"Kuya bakit mo siya kasama...ikaw huh! anong ginawa mo sa kanya!"
"Ang ganda niya kuya!"
Dahan dahan kung inimulat ang mga mata ko. Mukha ng isang batang babae ang nakita ko. Mukhang nagulat pa siya ng magmulat ako ng mata.
"Gising na siya !"
"Huwag ngang maingay ikaw! Sasay,makakatikim ka talaga ng kulinot sa akin..!"
Hindi ako sigurado pero parang boses iyon ni Geo. Ang huling naalala ko ay humarap siya sa akin at biglang nawalan ako ng malay. Nasa kanila ba ako?.Sinuyod ko ang buong lugar at tumambad sa akin ang isang kwarto na panlalaki. Hindi iyon ganoon kalaki. May uniform din ng sundalo na nakasabit duon sa may hanger.
Maya-maya lang ay lumabas na si Geo mula sa cr. Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa may bandang gitna niya at wala siyang damit. Napaiwas tuloy ako ng tingin samantalang siya ay mukhang nagulat din.
Ang sunod kung nakita ay nakasuot na siya ng jersey short at isang sando. Kitang kita ang laki ng katawan niya dahil sa suot niyang iyon. Alam kung mas matanda siya kumpara sa akin.Ang hula ko ay mga nasa apat o limang taon ang tanda niya.
"Ate jowa kaba ni kuya ko? Bakit basa kayo pareho ng umuwi at bakit tulog naka nun? Nag swimming po na kayo?" Inosenteng tanong nung batang babae.
"Saysay mas mabuting bumaba ka muna tulungan mo si Mama duon!" sabi niya sa batang si Saysay.
"Sige ...bye ate!" sabi nito at kumaway bago umalis.
"Kumusta pakiramdam mo?" Lumapit siya at nilagay ang kamay niya sa may noo ko" Hindi kana mainit" saad niya pa.
Medyo umayos na nga ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko at ngayon ko lang napagtanto na ibang damit na ang suot ko. Isang jersey short at t-shirt na puti.Hindi akin to ahh! at bakit panlalaki...?
Masama ko siyang tiningnan.Nakita kung bahagya siyang ngumisi bago umupo din sa kama kung nasaan ako nakahiga. Nakasandal na ngayon ang katawan ko duon.
"Huwag kang masyadong paranoid si Mama ang nagbihis sayo at kaya panlalaki ang damit mo ay dahil napaka laki ni Mama kumpara sayo. Walang kakasya kaya iyan nalang mga damit na pinaglumaan ko ang pinasuot niya." aniya pa.
"Okay, What time is it?" I asked.
"Six"
"Six in the evening?"
Umiling siya" Umaga na oi!" tumawa pa habang ako ay nanlaki ang mata.
No way
"Oh...saan ka pupunta ?" sabi niya ng makita akong dali daling bumangon.
"I need to go!...late na ako"
"Huh..., hala oo nga wait lang kukunin ko ang damit mo"
Tumawag kaagad ako kay Belle.
"Hoi! saan ka kagabi pumunta kami sa apartment mo wala ka dun !" si Pat ang sumagot as usual galit na naman.
"Hey....can I ask a favor. I need my uniform and my stuff pwede pakihatid sa room ko sabihan mo si Belle Pat" sabi ko pa.
"Belle uniform daw at gamit niya sa school ni Shane!" rinig ko sa kabilang linya.
"Saan kaba ?"
"Mamaya nalang long story..."
"Hoi Shane don't tell me nakipag one night stand ka!" malakas na sabi ni Ava humagikhik pa . Napabaling tuloy ako kay Geo na alam kung tahimik na nakikinig sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/270670270-288-k686616.jpg)
YOU ARE READING
Underneath The Moon( Zaragoza Cousin's Series 1)
RandomShane, a nursing student who always priorities her studies and has only one goal in life and that is to become successful. Independent and want to build her own name. She doesn't believe in love and for her it's just a waste of time untill Geo came.