I met Orpheus Yvo Saldivar
THIRD PERSON'S POV
It's been thirty minutes since El wasted his time try'na get a jeepney ride. Sa rami ng mga estudyanteng sumasakay ay mabilis na napupuno ang lahat ng jeep at kahit sumabit ay hindi na maari, since the Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) personels are spread throughout Manila that will surely confront any driver that will violate the overloading rule. Lalo na mainit ang topic ngayon patungkol sa jeepney phaseout
He once again looked at his watch for the nth time. Tatlumpung minuto na siyang huli sa unang araw ng pasukan niya bilang unang taon niya sa kolehiyo "Kung mina-malas nga naman oh!" singhal n'ya sa sobrang pag kainis. He kicked a small rock in front of him. Napatingin ang mga tao sakan'ya. He lost his balance and fell. Pahiya. He silently screamed out of frustration. A bad luck indeed.
Kung kaya't ganun na lamang ang labis niyang kasiyahan nang may isang jeep na tila hulog ng langit wala pang laman ang umikot. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa jeep ngunit ang mga nag hihintay na ibang mga pasahero ay tila kasing bilis ni flash dahil sa isang iglap ay napuno agad ang likurang bahagi ng jeep.
"Punyeta!" Muli siyang napamura.
A wide smile suddenly appeared on his face the moment he saw that the front part of the jeep, beside the driver's seats are still unoccpuied. Halos mag ta-talon siya sa loob ng jeep sa tuwa nang matiwasay siyang nakasakay sa loob nito
Mag sisimula na sanang umandar ang sinasakyan niyang jeep nang isang estudyante ang kumakaripas ng takbo para habulin ang jeep "SANDALI!" sigaw ng kumakaripas na lalaki
-------
Desperadong desparado na si Yvo na makasakay ng jeep, kung kaya't kahit malayo sakan'ya ang nakita niyang jeep na may bakante ay tinakbo na niya ito. Sa lahat ng dumaang jeep ay ito lamang ang natatanging jeep na may natitira pang bakante pa sa harap.
"SANDALI!" Sigaw n'ya nang makitang nagsimula nang umandar ang jeep.
Napa buntong hininga na lamang siya nang matagumpay siyang nakasakay sa loob jeep. Sa wakas.
-------
"Excuse" uttered by a man next to him while catching it's own breath. El's heartbeat stopped for a couple of seconds at the moment he saw the man's undeniably handsome face. He just saw a real life Greek god.
Bahagya siyang umusog habang nananatiling tameme. Bakit ganon?
Nang maka ayos siya ng upo ay napatingin siya sa side mirror ng jeep. Mula sa side mirror ng jeep ay tanaw ni Elie ang taglay na natural na pagiging adonis ng binatang katabi niya. Marahil ay nag-aaral din ang lalaki sa paaralang kanyang papasukan dahil ito'y nakasuot din ng uniporme na kaparehas ng kaniya. Ngunit iba ang pag kakasuot niya nito. Ang dapat na naka tucked-in na polo ay naka ladlad at ang isang botones nito sa itaas ay nakatanggal, dahilan para makita ang malaking dibdih nito. Para siyang siga ngunit bumagay naman ito sakan'ya.
At the crystal clear reflection of the jeepney's side mirror, he saw the undeniably perfectly handsome face possess by the man sitting beside him. He got those perfect jaws,anime-like-hunter-eyes, perfectly shaped nose, tan skin, which more enhances his hotness and a red plump lips. He can sure easily seduce any person, even a man like him.
Napapikit siya at bahagyang kinurot ang sarili nang matauhan "gagi 'di ka bayot" bulong niya sa isip.
Habang patuloy na punipuna ang kagwapuhang taglay ng ginoong katabi niya ay kasabay nito ang pag andar ang jeep. Biglang tumunog ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bulsa. Notipikasyon hudyat na may nag padala ng mensahe sakanya.
Jordan:
"Sa'n ka ka na?"
ELIE:
"Sa jeep pa. Hirap sumakay"Habang nag hihintay ng sagot pabalik mula kay Jordan ay muli siyang napatingin sa side mirror ng jeep. Mula sa repleksyon ng salamin ay nakita niyang nakikibasa ang binatang katabi niya sa pakikipag palitan niya ng mensahe sa pagitan niya at ng kaibigan.
Biglang umilaw ang bumbilya. Isang kagaguhan ang pumasok sa kokote niya.
El:
"Hi"
He saw how the man raised it's eye brow.
Jordan:
"?? Wrong send ka 'ata"
Hindi niya ito pinansin at nag patuloy parin sa pag papansin sa lalaking katabi.
---------
Yvo made himself comfortable as the jeepney started to move. A notification tone from the man sitting beside him caught his attention. Napatingin siya sa side mirror ng sinasakyan niyang jeep. Mula doon ay tanaw niya ang lalaking katabi niya. Napangiwi siya nang makita ang suot nitong facemask na may design ng bungi at nakadilang bibig.
Mukhang tanga.
Hindi niya ugali ang pagiging chismoso o ang pagiging pakielamero at ususero, ngunit hindi niya namalayan na kanina pa siya nakikibasa sa pakikipag palitan ng mensahe ng lalaking katabi n'ya at ng kausap nito. Mukhang hindi lang pala siya ang late sapagkat nabasa niyang late na rin ang lalaking kanyang katabi ayon sa pakikipag palitan nito ng mensahe sa kausap nito.
"Hi" Malayong tugon ng lalaking katabi sa kausap nito. Napataas ang kanan niyang kilay
"huh? Wrong send ka 'ata" tugon ng kausap ng lalaking katabi
"I'm Daypu Mabahong Kepu" Basa niya muli at sinamahan pa ito ng naka kindat na emoji. Tila napansin yata ng lalaking katabi niya na nakikibasa siya ng mensahe nito. Ngunit hindi siya kumibo sa pag-aakalang hindi siya ang tinutukoy nito.
Natawa na lamang siya.
"tanginang pangalan yan. Daypu Bahog Kepu ampota HAHAHA" bahagyang napa ismid na basa niyang sinabi ng kausap ng lalaking katabi
"Bawasan mo pag a-adiktus Elie Lord Sandoval HAHAHA" dagdag pa nito
Gaya ng kanina ay hindi parin ito pinansn ng lalaking katabi at muling sumagot nang malayo sa kanilang pinag uusapan.
'ako ba?' bulong ni Yvo sa kaniyang sarili
"Oo , ikaw na katabi ko. Ikaw nga yung tinutukoy ko" nanlaki ang mga mata niya sa susunod na nabasa
"Hindi libre ang makibasa, Ibayad mo ako ng pamasahe" ani pa nito. He gulped as he read what the man siting beside him said to his chat mate. 'ako nga' he whispered in his inside voice. Kumuha siya ng barya sa bulsa niya at nag bayad para sa dalawa.
Tila nakuha na niya ang gustong ipahiwatig ng lalaking katabi niya, kung kaya't kinuha rin niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa at sinearch ang pangalan ng lalaki sa Social media.
--------
Papatayin na sana ni El mobile data ng cellphone nang hindi na nag padala pa ng mensahe pabalik ang kaybigan, nang bigla ulit itong tumunog. Social media notification.
He clicked the notification banner. It is a friend request from an unknown man. Nang bisitahin niya ang profile nito ay napatingin sa ulit sa salamin upang makita ang binatang katabi at saka muling bumaling sa litrato ng lalaking nag padala ng hiling pakikipag kaybigan sakanya. "S'ya nga!!" aniya sa isip.
Isang lalaki nag ngangalang Orpheus Yvo Saldivar ang nag padala ng hiling pakikipag kaibigan.
A greek god indeed.