2.

1 0 0
                                    

"Bilisan niyo ang kilos. 20 thousand ang quota ngayon."

Maagap na bumulong ng reklamo ang mga katrabaho ko nang narinig iyon sa supervisor. Kahit ako ay nanlumo sa narinig kong 'yon. Dalawang oras na lang ay out na namin pero nakaka-15k pa lang yata kami ng napapack na product. Tatlong taon na akong nagtatrabaho rito sa production ng isang kilalang beauty product. Sakto lang ang sahod mula sa 8pm hanggang 2am na pasok araw-araw maliban sa Linggo.

Dahil hindi naman ako mayaman, kailangan ko pa rin na magtrabaho sa gabi para may pangtustos ako sa sarili ko. Wala naman akong mga magulang na hihingian ng allowance. Ang tiyahin ko ang siyang tumayong magulang ko mula pagkabata pero ngayong kaya ko nang buhayin ang sarili ko, hindi ko na dapat iasa sa kaniya lahat. Lalo ngayon na magkakaanak na siya, mas kailangan kong tulungan siya sa pag-iipon para sa baby niya.

"Mga bwisit talaga. Hindi tayo pauuwiin hangga't walang 20k ang product pero walang bayad sa overtime."

"True," pagsang-ayon ko kay Gab na kahit hanggang sa trabaho ay kasama ko. Minsan nga ay naaalibadbaran na ako sa pagmumukha niya. Halos 24 oras ko na siyang kasama, tulog lang ang paghihiwalay namin.

"True-true ka d'yan! Palibhasa crush ka ni visor kaya hindi ka umuuwing haggard."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na tumingin sa paligid kung may nakarinig noon. Buti na lang at naka-face mask kaming lahat dito, kung hindi ay baka kanina pa kami pinagalitan sa pagkuda ng katabi ko.

"Manahimik ka ngang bakla ka! Issue ka, ha." pabulong na suway ko rito habang nagpapanggap na abala sa pagtatakip ng mga cream.

"Totoo naman. Halatang halata kaya siya lagi. Ayaw mo ba magtry ng sugar daddy?" sinundot nito ang tagiliran ko at mahinang natawa sa ideya niya.

Pasimple ko itong kinurot.
"Tigilan mo ako, Gabriel. Ayaw ko sa may sabit."

Nagpatuloy pa siya sa pang-aasar sa akin tungkol sa supervisor naming pamilyado na pero feeling binata sa trabaho. Hindi ko na pinansin pa si Gab para naman hindi kami mapagalitan at samaan ng tingin ng mga katrabahong antok na antok na.

It's already two fifteen when we reached the quota. Hindi ko alam kung magdadagdag ba sila sa sobrang oras ng pagtatrabaho pero hindi na ako aasa. Baka pandesal na naman 'yon. Mas binilisan ko na lang ang kilos na mag-ayos ng gamit para makauwi na.

"Daan muna tayo sa convenience store." agap ni Gab nang makita akong naggagayak ng gamit sa locker.

Tumango na lang ako at napahikab na. Pagod na 'ko! Ganitong oras ay nasa bahay na sana ako at naghahandang matulog.

"Antok ka na?"

I composed myself quickly when the supervisor asked that behind me.

"No, Sir Jim."

Ngumiti sa akin ang visor na sinasabing pumoporma sa akin nang pasimple. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi mahalata ang mga ginagawa niya. Ako pa na nakilala bilang nangongolekta ng lalaki ang sinubukan.

Hindi naman ako pumapatol sa matatanda at may pamilya. I already ruined my image at school being called names but proving them right by making myself as a real mistress is out of the list.

"Babyahe ka pa ba pauwi? Baka makatulog ka, ihahatid na lang kita." alok niya na hindi ko nakikita bilang pagmamagandang-loob.

"Hindi na po. Kasabay ko po si Gab." itinuro ko sa gilid ang rest room kung nasaan ang kaibigan kong nagagawa pang magmake-up kahit pauwi naman na.

Saktong pagturo ko roon ay ang paglabas niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita kami at mabilis na lumapit sa'kin.

"Hello, Sir! Uwi na po kami ni Allia."

Reaching Allia CelestineWhere stories live. Discover now