Prologue

2 0 0
                                    


"Doc,Zaragoza nandiyan na po ang chopper na sasakyan natin" Imporma ng isang nurse na makakasama ko sa Medical Mission sa Jolo,Sulo.

"Okay," Sabi ko at sumunod na.

There are six nurses and three doctors na pupunta sa Jolo,Sulo at kasama ako duon.As far as I know may lugar duon na nangangailangan talaga ng medical assistance especially those civilian na nadamay.

It's been five months since nagsimula ang gulo sa lugar and until now hindi pa din ito natatapos. The whole place is almost devastated lalong lalo na ang bayan ng San Jose kung saan mas naapektuhan dahil duon nangyari ang mismong gyera.

Lahat kaming ipinada sa Medical Mission na ito alam kung gaano ka dilikado at maaring buhay din namin ang maibuwis kung sakaling magkaroon na naman ng panibagong gulo lalo pa ngayon na hindi pa nila alam kung kailan muli susulong ang mga kalaban.Seeing those poor people who really  need our help sa T.V. hindi na kaagad ako nagdalawang isip na mag volunteer para ipadala sa Medical Mission na ito.

The ride went well at ilang oras simula ng umalis kami napalitan na ng mga puno ang kaninang mga buildings na nakikita ko. I just enjoy na scenery na ngayon ko lang nakikita. Ilang sandali lang ay may nakita na kaming
mga tents siguro iyon ang mga pansamantalang tirahan nila.

Nanlumo ako nang makita ko ang buong lugar kasama ang mga tao na nandun. Kahit nakikita ko na ngumingiti sila pagbaba namin hindi pa din maitatago ang bakas ng pagiging biktima nila. Hindi ko maisip kung papaano nila nagawa ito?....papaano sila nag desisyon na magsagawa ng gyera kung gayong maraming tao naman ang maaring maapektuhan. All of this people are innocence they should think of them first.

Galit ako sa mga terorista na dahilan kung bakit nila ito sinapit at may galit din ako sa militar.Alam ko na ginagawa nila ito para makamit ang kalayaan at nag buwis din sila para dito pero hindi ko din kasi magawang hindi magalit sa kanila ngayon pa na nakikita ko din ang sinapit ng mga taong nandito. Kahit pa sabihing protektado na sila ngayon wala pa ding kasiguradohan kung hanggang kailan lang ito.

"Maligayang pagdating po!" Bati ng isang batang babae habang may dala itong garland flowers.

Yumuko ako para maisuot niya iyon sa akin. " Thank you" maligayang sabi ko.

Ngumiti ang bata bago tumakbo sa magulang niya. Sinalubong kami ng ilan sa mga sundalo na nanduon at binati din nila kami.

"Goodbye internet" Sabi ni Ellen isa sa mga nurses.

"Oo nga ni isang bar wala" ngumuso din si Lary.

"Aysuuss....para namang mayroong mga jowa para maging ganyan ka issue sa inyo ang walang signal!" sabi ni Doc Martin na ikinatawa naming lahat.

Nag  kwentuhan muna kami habang hinahanda pa ang lunch. Nasa open view lang kami ngayon. May mataas na table kung saan duon kami lahat nakaupo.

The lunch is very nice nakasama namin ang ilan sa mga sundalo duon. May ibang sundalo din daw na kailangan ng medical assistance at iyon ang uunahin namin mamaya.

"Doc, dito po" Imporma sa akin ng isang sundalo habang sinasamahan niya ako sa kasamahan niya na malala daw ang naging tama.

Nasa tabi ko si Alexa ang nurse na kasama ko. Nagamot na namin ang iba kanina at itong gagamutin namin ay may malala daw na tama sa may bandang tiyan. Saksak daw iyon ng kutsilyo habang nakikipag agawan sa kalaban.

"Ano nga pangalan ng pasyente?" Tanong ni Alexa.

"Si ano po....  Captain Geo  Madrigal po " sagot naman nito na ikinalaki ng mata ko.

It cannot be...

Magtatanong sana ako just to confirm pero huli na dahil binuksan na ng sundalong kasama namin ang tent  at bumungad sa akin  ang walang malay na Geo.


                                                   next*

Underneath The Moon( Zaragoza Cousin's Series 1)Where stories live. Discover now