Chapter 1

39 1 4
                                    

NAMJOON'S POV

"Dul Set! BANG! TA-"

"BULLSHHHHH...SHET!"


"ANO BA HOY!" bigla kong binatukan 'tong katabi kong pandak. Masyadong ano eh.


"Bakit ba? Kanina ka pa kase sumisigaw ng bullsht. Wag ganon hyung." sagot niya naman habang hinihimas yung batok niya.


"Pina-practice ko yung ginagawa kong intro natin. Kung gusto mo ikaw nalang gumawa leche ka tantanan mo ko. Tsaka isa pa, di yun bullsht. DUL SET YUN DUL SET!! SAKSAK MO YAN SA KOKOTE MO!"


"Ok. Ok. Kalma"


Napabuntong-hininga nalang ako. Haynako. Bakit ba sila naging mga kaibigan ko. Ang malas.

Ako nga pala si Kim Namjoon at kabilang ako sa grupong BANGTAN. Kung di mo kame kilala, pwes walang silbi ang pamumuhay mo sa mundong-ibabaw. Joke. Hehe


Narito kame ngayon sa dorm, at abala ako sa sa intro na ginagawa ko para susunod na activity ng paaralan namin. Pero ang daming destructions. Isa na si Jimin.

Park Jimin. Pandak, kaya nahihirapan siyang abutin mga pangarap niya. Katulad nalang ngayon, nakikipaglaro siya ng taguan kay Jungkook. Nagtago lang naman sa taas ng aparador si Jungkook. Tangang pandak. Pero masipag yan mag-aral. Sa gym. Puro work-out. Kaya ayan.

Jeon Jungkook. Ang bunso sa grupo. Lahat na ata nasa kanya. Kaiingit nga eh. EDI SANA SIYA NALANG NAGING LIDER NG GRUPO. PARA MASAYA. Pero inaatake din yan ng kaweirdohan. Sisihin niyo si Taehyung.

Kim Taehyung. Cute daw. Pwe! Yan cute?! Asan? MEGAMIND NG GRUPO. Talino eh. Grabe. Tanungin niyo na lahat sa kanya. Maging tao man si Hoseok, di niyo yan makaka-usap ng matino.

Jung Hoseok. Ang aming kalesa! Joke. Magaling yan sumayaw kahit hayop yan. Joke ulit. Isa sa mga maiingay sa grupo. Daming alam sa buhay. Expert!

Kim Seokjin. Prinsesa ng grupo. Shit lang. Naging prinsesa lang naman yan dahil madalas namin binibigyan ng compliments luto niya. Adik sa super mario. EDI SANA NAGPAKASAL NALANG SILA. MGA WALANG HIYA.

Min Yoongi. Minsan tahimik, madalas tulog. Kaya minsan kahit kausapin mo na, mukhang tulog pa rin ang isip. Mag-ingat ka lang kapag ngingiti na yan, baka masilaw ka.

At panghuli, ako. Oo. Ako ulit. Leader ng grupo, magaling--

"HYUNG! SAYAW KA NGA! ALIWIN MO NAMAN KAME OH!" sigaw ni Hoseok.


Bwiset ka Hoseok. Hayop kaaaaaaa!

"BINABAYARAN NIYO BA AKO PARA ALIWIN KAYO??!!!"


"Hindi. HAHAHAHAHAHA" masayang sagot ni Taehyung.


Haynako Bangtan.
---------------------------------

Sabog ang unang update. Haha.

-Jae

Sealed Promise {Bangtan fanfic}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon