Kabanata 30

183 33 5
                                    

Mabilis akong tumakbo at ramdam ko kung gaano ako hingal na hingal sa ginagawa ko. Nang walang patutunguhan na ang pagtakbo ko ay nakita ko ang isang madilim na eskinita. Tinitignan ko pa lang iyon ay ramdam ko na ang takot kaya ayaw kong magpunta roon. Ngunit napatingin ako sa aking madilim na likuran at doon ako mas lalong nakaramdan ng matinding takot. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito sa lugar na ito at hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. May humahabol sa akin na hindi ko kilala kung sino iyon, hindi ko namukhaan. Basta ang alam ko nakakatakot siya at gusto niya akong patayin!

Kaya naman sa tindi ng takot ko na maabutan niya ako rito at patayin ay agad na akong tumakbo sa madilim na eskinitang iyon. Wala akong ibang pagpipilian kundi gawin iyon. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa bawat pagtakbo pero wala ako sa kondisyon para pagtuunan iyon ng pansin dahil sa sitwasyon ko ngayon. I have lost sight of that pursuer. I don't know why he wanted to kill me! Wala akong ginagawang masama. Wala akong maalala! At hindi ko rin maalala kung paano ako napunta rito!

Ngunit pagkalabas ko sa eskinitang pinagpasukan ko ay nanlaki ang aking dalawang mga mata sa gulat.

Dead end...

"N-No way," nanginginig kong sabi sa sarili ko na napahawak pa sa aking bibig.

Napalinga-linga ako sa gilid baka sakaling may maliit pang daanan na pwede kong puntahan o hindi kaya may maaari akong mapagtaguan ngunit bagsak ang balikat ko nang makitang wala.

"Found you."

Agad akong nakaramdan ng matinding takot nang marinig ko ang nakakatakot na boses na iyon. Napatingin ako sa kanya mula sa dilim kung saan siya tuwid na nakatayo, may hawak na baril sa kanyang kanang kamay.

Hindi ko siya makita dahil nasa dilim siya ngunit ramdam ko na nakangisi siya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin. Kaya naman nanginginig kong inihakbang paatras ang aking mga paa nang magsimula itong humakbang papalapit sa akin.

Rinig ko ang nakakalokong tawa niya habang papalapit sa akin habang patuloy din naman ako sa pag-atras para makalayo sa kanya. Pero napatigil ako nang maramdaman kung paano tumama ang malamig na semento sa aking likuran hudyat na wala na akong mapag-aatrasan pa.

"Oh?" The man smirked playfully when he saw my situation.

"H-Huwag kang lumapit sa akin! Huwag!" Takot na takot kong sambit sa kanya.

Ngunit hindi niya ako pinakinggan at ang tanging naririnig ko na lamang ang tunog ng kanyang sapatos na papalapit sa akin. Napaupo naman ako sa semento nang hindi na kaya pa ng binti ko na tumayo sa tindi ng takot na nararamdaman. Ngunit patuloy pa rin ang panginginig ng buo kong katawan habang nakatingin sa lalaki na papalapit sa akin, nakakaloko ang ngisi at kita ko sa mata niya kahit na madilim ang pananabik na patayin ako.

"Stay away from me!"

Tumigil siya sa paghakbang at dahan-dahan naman akong napaangat ng tingin sa kanya. Hindi siya nasisinagan ng ilaw mula sa buwan kaya naman hindi ko pa rin kita ang itsura ng mukha niya, ang tanging damit lamang nito ang nakikita ko.

"Say goodbye to the world, Dianne," the man said coldly.

"S-Sino ka? Bakit gusto mo akong p-patayin?"

Matunog itong ngumisi sa akin at hindi pinansin ang naging tanong ko. Sa halip ay unti-unti niyang tinaas ang kanyang hawak na baril at tinututok deretso sa aking noo kaya laking gulat akong napatingin doon, nanginginig at takot na takot.

"N-No..."

"I'm the bomber," the man said.

Nakangisi niyang ikinasa ang baril, handa na para patamaan ako kaya naman mariin akong napapikit at ramdam ko ang nakakaloko niyang ngisi bago ko narinig ang malademonyo nitong tawa.

Bomb Tamer's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon