PROLOGUE

27 0 0
                                    

"tumakas na kayo habang may natitira pang oras !"nag hihingalong anang ng babae sa ginang 

"ngunit pano po  kayo ni sir "natatakot na sabi ng ginang,nakikipag barilan ang lalaking asawa nito  

"dalhin mo sa ligtas ang anak ko ikaw nalang ang natitirang pag asa ko para mabuhay ang anak namin,sakaling hindi na kami bumalik ikaw na ang bahala sa kanya "umiiyak nang sabi nito, habang napupuno na ng awa ang ginang ay nagsisimula narin itong umiyak 

"umalis na kayo!"kinarga nito ang bata, tumakbo sya papuntang basement ,kung saan ay may nakatagong daan papalabas ng bahay. iniisip parin nya kung ano na ang kalagayan ng mga amo na patuloy parin ang pa kikipag barilan sa mga hindi nya alam na tao, maraming katanungan ang nabubuo sa isip pero sinasantabi muna nito upang matuon ang atensyon nya sa ginagawa. Ano man ang mangyari hinding hindi nya iiwan ang bata dahil malaki ang utang naloob nya sa pamilya nito. 

~FLASHBACK~

Nag lalakad sya sa hallway ng bahay sa ikalawang palapag ng may narinig syang nag uusap ang lalaking amo sa isa nitong body guard ,habang papalapit ay lumalakas ang boses ng mga ito hanggang sa matapat ito sa pinto hindi nya sinasadyang marinig ang huling salita na sinabi ng body guard.

"nandito na sila sa pinas"hindi nya gaanong binigyan ng pansin dahil ibang usapan ang sinasabi nila pero masama ang kanyang hinala

Matapos ang ilang araw ay parang balisa ang mag asawa .Hanggang sa dumating na ang kinakatakutan nila.

~END OF FLASHBACK~

Ano kaya ang nangyari sa mag asawa?

Ligtas kaya sila sa kamay ng mga hindi kilalang tao?

O kilala ng pamilya nila at ang ginang lang ang hindi?

Kaya nya bang palakihin ang batang dapat sana'y marangya ang buhay?

 At dito mag sisimula ang buhay na tatahikin ng batang walang kamuang muang sa kamay ng ibang tao para lang  mabuhay ang dugo na kasapi ng mga makapangyarihang tao sa mundo.







MY REVENGEWhere stories live. Discover now