Simula

3 0 0
                                    

"Ma'am! Ma'am! Nagsusuntukan po sina James at Aldrin sa room!"

Punyeta.

Halos magdabog ako sa pagbaba ng hawak kong red ballpen at mabilis na tumayo para puntahan ang pawis na pawis kong estudyante sa pintuan.

"Bakit nagsuntukan?" tanong ko kay Peter habang sinasabayan siyang tahakin ang hallway papunta sa classroom namin.

Kung high school students ang hawak ko ay baka natuwa pa ako sa ganoong balita dahil alam kong pakana lang 'yon para sa isang surprise. Kaso ay elementary students ang hawak ko. Grade 2! At isa pa, hindi naman teacher's day ngayon kaya bakit ako mag-eexpect ng surprise mula sa mga estudyante ko?

"Nag-aasaran po, Ma'am."

Napangiti ako sa sagot ng estudyante ko na para bang excited pa sa nangyayari kaya hindi makasagot nang maayos. Malamang ay nag-asaran nga kaya nauwi sa suntukan!

Bakit nga ulit ako nag-teacher?

Para bang may nagshoshooting ng pelikula sa room nang makarating kami. Pinabalik ko sa kani-kanilang room ang mga chismosong bata na nakasilip sa bintana namin bago tuluyang pumasok sa loob.

Natutok ang mga mata ko sa harapan kung nasaan sina James at Aldrin na magkaharap, tuwid na tuwid ang tayo at para bang matatanda kung magbigayan ng masasamang tingin sa isa't isa. Mukhang hindi na sila nagsusuntukan pero pilit pa nilang pinagbabangga ang mga balikat nila.

"Kids! Assemble!" I sighed before I walk towards them.

Noon pa lang ako napansin ng mga bata dahil nagsibalik na ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan. Hindi ko na muna pinansin ang mga sumbong nila habang kalmado kong inoobserbahan ang dalawang bata na natirang nakatayo pa rin sa harapan.

"Ma'am, nag-aaway po sila James at Aldrin!"

Alam ko.

"Ma'am! Hindi po nagbuhos si Joy ng CR."

My patience..

"Teacher! Kinain ni Michael ang peanuts ko po!"

Oh my God.

"Ang pinakatahimik ang siyang mauunang umuwi." sambit ko na naging dahilan kung bakit nagsi-tungo sila sa sarili nilang mga table.

Kalmado na rin sina James at Aldrin pero hindi magawang bumalik sa upuan nila dahil alam na kakausapin ko pa. Hinawakan ko ang pareho nilang maliliit na kamay bago sila alalayan palabas ng silid.

I lowered myself so that I can see them properly. They are both about to cry and I still find them cute. There. The reason why I chose to be a teacher.

"Who wants to tell me why--"

"Sorry po, teacher! Nisabihan ko po kasi ako ni James na 'di ako mahal ng Daddy ko kaya nisuntok ko siya." umiiyak na si Aldrin nang sabihin 'yon. Gumagalaw ang balikat nito at tinatakpan ang mga mata gamit ang likod ng nakakuyom niyang palad.

Pinunasan ko ang luha niya at maging ang pawis sa noo bago harapin si James.

"Bakit mo sinabi 'yon, James?" marahan ang paraan ng pagtatanong ko sa bata na umiiyak na rin. Kaya gaya ng sa isa ay pinunasan ko rin ang luha nito.

"K-kasi po naririnig ko 'yon sa mga Kuya ko. 'Yong hindi ka mahal po ng nanay mo, ng tatay mo po. Sinabi ko rin po 'yon kila Nathan pero si Aldrin lang po nangsuntok sa'kin."

Masarap mambwisit ng bata. Madali rin minsan na mainis sa kanila pero sa ganitong sitwasyon ay mas pinipili kong isipin na may dahilan kung bakit gano'n ang naging aksyon nila.

Reaching Allia CelestineWhere stories live. Discover now