Chapter 4 (My first kiss)

84 7 1
                                    

Lumabas na kami at sumusunod lan naman ako sa kanya papunta sa kung saan saan . Tiningnan ko kung anong oras na baka kasi may klase na kami pero 30 minutes pa bago ang class ko .

Si Nikael kaya anong class kaya siya ngayon? Hindi ko akalain na magiging close kami pero alam ko mahiyain rin siya.

"Umm nikael saan tayo pupunta?"

"Basta . Sunod ka lang."

May tumawag sa akin kaya lumingon ako pero wala naman. Humarap ulit ako ng nagulat ako nawala na si Nikael sa harap ko.

Asan siya?

"Nikael asan ka na?"

Ano ba yan kasi lumingon pa ako at wala naman pala.

Nagulat ako ng bigla nalang may tumakip sa bibig ko at feel ko na sa madilim kaming lugar.

Ang alam ko lang ay malapit ang mukha namin isa't-isa. At nararamdaman ko na rin ang paghinga niya.

"Mikaela. I like you." Yakap yakap niya na pala ako.

Hindi ko naman siya makita dahil na sa storage room ata kami.

"S-sino ka?" Medyo nangingunig na ako dahil baka mamaya hindi ko alam kug may masamang balak sa akin ito.

Iba yung boses at hindi ko siya kilala.

Unti-onti siyang humarap at ang lapit na ng mga mukha namin.

Nararamdaman ko rin ang hininga niya at ang bango niya.

"I don't even know why ? That how much I like you . When we first met it's like an slow motion."

"Huh?" Hindi ko na siya nagets.
Anog slow mo ang pinagsasabi niya?

Nang marealize ko na dumampi na ang mga labi namin sa isa't -isa .

He is kissing me. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at parang naglue ako at ang hindi ko maintindihan ay bakit niya ako hinalikan?

Mga ilang segundo ay bumitiw na rin siya pagkakahalik sa akin. At lumabas na siya.

Gusto ko siyang sundan pero hindi ako makaalis dito sa kinatatayuan ko.

Nang may marinig na lan ako na sumisigaw. Si nikael hinahanap ako baka nag-aalala na yun.

"Mikael where are you? Mikaela?"

Lumabas ako sa storage room at nakita ko siyang mukhang nag-aalala.

"Sabi ko sayo . Sundan mo lang ako. Mukha akong tanga na mag-isang naglalakad akala ko pa naman sumusunod ka sakin."

Hindi ako makapagsalita dahil hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyari . Who just kissed me. And it's my first kiss.

"May humalik sa akin." Nasabi ko kay Nikael . Mamaya pagtawanan niya ako.

"Huh? Sino? Kaya ka ba nawala dahil may humalik nalang sayo basta basta. May ginawa ba sayo?!"

"W-wala naman but it's my first kiss."

"Huh?! First kiss mo yun? Ako nga wala pa akong first kiss."

"Huh!? Wala ka pang nahahalikan?"

"W-wala pa naman. Wala akong gf eh."

"Are you gay?"

"Anong gay?! Hindi ba pwedeng hindi pa ako handa sa ganyan. At may crush na ako. Eh sino ba humalik sayo ng walang permiso?! Upakan natin."

"Hindi ko nga kilala."

Sino naman kaya ang crush niya at wala pa pala siyang first kiss.

"Punta na ako sa klase ko." Yun nalang ang sinabi ko dahil gusto ko ng makaalis sa lugar na ito .

"Are you ok?" Pahabol niya habang naglalakad ako.

Tinaas ko yung kamay ko at nag-ok sign naman ako.

Nang makarating na ako sa klase ko ay lutang ang isip ko sa kaninang nangyari .

Buti nalang hindi napapansin ng mga teachers namin.

"Hey are you okay?" Tanong sa akin ni Jessie.

Siya yung isa pa naming bestfriend ni Casey dito sa school at pati narin sa labas ng school

"Yeah !" Sagot ko nalang.

"Huwag ka ngang magsinungaling jan. Kanina ka pa lutang . Ano ba iniisip mo?"

Tumingin ako sa paligid ko at lahat naman ng mga kaklase ko ay maingay at wala pa naman kaming teacher dahil kaalis lang actually after 5 minutes

Ahhh. Sabihin ko kaya sa kanya. Huwag nalang.

"Ahh kasi nadulas ako kanina at mapahiya." Palusot ko nalang sa kanya

"Hah?! Masakit? "

"Oo naman alangan tumawa pa ako."

"Ahh. Buti walang nabalian sayo."

"Oa mo rin. Balian agad."
Hindi naman sana agad agad mababalian yun ah.

Nang biglang nagbell na at uwian na.

Nakasalubong ko si Nikael.

"Uy. Lutang na lutang yang isip mo. Ano ba iniisip mo."

"Yung kanina . Y-yung sa kiss ."

"Pssshhhh. Dont mind it." He smirked at me.

"Ngingisi ngisi ka pa jan. Eh kapag ikaw may first kiss . Hindi ka ba kikiligin o hindi ka magugulat.?"

"Eh ikaw. Mukhang hindi ka kinikilig? " tanong niya

Eh pano akong kikiligin . Eh hindi ko nga kilala kung sino ang humalik sa akin.

"Kasi po. Hindi ko nga kilala ang humalik sa akin."

"Huwag mo nang isipin yun. Tara puntahan natin si Casey." Sabay hawak niya naman sa kamay ko at kinalad kad papunta sa room nila casey.

Hindi pa pala uwian nila Casey. 4:30 palang kasi eh. 4:50 uwian nila Casey at yung kapatid kong kambal 5:00 ko pa susunduin.

Vote, comment, read
All rights reserved 2015
Written by: jecey_red ❤️

Mr. Torpe meets Ms. MahiyainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon