SIMULA

20 4 0
                                    

YEAR: 2023

Yvo's POV

"Ang gwapo naman" ani ng gwapong lalaking nasa harapan ko. He smiled at me.

Nag papa cute ito na akala mo ay bata "Mas bagay pala sa'yo ang semi-kalbo. Lalo kang pumogi" aniya sa boses batang tono. Ang cute. Ngumiti ako sakaniya at tumango.

He continued shaving my head. Naka tingin lamang ako sakaniya habang blanko at walang pumapasok sa utak ko. Huminto siya nang mapansin ang titig ko sakan'ya "Why? What's wrong?" he said. Bakas sa mga mata niya ang pag aalala nang makita ang namumugtong luha sa mga mata ko.

This man infront of me is my pahinga/my tahanan/my tinatangi/my boyfriend and I am suffering from benign brain tumor. Bukas na ang gagawing craniotomy operation ko para sa pag tanggal ng tumor sa aking utak. Hiniling ko talaga na siya ang mag gupit ng buhok ko dahil sanay akong mga daliri lamang niya ang pumapasada sa bawat hibla ng buhok ko at humihimas dito.

Muli siyang nag pakita ng matatamis niyang mga ngiti. Alam niyang iyon ang lakas ko. Alam niyang iyon ang bagay na nakakapag pagaan ng nararamdaman ko. Sa mga ngiting iyon ang nag sisilbeng lakas ko. Ang mga ngiting yon ang pinaka matibay kong sandalan. Sa mga ngiti niya.

Siya ang lakas at kahinaan ko. Siya ang pahinga at kasiyahan ko sa nakaka pagod na mundong ito.

He is always there for me ever since I met him. Simula nung nakilala ko siya ay hindi na niya ako iniwan mag isa. Sa lahat ng saya, lungkot, takot at sakit na pinag daanan ko ay palagi siyang nariyan. Hindi niya pinaramdam saakin na wala akong karamay. Hindi niya pinaramdam saakin na ako lamang ang mag-isa. Together, we faced countless wars. Simula sa family and society acceptance, sa misunderstandings, at kahit sa panahong na diagnose ako ng benign brain tumor. He never left. He stood by my side as if it is us against all odds. Some other people may think of me as a bare minimum enjoyer for his gestures and acts of service. But for me those sweet gestures are a priceless treasure na hindi ko makikita sa iba.

THIS PERSON LOVES ME SO MUCH AND HE MADE SURE THAT I WOULD FEEL, FEELING AND FOREVER FELT THAT.

He made a promise to me "Para saakin ay asawa na kita at kung ang gumising sa araw-araw na kasmaa ka ay ang pinaka malaking regalo, ano pa kaya ang makasama kang tumanda?" hindi kami kinakasal nung binanggit niya iyan pero kung makapag salita siya ay tila nag bibitaw siya ng kaniyang wedding vows. And he meant it and indeed fulfilling it.

Habang patuloy siya sa kaniyang giagawa ay napatingin ako sa drawing na ginawa niya para saakin na naka dikit sa salamin banyo. Naalala ko ang panahon na una kaming nag kita. Bakas sa mga mata niya nuon kung gaano siya kasaya, at natutuwa akong nakikita ko pa rin ito sa mga mata niya hangang ngayon hindi nag bago simula pa noon.

Naalala ko kung paano kaming mag asaran dalawa. We were both childish kapag kasama namin ang isa't isa. Sobrang saya ko kapag nakikita kong na pipikon ko s'ya sa pang aasar ko sakaniya. Naalala ko kung paano kumunot ang kaniyang mukha kapag naiinis s'ya. He is so cute. Kaso ang lahat ng iyon ay hindi na namin nagagawa ngayon. Inuubos ko ang buong araw nang nakahiga sa higaan ko at nag papagaling. Siya naman ay nag tatrabaho sa umaga at aasikasuhin ako sa gabi. I miss those times. I miss how we bond. I miss our pares sa kanto dates. I miss it all.

"Ayos na. Bagay na bagay. Sobrang gwapo talaga ng mister ko" Nakangiting aniya. Matapos nito ay marahan niyang inilapag ang shaver sa ibabaw ng counter. Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang aking dalawang mga kamay. Inilapat niya ang mga ito sa kaniyang pisngi. Muli niyang ipinakita ang paboritong kong mga ngiti mula sakan'ya. He wiped all my tears away but that didn't stop me from crying. No words came out, it's just him and his sweet actions and his pure love that makes me cry even more. Pumikit siya at hinalikan ang mga kamay ko.

Muli siyang tumayo at muling kinuha ang ginamit niyang electric shaver "oh? akala ko ba ay tapos na---" napatigil ako nang bigla niyang idampi ang shaver sa ulo kaniyang ulo.

Ginupitan rin niya ang sarili niya na kagaya ng saakin.

And there.

Lalong hindi ko na mapigilan ang pag iyak.

He smiled again, ngunit bakas sa mga mata niya ang namuuong mga luha "Para di ka nag iisa. Para may karamay ka. Para sobrang bagay na bagay tayong dalawa" humihikbing sabi niya at tsaka lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.

Mr. Elie Lord Sandoval, wala kang ideya kung paano mo ako binabaliw sa bawat kilos at pag papacute mo. Hindi mo alam kung paano mo ako paulit-ulit na pinapahulog sa iyo.

Today was our 3rd year anniversary. Muli akong napaisip kung gaano ako ka swerte sakan'ya.

Paulit-ulit akong nag tatanong kung anong kabutihan ang nagawa ko kung bakit siya ang regalong napasaakin.

He is more than worth it.

Eveything is fine.

Not until...........

Sa isang iglap ay tila nawalan ako ng pakiramdam. Sa isang iglap ay pakiramdam ko ay naka lutang ako sa ere.

Hindi ko namalayan ay napapikit na lamang ako at isa-isang bumalik sa aking memorya ang panahon na nakilala ko siya.

ngunit parang may mali............

dahil dalawa at mag kaibang memorya aking nakikita kung saan kakilala kaming dalawa......

------------------------

PRZVL

PantalanWhere stories live. Discover now