Ari's Point Of View
Dali-dali akong bumaba ng kotse ng makitang nasa tapat na ko ng school na papasukan ko.
Whaaa! omygosh late na ko!
Kung bakit ko ba naman kasi nakalimutang iset ang alarm clock ko kagabi?
Dala-dala ang apat na makakapal na libro, dali-dali akong nag lakad papasok ng kulay gintong gate. Bago lang ako sa school na to ngunit wala na kong oras na tingnan pa ang buong paligid dahil konting oras nalang ay mag sisimula na ang klase.
I walk as fast as I can kahit na sobrang bigat ng mga librong hawak ko. Masakit na ang mga braso ko kaya nilingon ko ang mga libro, na dapat di ko na ginawa.
"ARAAAYYY!" daing ko ng mabangga ko ang kung sino. Sa sobrang lakas ng pagkakabunggo namin ay natumba ako at napaupo sa sahig samantalang tumilapon naman ang mga librong hawak ko kanina.
Huhu mameeeee!
Ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkakabagsak at nang lingunin ko ang nabunggo ko, nagulat ako ng makitang lalaki ito. Nakatayo sya sa harapan ko at nakatingin sakin na para bang walang nangyari. Pinagkatitigan ko ang mukha nya at naningkit ang mata ko ng makitang expression less ito.
Wala ba syang balak tulungan ako?
"Excuse me! Hindi mo ba ko tutulungan?" medyo inis kong tanong. Late na nga ako tas may ganto pang mangyayari?
"No." parang binalot ng lamig ang buo kong katawan ng marinig ang boses nya. Sandali akong natulala at bumalik lang sa katinuan ng lampasan nya ko.
What the— How rude! Gwapo sana pero masama ugali, Hmp!
Dali-dali akong tumayo at humarap sa likuran kung saan naglalakad ang rude na lalaking yon na para bang pag aari nya ang mundo.
Wala ng studyante sa paligid dahil nga late na ko! Nag sisimula na ang unang subject ko at alam kong di ko na maabutan yun dahil sa lalaking to!
"Hey!" malakas pero sakto lang para marinig nyang sigaw ko. Tumigil sya sandali pero nanatili syang nakatalikod sakin.
"What?"
"What your face! Pulutin mo yung mga libro ko, Mister!" utos ko.
Napaatras ako ng kaunti ng lumingon sya. Aksidenteng nag tama ang mga mata namin at ramdam ko ang unti-unting paglaki ng mga mata ko dahil sa gulat. Agad syang umiwas ng tingin at bumalik sa kaninang ayos nya, nakatalikod sakin. "Are you giving me an order? Do it yourself." malamig man ang boses, ramdam ko ang yabang ng sabihin nya yun.
Sandali akong umiwas ng tingin at pasimpleng huminga ng malalim.
Kalma ari, wag kang magagalit. Bad ang mang-away. Pero whaaaaaaa!
Talaga nga atang iniinis ako ng lalaking to ng magsimula na itong maglakad palayo sakin.
Ha! How could a person like him can be this rude, huh?
Agad umakyat ang inis sa ulo ko at walang ano-ano'y sinugod ito. Nakatalikod sya kaya hindi nya nakikitang tumatakbo ako palapit sa kanya. Nang tuluyang makalapit, di ko na natiis na higitin ang buhok nito!
Whaaaaaaaa!
"OUCH!" agad nitong hinawakan ang mga kamay kong nasa buhok nya ngunit agad din nitong nabitawan ng mas higpitan ko ang pag sabunot at higitin ang kanyang buhok na dahilan ng pag bagsak nya sa sahig! Tumayo ito agad matapos ng pagbagsak kung kaya't nabitawan ko ang buhok nya ngunit hindi ako susuko! Tumalon ako at nag piggy back sa likod nya tsaka muli syang sinabunutan!
"WHAT THE FUCK! YOU LITTLE! GET OFF ME! FUCK!" sigaw nya pero pinagpatuloy ko lang ang pagsabunot sa kanya.
"Stop cursing! You rude!" inis na sigaw ko at sa di inaasahan, naout of balance sya dahilan ng pag bagsak naming dalawa!
"Whaaaa! Arayyyy!" daing ko at hinawakan ang siko kong tumama sa sahig. Mag sasalita pa sana ko ngunit..
"YOU TWO! TO THE GUIDANCE OFFICE, NOW!!!" sigaw ng guidance counselor ng mapatingin ako rito.
"This is all your fault!" mahinang sabi ng lalaki sa likod ko kaya tinangka kong lingunin ito, ngunit huli na ang lahat dahil nalampasan na nya ko.
Nye nye! Fault mo mukha mo!
Wala akong nagawa kundi inis na kunin ang librong tumilapon kanina tsaka sumunod sa guidance counselor.
Sa ngayon, isa lang ang iniisip ko..
Patay ako kay mame nito huhu!