Kabanata 42

176 32 10
                                    

Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto. Pagkahinto pa lang niya ng kotse niya rito sa basement parking lot ng Camp Crame ay mabilis ko ng tinanggal ang seatbelt ko at bumaba. Ganoon din naman ang ginawa ni Harmony at agad na ring lumapit sa akin.

"What are you going to do here?"

We both looked at Deo who spoke behind us. Tinignan naman ako ni Harmony dahil hindi nito alam ang isasagot.

"Just visiting," I answered.

"Who?"

"Renz."

Tinitigan niya muna ako bago tumango. Nagpatuloy naman na kami sa paglakad at sumakay sa elevator. Nagdasal pa ako na sana ay maging mabilis ang takbo nito dahil hindi ko kakayanin kung masyado kaming malapit ni Deo. Pagkalabas namin sa elavator ay agad na akong nagpaumunang lumabas na agad sinundan ni Harmony. Ngunit natigil din kami sa paglakad nang matanaw sila Renz, Jhamaeca, Liam at kasama nila si Therese na bahagyang nagulat nang makita kami. Agad ngumiti ang dalaga at lumapit kay Deo. Napagilid naman ako para bigyan sila ng espasyo. Napansin din naman iyon ni Harmony kaya gumilid din ito.

"Buti na lang at sumama ako kay Liam. Dito rin pala ang punta mo," nakangiting sabi ni Therese sa kanya.

"Yeah. But why did you go out? You should just stay in my penthouse," I heard Deo said.

In his penthouse. Iniwas ko na lang naman ang tingin sa kanila. So, she's staying there? With him alone? They're both living together? Well what's wrong with that, Dianne? They're both in a relationship anyway. And didn't you stay in his penthouse before when you still have a thing with him? Right, Dianne. Ex ka na, manahimik ka na.

"Hi, Dianne!"

Napatingin ako kay Liam at kay Renz na sabay na lumapit at binati ako. Nagkatinginan pa ang dalawa bago muling binaling sa akin. Napatingin din naman ang mga kasama namin sa aming tatlo. At tumawa na lang naman ako at tinanguan ang dalawa at binati rin pabalik.

"Why did you come here?" Renz asked me.

"I'm thinking of visiting you, so..."

Renz smirked. "You're so sweet."

Renz plafully glanced at Liam who just pushed him away from me. Pagkatapos ay siya naman ang pumunta sa harapan ko.

"What the?" I heard Renz growl with what Liam did to him.

"Don't mind what I did," Liam chuckled. "It's already lunch. Have you eaten already?"

"Not yet."

"Not yet? Then can we eat our lunch together?"

Renz went to us again and this time he pushed Liam. Agad nakapagmura si Liam sa ginawa ng kaibigan na tinawanan na lang naman ni Renz at hindi pinansin saka na ako tinignan.

"We can eat lunch together since you came here for me," he smiled.

"Oh? Kahit naman solohin mo iyan, manggugulo ako," sabi naman ni Liam at tinulak ulit ang kaibigan.

"Hindi ikaw ang pinunta kaya ilugar mo naman ang sarili mo," sabi naman ni Renz sa kanya at hindi rin nagpatalo at tinulak rin ito.

At kapwa nagtulakan ang dalawa. Wala naman akong nagawa kundi mapatulala sa kanila, hindi makapaniwala na parang mga bata ang mga ito kung umakto sa harapan ko para lang sa pag-aaya sa akin na makasama sa pananghalian. Maging si Harmony ay napatulala, si Jhamaeca naman ay napailing-iling habang pinapanood ang mga ito, at sila Therese at Deo sa gilid na walang imik na nakatitig sa kabaliwan na ginagawa ng dalawa.

"Damn it! Can you two stop!" Gigil na sabi ni Jhamaeca sa dalawa at pumagitna.

Hindi naman na nakapalag ang dalawa na gusto pa sanang magtulakan ngunit natigil nang makitang si Jhamaeca na ang nasa gitna nila. Nagsimangutan pa ang dalawa nang parehong piningot ni Jhamaeca ang tenga ng mga ito.

Bomb Tamer's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon