"Bihag ng Nakaraan"
Napakapit ako ng husto sa kumot,
Dahil sa masamang bangungot.
Sa nakaraang hindi malimot,
Binalot ako ng lungkot.Batang babaeng humihingi ng tulong,
Sa apat na sulok ng kwarto, nakakulong.
Pag-iyak ng bata ang maririnig.
Sa madilim na kwarto, siya'y nanginginig.Nasindak ito sa takot,
Nang makita ang tatlong lalake sa kanya'y nakapalibot.
Habang siya'y inalipusta at sinamantala,
Wala s'yang ibang inisip kundi ang makawala,
At paulit-ulit sinasabi ang salitang, "H'wag po."Nang marinig ang boses ng Ina ko,
Nagising ako sa 'king bangungot at napaupo.
Nag-aalala ang kanyang mukha,
Nang makita akong nakatulala't lumuluha.Kung sinunod ko lang sana ang habilin ng Ina
Na 'wag lumabas dahil gabi na.
Edi, sana hindi ko 'yon naranasan
At hindi nasira ang aking kinabukasan.Ako'y bihag pa rin ng nakaraan,
Na pinipilit ko ng kalimutan.
Sa tulong ng aking pamilya't kaibigan,
Magiging malaya din ako sa nakaraan.By: Erica Writez
YOU ARE READING
TULA NG MGA TALA
PoetrySusulat at tutula, Kahit ako man ay lumuha, Hindi ako titigil hangga't maabot ko ang mga tala (pangarap). Kahit impossible, Gagawin kong possible. Kahit mahirap, Kakayin ko, maabot lang ang pangarap. Sinulat ni: Erica Writez Please! Do Not Copy!!!