🍓KABANATA ISA

10 1 0
                                    

SA CEBU MO MAKIKITA ANG TRUE LOVE, LANGGA
_______________________________________Sa buhay natin mayroong isang mamahalin, sasambahin. Sa buhay natin mayroong isang bukod tangi sa lahat at iibigin ka ng tapat.

Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon para bang minsan nilalaro tayo ng panahon, may ibang makikilala at sa unang pagkikita may tunay na pag ibig na nadarama.

Hangang sa paglipas ng panahon, di na natin napapansin, sa bawat araw na kasama mo siya at kapiling ka niya.

At sa inyong pagsasama bawat sandali punong puno ng ligaya at saya sa damdamin ay iba.

Hanggang sa di nyo inaasahang pagkakataon na kayo palang dalawa ay pinagtagpo ng panahon na magsasama hanggang dulo.

🍓6:00 AM...

Nagsosoot ng damit na maganda. Put eyebrow. Wearing my earings. Put lipstick. Put slight blush on. Wearing my sandals. Wearing my bracelate , relo and stand to leave.
Pupunta ako ngayon sa bahay ni Nethan ipapakilala niya ako sa buong angkan niya.

"Clara"tawag sakin ni Mama. "Andito na si Nethan" sabay katok sa pinto.

"Opo ma" sagot ko naman kay Mama.

"Bumaba kana ha" sabay alis sa kinatatayuan malapit sa pinto ng kuwarto  ko.

"Oo ma"sagot ko kay Mama. Medyo kabado ako ngayon . Ngayon ngayon kasi ay ipapakilala ako ni Nethan sa buong angkan nila. Ewan ko kong ano ang kalalabasan ng pagpunta ko doon.

Kinuha ko na ang wallet na dadalhin ko at lumabas na ng kuwarto. Paglabas ko ng kuwarto nakita ko si Nethan na nakaupo pero ng makita niya ako tumayo siya ng dahan dahan at naka titig lang sa akin.

"Okay lang ba"tanong ko sa kanya at sinabayan ko ng ngiti. Pero halata parin ang kaba sa mukha ko. Nakita ko si Nethan na parang nagustuhan niya ang ayos ko ngayon lang kasi niya ako nakita na nag ayos ng ganito.

"Yeah, very beautiful"nakangiti lang siya at nakatitig parin sa akin.

"Ganda ng Prinsesa ko"sabi ni Papa sa akin. Palagi naman talaga niya akong simasabihan na maganda.

"Oh anak, good luck doon ha"masayang tugon sakin ni Mama." Nethan, ingatan mo itong anak ko" dagdag ni Mama.

"Oo naman po Tita" sabay ngiti kay Mama. "So let's go" masaya niyang sabi sabay hawak sa baywang ko.

"Sigi" sagot ko naman.

"Tita, Tito, aalis na po kami" paalam niya sa Mama at Papa ko.

"Sigi iho, mag iingat kayo" sagot ni Papa sa kanya. At si Mama naman ay yumango lang ito.

"Opo, sigi po" paalam niya ulit.

Yumango at ngumiti  lang sila Mama at Papa sa kanya.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Nethan.

"Bal, sa tingin mo magugustuhan ako ng buong angkan mo?"kinakabahan parin ako.

"Ba't mo naman yan nasabi? Syempre Oo"masaya naman niyang sagot sakin na para bang kampanti lang siya sa mga susunod na mangyayari.

"Pagdating natin doon saan tayo matutulog?"tanong ko sa kanya at agad naman siyang sumagot.

"Mag ho-hotel tayo. Or kung gusto mo sa bahay nalang namin" naka fucos parin sa pag da-drive.

"Hotel nalang, mas comfortable pa ako do'n" sagot ko sa kanya.

"Sa bahay hindi ba?" tanong niya sakin na agad ko naman sinagot.

"Hindi talaga, maiilang pa kasi ako hindi ko naman kasi sila ka level" nakasimangot kong sagot sa kanya.

"Eh ano ngayon kong hindi ka namin ka level, wala akong paki kasi mahal kita at hindi mahalaga kong mahirap ang pinanggalingan mo. Hindi bumabasi ang pagmamahal kung ano ang pinanggalingan ng isang tao. Alam mo ang yaman ng isang magulang hindi natin iyan madadala hanggang sa pagtanda natin. Dapat meron din tayong sariling pagsisikap kasi paano pag matanda na sila tapos nakaasa parin tayo sa kanila o hindi natin alam kong hanggang saan talaga ang buhay nila so dapat magsikap tayo ng sarili nating pagsisikap" naka fucos parin siya sa pag da-drive.

"Sa Cebu mo Makikita ang True Love Langga"Where stories live. Discover now