Chapter 2: The Mysterious Guy.

29 4 1
                                    

matapos maipasa ni Mary Rose ang kaniyang proyekto sa asignaturang English ay lalo siyang nahulog kay Renz..

"salamat natapos din"

sabi ni Mary Rose sa kaniyang sarili.

matapos niyang kausapin ang kaniyang sarili ay nakita niya sa kaniyang isipan ang matamis na ngiti ni Renz ..pilit niyang binubura sa kaniyang isipan ang itsura ni Renz ngunit lalong hindi niya makalimutan ang matamis na ngiti ni Renz..

dinaan na lamang niya sa tulog ang kaniyang iniisip at hindi niya napigilang mapanaginipan si Renz.. pagkagising niya ay agad niyang nilinis ang mga tulo laway sa kaniyang mukha..

"Ano ba yan?"

sabi niya sa kaniyang sarili.

"hindi ko maalis sa isipan ko si Renz"

sabi niyang muli sa kaniyang sarili...

naghanda na siya para pumasok sa eskwela.matapos niyang ligpitin ang pinaghigaan at matapos kumain ay agad nagpaalam si Mary Rose sa kaniyang kuya Ron at sa kaniyang ama para pumasok sa eskwela.

"kuya,papa alis na po ako!"

sabi ni Mary Rose.

"sige,anak!"

sagot naman ng kaniyang ama.

"sige!"

sagot naman ng kaniyang kuya Ron.

habang papunta sa kanilang paaralan ay nakasalubong niya ang mga Cheer dancers ng SPC (San Pedro College)..

"hi!"

sabi ni Mary Rose.

inirapan siya ng mga cheer dancers..

nainis siya kaya agad siyang pumara ng jeep na masasakyan.nanggigigil siya sa sobrang taray ng mga Cheer dancers na nakasalubong niya...

"nakakainis sila."

sabi niya sa kaniyang sarili.

"kala mo naman mga kagandahan!"

sabi niya muli sa kaniyang sarili.

kinuha niya ang kaniyang CP (cell phone) at tinext si Renz.

"Ui,Renz nasaan kana ba?"

sabi ni Mary Rose sa text..

"nand2 na aq sa skul"

sagot naman ni Renz..

pagkababa ni Mary Rose sa jeep ay nagulat siya dahil naghihintay si Renz sa gate ng SPC.. naulit muli ang mabilis na pagtibok ng puso niya ng makita niya ang nakataas na buhok at matamis na ngiti ni Renz.

"Hi,Mary Rose"

bati ni Renz kay Mary Rose.

"Hi,din Renz."

sagot naman niya kay Renz.

"Bakit na una ka nga pa lang pumasok,Renz?"

tanong ni Mary Rose kay Renz.

"Ahh,kasi may gagawin kami eh."

sagot naman ni Renz.

"ahh, gano'n ba sige una na ako."

sagot naman ni Mary Rose.

Matapos umalis ni Mary Rose ay napangiti si Renz habang iniisip kung bakit ganoon ang reaksyon niya ng makita niya si Mary Rose kanina.

Matapos niyang magmuni-muni ay agad din siyang pumasok sa kaniyang Silid.

"Good Morning Class."

sabi ni Professor Miguel Corpuz sa kaniyang mga istudayante.

"Good Morning Mr. Corpuz,It's nice to see you Godbless you"

sabi ng mga mag-aaral ng MassCom.

"Okey class we have a discussion according to interview"

sabi muli ni Mr.Corpuz.

"Ano ba ang kahalagahan ng pag-iinterview?"

tanong niya sa kaniyang mga istudyante.

nagtaas ng kamay si Renz upang sagutin ang tanong ng kanilang guro.  

"Yes,Mr.Marciano"

"the importance of Interviewing is to gather a information to the interviewee."

sagot ni Renz sa kaniyang guro sa pamamagitan ng wikang Ingles.

"correct,very good Mr.Renz."

sabi ni Prof. Miguel.

pagkatapos ng talakayan nila Renz ay agad siyang nagpunta sa tagpuan nila ni Mary Rose.

Pagkadating ni Renz doon ay nagulat at nabighani siya kay Mary Rose dahil unang beses pa lang niyang nakita si Mary Rose na nakalugay ang mga buhok.

"Mary Rose i-ikaw ba ' yan?"

putol-putol at patanong na tanong ni Renz kay Mary Rose.

"Oo naman,bakit pangit ba?"

tanong ni Mary Rose kay Renz.

"hi-hindi ang ganda mo nga eh. di nga kita nakilala eh."

pautal-utal na sagot ni Renz kay Mary Rose.

"O,ano ba magtatanungan na lang ba tayo dito?"

tanong ni Mary Rose.

"tara na sa canteen ako taya, "

aya niya kay Mary Rose.

"ok. sabi mo yan ha!"

sabi naman ni Renz.

Matapos kumain sa canteen ng magkaibigan ay agad din silang bumalik sa kanilang mga silid upang mag-aral. Nakasalubong ni Mary Rose si Michelle isang badminton player na ka-close naman niya kahit papaano..

"Hi,"

bati ni Mary Rose kay Michelle

Patay malisiya naman si Michelle habang nagpatuloy sa paglalakad. Matapos hindi pansinin ni Michelle nakasimalmal na naglakad si Mary Rose at kinakausap ang sarili nang mabungo niya ang isang lalaki na matangkad,nakataas ang buhok at napaka puti ng damit..

"What the F**ck"

sabi ng lalaki

"I-I'm sorry"

sabi naman ni Mary Rose.

Nabigla ang lalaki ng makita niya si Mary Rose dahil lalong lumabas ang ganda nito nung nagulo ang buhok nito. Matapos ang pagkakabunguan ay agad nagtatakbo paalis si Mary Rose dahil biglang tumunog ang bell, nakalimutan niya ang kaniyang ID dahil nahulog ito matapos nilang magkabungguan.


"Sometimes you have to get to know someone really well to realize you're really strangers."
--Mary Tyler Moore


--- thanks for reading my "Chapter 2: The Mysterious Guy"


--- Kim Zyron Deblois

(Author)


The Mysterious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon