G.U.Y.

2.1K 17 1
                                    

"VANITY CAN CREATE A VERY CRUEL SPACE FOR YOU IF YOU DO NOT KNOW HOW TO MANAGE IT."

- LADY GAGA

CODY'S POINT OF VIEW

"Isang buwan na kayong hindi nag-uusap ni James ah." sabi sa akin ni Tristan.

"Ah? Nag-uusap naman kami." sagot ko.

"Isang buwan mo na akong sinasamahan. Hindi naman tayo mag-kaibigan dati at alam ko na ayaw mo sa akin. Sa biglang pagsama mo sa akin, bigla na lang din kayong nag-iiwasan ni James." turan nito sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." sagot ko naman sa kaniya.

Umiling-iling lang si Tristan at pagkatapos no'n ay itinuloy ko na ang pagtu-tutor ko sa kaniya.

Sa isang buwan na hindi kami nag-uusap ni James, si Tristan ang naging kaibigan ko. At dahil naging kaibigan ko na ito, naisipan ko na i-tutor na rin siya upang kahit papaano ay maka-habol siya sa mga mabababang grades niya.

Okay namang turuan si Tristan dahil madali naman din pala itong matuto. Madali lang din siyang pakisamahan at hindi ko inaakala na magugustuhan ko na kasama siya.

Gusto ko pa rin naman na makasama si James at gusto ko pa rin naman na maging okay kaming ulit, ngunit talagang iniiwasan ako nito at hindi na kinakausap.

Ilang beses ko na siyang sinubukan na kausapin at ilang beses ko nang sinubukan na makipag-bati sa kaniya, ngunit palagi lang niya akong itinataboy.

Nag-patulong na rin ako kay Dylan para lang makapag-ayos na kami, ngunit kahit ang kaniyang nobyo ay walang nagawa para pagbatiin kami.

Nag-away pa ang dalawa nang dahil sa akin at hindi ko maiwasan na hindi ma-guilty dahil may nagagawa na naman akong hindi mabuti.

Hindi ko naman sinasadya kung ano man ang nasabi ko noon kay James. Ngunit ganoon pa man, pinagsisisihan ko pa rin iyon at kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon, patutunayan ko na hindi ako homophobic kagaya ng iniisip niya ngayon.

"Wow! Hindi ko alam kung papaano ito nangyayari, pero sinasakop na rin ng mga alter ngayon ang Twitter fyp ko." mayamaya ay biglang sabi ni Tristan.

"Ugok ka talaga! Ang sabi ko sa iyo, tapusin mo na iyang sino-solve mong problem sa Math e." bulyaw ko kay Tristan.

"Oo wait lang. May ipapakita lang ako sa iyo." tugon sa akin ng lalaki. "Shit heto!" sambit niya sabay pakita sa akin ng isang video.

Video ko sa Alter na nagbabayis at tanging maskara lamang sa mata ang aking suot.

Napa-lunok ako ng aking laway at napa-titig na lang sa video ko na ipinapakita niya sa akin.

"Hindi ko alam kung saan ko nakita itong sikat na Alter na ito, pero pamilyar talaga siya sa akin." sambit ni Tristan.

Namutla ako at parang nahiya sa sinabi ni Tristan. Wala akong kaibigan na part ng LGBTQ+ maliban kay James. Dahil doon, naisip ko na baka safe ang sikreto kong pangalawang katauhan, ngunit ngayon ay naiisip ko na parang hindi naman.

Mayamaya pa, kinalabit akong muli ni Tristan. Ipinakita nito sa akin ang teaser video ko sa Alter kung saan kinakantot ko si James.

"Ang libog mo! Gawin mo na nga lang ang ipinapagawa ko sa iyo!" sambit ko kay Tristan upang maiba ang usapan naming dalawa.

"Seryoso, kilala ko silang dalawa. Hindi ko alam kung artista ba sila o ano, basta alam ko na kakilala ko sila. Ang hirap-hirap no'ng nasa dulo na lang ng dila mo iyong sagot sa gusto mong malaman. Lalo kang hindi mapapakali at mas lalo mo lang ginugusto na malaman kung ano ba talaga ang sagot." seryoso nitong sabi sa akin.

SExxx DREAMS (EXPLICIT)Where stories live. Discover now