. Lahat ng mga customer sa restaurant ay pinagtitinginan silang magkasintahan.

"Please don't break up with me Lily!" Sigaw ni Michael Joe sa kay Lily. Ngunit tumakbo na palabas si Lily ng restaurant. Habang si Michael Joe naman ay dahan-dahan na tumayo sa sahig na tinumbahan niya kanina.

Napansin ni Michael Joe na pinagtitinginan siya ng mga customers at ibang staffs nitong restaurant.

"O, ano pang tinitingin-tingin ninyo? Tapos na ang palabas!" Maangas na sabi ni Michael Joe sa lahat ng mga tao sa loob ng restuarant na nakatingin pa din sa kanya. May iba pang nagbubulungan. Pagkatapos n'on ay lumabas na din si Michael Joe sa restaurant.

Sumakay na siya sa kanyang kotse at pinaandar ito. Hindi niya alam kung anong landas ang tatahakin habang nagmamaneho sa kahabaan ngayon ng isang kalsada. .

Maya-maya pa ay inihinto na ni Michael Joe ang kanyang pagmamaneho. Ipinarada niya muna ang kanyang kotse sa tapat ng isang resto bar. Naisipan niyang bumaba muna ng kotse at pumasok sa loob ng resto bar.

Pagpasok niya sa loob ng resto bar ay bumungad agad sa kanya ang isang banda na kumakanta ng isang romantic song. Bigla siyang nakaramdam ng pagkaaburido.

"Leche, nakakasuka ang kinakanta ng banda na iyan. Wala na ba silang ibang alam na kantahin sa loob ng bar na ito kung hindi love song tss?" Maangas na sabi ni Michael Joe sa kanyang sarili.

Umupo na siya sa isang bakanteng lamesa. Maya-maya pa ay may lumapit na din sa kanyang isang waiter.

"Good evening sir. Ano pong order ninyo?" Tanong ng waiter kay Michael Joe.

"Isang bucket ng beer." Sagot ni Michael Joe.

"Yun lang po?" Hindi na sumagot si Michael Joe. Tumango na lamang siya sa waiter.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na din ang order ni Michael Joe na isang bucket ng beer.

Naglasing si Michael Joe nang gabing iyon. Naubos niya ang isang bucket ng beer na inorder niya kanina. Hindi pa nga siya nakuntento at umorder pa ulit ng isa.

***
"O, guys maraming salamat sa pakikinig sa aming banda dito sa Haven Resto Bar. Pero siyempre bago kami tuluyan magpaalam sa inyong lahat kakanta pa kami ulit ng isang song request. Sino po sa inyo ang may song request? Lapit lang po kayo sa stage." Anunsyo ng band vocalist sa mga customer dito sa resto bar.

Hanggang sa may tumayong isang lalaki sa lamesa. Si Michael Joe. Lumapit ito sa stage.

"Sir, may song request ba kayo?" Tanong nang band vocalist kay Michael Joe. Bumulong si Michael Joe sa tainga ng lead vocalist. Pagkatapos ay bumalik na sa lamesa si Michael Joe.

Gloomy Sunday (Short Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon