Chapter 5 (Missed Calls)

66 7 0
                                    

Mga 4:50 na. Sakto uwian na nila Casey.

"Uy, bro . Buti kasama mo si Mikaela." Sabi naman ni Casey

"Ahh. Close na kasi kami. " sabi ni Nikael

"Ahh buti naman. Oh ! 4:50 na Mikaela . Diba susunduin mo pa mga kapatid mo?"

"Ahh. Oo nga pala. Sige guys una na ako."

Paalis na ako ng bigla akong pigilan sa kamay ni Nikael.

"B-bakit?"

"Hahatid ka na namin sa labas ni Casey. Diba Casey?" Sabay lingon niya kay Casey

"Pero... Aaarghhhh!! Sige na nga."

Hawak hawak niya parin ang kamay ko pero bigla niyang binitiwan nung inaya na kami ni Casey

Naglakad na kami papunta sa parking ng mga bikes. Nang nakarating na kami nag-paalam ako sa kanila at nag-thank you nalang.

"Thank you ah. Bye "

"Bye din." Sagot ni Casey

Si nikael naman ngumiti lang sa akin. Nginitian ko nalang din

Nagsimula na akong mag-pedal ng bike ko.

Hindi naman kalayuan ang school ng kapatid ko.

Mga ilang minuto nakarating na rin ako sa school nila. Mukhang kanina pa sila nag-hihintay.

"Kanina pa ba kayo nag-hihintay?"

"Hindi naman ate." Sagot ni Jacelle

"Anong hindi! Kanina pa kaya." Sagot naman ni Jocelle.

"Bakit hindi niyo lang man ako tinext?"

"Kasi . Ate si Jocelle nilowbat yung cellphone niya ."

"Bakit kasi hindi mo dinala sayo." Sabay irap ni Jocelle .

"Huwag na kayong mag-away."

"Ate , pwede mag-taxi nalang kami."

"Eh . Hindi niyo kaya."

Taxi? Kaya na ba nila yun?
Baka iligaw lang nila si Manog.

"Ate kaya na namin at tsaka hindi na tayo kasya jan sa bike dahil malaki na kami. Diba Jacelle." Sabay laki ng mata niya pagtingin kay Jacelle.

Talaga itong si Jocelle.

"Ok. Pero alam niyo naman stre-" hindi na natuloy yung sasabihin ko dahil sumagot agad siya.

"Opo ate. Alam na po namin."

Binigyan ko nalang sila n pamasahe .

"Ingat."

"Ok po."

Nagbike nalang ako . Bago ako umuwi . Bumili muna ako sa mall ng mga pwede naming panghapunan at snacks narin.

Bukas nga pala ang duty ko sa Restaurant. Buti nalang wala kaming pasok bukas. Dahil may gagawin daw ang mga teachers . Pero an oras ng duty ko ay 3:00 pm pero aagahan ko na para lumaki rin ang kayod.

Pagakatapos kong bumili ay umuwi na ako.

Nung makarating na ako sa bahay namin.

Nilagay ko na lahat ng mga pinamili ko sa cabinet at yung iba ay sa ref.

Tumaas muna ako at chineck ko ang mga kapatid ko at yun tulog sila. Pagod siguro.

Saktong nakasalubog ko pagbaba si Tita

"Mano po Tita."

"Kaawaan ka ng Diyos Mikaela. Ano ba yung mga pinamili mo?"

"Mga pagkain lan po tita."

"Ah ganun ba. Sige magluluto na ako."

"Tita huwag na po. Ako nalang po at magpahinga na po muna kayo."

"Ikaw ang kailangan magpahinga dahil kagagaling mo lang sa school . Sige na magpahinga ka muna at tatawagin nalang kita kapag kakain na."

"Sige po Tita."

Kulit talaga ni Tita . Pero ok na rin siguro yun na makapag-pahinga.

Pumunta na ako sa room ko at nahiga. Tiningnan ko yung cellphone ko.

10 missed calls (unknown number)

Hallah! 10 missed calls. Sino kaya ito? Matawagan kaya. Buti nalang may load pa ako.

Mga ilang segundo sinagot niya na rin.

"Hello. "

[Hi! ]

"Babalit ka tumatawag. At s-sino po ba kayo?"

[Ahh oo nga pala ako to' si Nikael.]

Huh? Si Nikael lang pala . Pero pano niya nakuha number ko.

"Pano mo nakuha number ko pala?"

[ Binigay sa akin ni Casey kasi close naman na daw tayo.]

"Ahh ganun ba." (Naghikab)

Naku, baka narinig niya pa yung hikab ko . Pano kasi inaantok na ako.

[Mukhang inaantok ka na ah] narinig nga niya.

"Ahh oo , pano pagod" yun nalang ang sinasabi ko

[ Ahh ganun ba. Geh pahinga ka na . Night.]

"Night din."

In-end call ko na at nahiga at hindi ko namamalayan na nakatulog na ako.

Vote, comment , read
All rights reserved 2015
Written by: jecey_red ❤️

Mr. Torpe meets Ms. MahiyainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon