1.

3 0 0
                                    


"Beh! Balita ko bago na naman daw jowa mo."

Napairap ako sa lakas ng boses ni Gab. Tuloy ay nagtinginan sa amin ang mga kaklaseng nakarinig at mukhang ako na naman ang topic of the day. Nang mapansin kong sa akin nakatingin ang mga nagbubulungan sa malapit ay agad ko silang tinaasan ng kilay.

"Hindi ka pa nasanay?" tanong ko sa kaibigang kanina pa kausap.

"Sanay na! Inilalakas ko lang talaga para marinig ng buong klase."

Sinundan niya pa 'yon ng malakas niyang tawa kaya naman hindi ko napagilang mahawa rin sa pagtawa niya. Gab is my gay friend. A not-so-obvious gay friend 'cause he still likes to dress and look like a man. Siya lang ang kaibigan ko rito sa campus dahil ang mga babae ay puro ka-plastikan lang ang alam kapag lumalapit sa akin.

At least si Gab, nasasabi sa akin nang harapan na malandi ako kahit medyo lang naman. Hindi gaya ng mga dati kong kaibigan na panay ang puri sa akin kapag kaharap ako, sinisiraan naman pala ako sa buong campus kapag nakatalikod na.

"Tingnan mo 'tong si Marjorie. Halos kainin na ang tenga ni Hannah sa kabubulong niya." paismid na sinabi ng kaibigan ko habang pinapanood ang nasa likuran namin.

Sinilip ko ang tinutukoy niya at nakitang dikit na dikit ang mga mukha ng dalawa kong kaibigan noon habang may lihim na pinag-uusapan. Nahuli ko pang tumingin sa akin si Hannah na agad din namang nag-iwas ng tingin kaya napapailing ko na lang silang hinayaan.

Ganoon ang ayaw ko. Obvious namang ako ang pinag-uusapan nila, itatago pa. Bakit hindi sila maglakas-loob na ipakita sa akin ang totoo nilang kulay? Hindi 'yung bigla na lang kaming hindi na magkakaibigan nang malaman kong sila ang nagkalat ng kwentong nakipag-sex ako sa anak ng Dean.

I can still remember how I confronted them back then. Sobra akong nasaktan dahil doon ako nagsimulang iwasan ng tao. Napagalitan din ako ni Dean at kung hindi pa nagsalita ang anak niya para patunayang hindi 'yon totoo ay baka nakick-out na ako sa unang taon bilang college student.

Sobra-sobra ang pagdedeny nila kahit na alam ko na rin naman ang totoo. They tried to tell Gabriel the stories they made. Sa buong klase kasi ay ginawa nila 'yon. But Gab pretended to be shocked and convinced while recording my friends' voice. That's how our friendship started.

"Who's the lucky dick, by the way?"

Inilabas ko ang notebook nang mapansing ilang minuto na lang ay magta-time na. Nagawa ko ba ang assignment ko? Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng assignment ay napansin kong nakakunot ang noo ng katabi ko at mukhang naghihintay pa rin ng sagot sa tanong niya.

Matagal kong tinitigan ang mga mata niya bago unti-unting napangisi.

"Tangina. 'Wag mong sabihing si Zeus 'yan?"

Napawi ang ngisi ko.
"Tangina talaga kapag siya!"

Muling napahalakhak si Gab sa reaksyon ko. Crush niya si Zeus. Or crush naman yata ng lahat ang isang 'yon dahil gwapo, anak-mayaman at matalino. Pero kahit kailan ay hindi ako naging kasama sa mga taong halos ipagpasalamat sa Diyos na isinilang siya. Gano'n naman yata talaga. Basta mayaman, matalino at gwapo ay ituturing na nilang jackpot kahit na babaero.

Graduate na ang isang 'yon nitong nakaraang taon pero pabalik-balik pa rin dito. Hindi ko alam kung nagpapapansin sa mga may gusto sa kaniya o nanunuyo pa rin ng propesor para ipasa ang kapatid niyang sakit sa ulo ng mga teacher.

"Arte mo, teh. Prinsesa ka?"

"Palamon lang naman sa kanila 'yon."

Totoo naman. Ang gusto ko ay 'yong mayaman na sa kaniya talaga ang pera. Mayaman daw ang tatay ko pero hindi man lang ako naka-mana ng kahit singkong duling mula sa kaniya. Gusto kong maranasan ang marangyang buhay na pinagkait sa akin kaya nakaisip ako ng magandang paraan. Kung hindi ako nakatikim sa pera ng tatay ko, e'di makikitim muna ako sa pera ng jowa ko.

Reaching Allia CelestineWhere stories live. Discover now